Tuesday, May 02, 2006

caliraya

kwento mode muna ako. it's a common pattern na naman dito sa blog na ito, kapag may nangyaring kakaiba, kapag may napuntahang bago, kapag may mga bagong karanasan, mababasa nyo dito. so, umpisahan ko na. syempre, this post will be all about caliraya. medyo mahaba ang post na ito, pina-igsi ko pa nga iyan, kaso, talagang mahaba pa rin eh. anyway, yung isang nobela nga, nababasa nyo ng isang upuan, ito pa kaya? hehehe. ok, umpisahan ko na.

alas sais ng umaga ang tagpuan namin dito sa office. nakaalis kami at exactly 6:30AM, dalawang sasakyan ang ginamit namin, anim kaming magkakasama sa sasakyan ng boss namin at apat naman doon sa kabila. hindi kami convoy, ang usapan, magkita-kita na lang tayo sa finals. hehehe. ang aga naming umalis, pero inabot pa rin kami ng heavy traffic sa slex. siguro, mga isang kilometro pa ang layo doon sa tollgate, traffic na, and worst, after passing the tollgate, heavy traffic pa rin, usad pagong hanggang doon sa calamba exit.

wala pang nakarating sa amin sa caliraya, sinunod lang namin ang direction na nakasulat dito. accurate naman yung instructions kaya hindi kami naligaw. mahaba yung byahe, 4 hours ata. so, sa byahe, wala kaming ginawa kundi magkwentuhan at magkulitan. nanood kami ng dvd, lilo and stitch ata yun, basta, ganun, hindi ko rin naman naintindihan. hehehe. habang byahe, nakikinig kami sa mga awitin sa iPod ng isa naming officemate. high tech yung iPod nya, may iTrip kung saan nakabroadcast sa FM station yung mga pinapatugtog nya, kaya naririnig din namin thru the FM station ng car stereo. astig, noon lang ako nakakita nun. hehehe.

sa daan, doon sa pansol, nagkalat ang mga taong may hawak na karatulang "private pool". ang dami nila. sa daan din, may mga taong nagtitinda ng hito. may nakita pa kaming karatula, "Live Tilapia" naisip ko, ano yun, banda ba yun? May concert ang Tilapia? Live? hehehe. sa Bay yata yung halos tabi-tabi, puro garden. nagtitinda ng mga halaman. paano kaya sila kumikita ganung ilang kilometro din sila na magkakatabi na iisa yung negosyo?

after a long drive ay nakarating din kami doon sa place. nagbangka pa kami, kasi, tatawid pa pala ng lawa para marating yung lugar. malapit lang naman yung tatawirin, kailangan nga lang sumakay ng bangka. i suggest, magpatayo na sila ng tulay doon, maigsi lang naman eh. wala pang isang kilometro, siguro, mga 200 meters lang yata yun. or mas maigsi pa.

pagdating doon, tumambay muna kami doon sa restaurant nila dahil check-in time pala ay 2:00PM pa. so, dun muna namin itinambak ang aming mga gamit sa isang sulok nung restaurant. kasama na rin sa binayaran namin yung lunch doon, kaya pagdating ng lunch time, doon na kami kumain. binigyan kami ng ticket katunayang bayad na kami sa lunch, ang itsura ng ticket, mukhang ticket sa sinehan. ang daming tao doon sa restaurant, as in. marami ay high school student. marami daw kasi ang nagreretreat doon. nung lunch time na, buffet yung style, so pumila na kami. ang daming pagkain. basta, kumuha lang ako ng tama para sa akin, at nagpakabusog. after maglunch, tumambay muna kami doon at gumala-gala. kwentuhan pa rin ng kung ano-ano. hindi pa rin kasi oras ng check-in.nagpalipas ng oras hanggang sa dumating ang alas dos.

alas dos, nagcheck-in na kami sa duplex-9. isa syang bahay na may hagdan. dalawa ang cr, isa sa taas, isa sa baba. pwede yung place sa 15 persons, kaya maluwag kami. yung mga babae sa taas, kaming mga lalake, sa baba. malinis naman, airconditioned. pagdating namin sa loob, kanya kanyang pwesto sa kama, at nagsitulog kaming mga lalake. yung mga kasama naming babae, nagvideoke sa taas. nakatulog din naman kami kahit papaano. hehehe.

around 4PM nang magkagisingan at magkayayaan nang magswimming doon sa nag-iisang swimming pool doon sa lugar. apat kaming lalake na nagswimming at yung tatlong babae na kasama namin ay nagvolleyball naman. yung isa naming kasamang lalake, di namin alam kung saan nagpunta, alam ko, gumala-gala syang mag-isa doon sa lugar. tapos, yung boss namin at si harbee, lumabas para magbeer-shopping. ok naman magswimming doon, may mababaw, may malalim. 11 feet ata yung pinakamalalim, ako, hanggang doon lang sa 4 feet? hindi kasi ako marunong lumangoy, pero marunong akong malunod. kaya doon na lang ako sa mababaw.

5:30PM, sabi nung life guard, magsasara daw ang swimming pool ng 6:00PM dahil dinner time na. umahon kami ng swimming pool at 5:45PM, balik sa bahay, nagbanlaw, nagbihis at nagpunta doon sa restaurant para magdinner. doon na ulit kami nagkita-kita ng mga kasama ko. dumating na ang mga nagbeer-shopping, dumating na ang mga nagvolleyball, nakasama na ulit namin ang isa naming kasamahan na gumalang mag-isa. hehehe. syempre, pagdating sa pagkain, nagkakasundo kami.

habang kumakain sila dahil tapos na ako, biglang nagbrown-out. tapos, syempre, may generator, pero medyo madilim pa rin doon sa table namin. sabi nung isa naming kasama, masama raw kumain kapag madilim. bakit? dahil may sasalo daw sa iyo. ganun? i'm the type of person na hindi naniniwala sa mga pamahiin eh. so, i find it weird. sa akin kasi, masamang kumain kapag madilim, kasi, baka iba ang maisubo mo, or sa iba mapasubo? hehehe. baka sa halip na sa bibig mo mapasubo, magshoot sa ilong? hehehe. after ilang minuto naman, nagliwanag na muli.

at nang matapos na kaming kumain, nag-akyatan kami doon sa nakita naming hagdan. mataas na lugar, may tv na may videoke, may mga table. tumambay lang muna kami doon at nagkwentuhan. ginisa ang aming paalis na accountant. hehehe. well, we just talked about our first impression sa kanya. kung ano-ano yun, kami-kami na lang ang nakakaalam. matapos nung usapan, nagpunta na kami sa bahay.

pagdating sa bahay, kanya-kanyang trip na. may nagvivideoke at may nagbabaraha habang umiinom ng san mig light at kumakain ng mga chichiria. high tech yung baraha namin, transparent. hehehe. andun ako sa mga nagbabaraha dahil wala naman akong talent sa pagkanta. may mga bago na naman akong natutunan sa baraha. though never pa akong nakapagsugal, i know how to play tong-its and pusoy dos. natutunan ko sa panonood lang. ngayon, may bago na naman akong nalaman. ano yun? natuto ako ng poker! oo, dun ko lang yun natutunan. friendly game lang naman kami, no money involved kaya nakilaro rin ako. bukod sa poker, may nilaro pa kaming bullshit daw ang pangalan na ang goal daw ay ubusin ang kamay sa iyong mga baraha (or ubusin ang baraha sa iyong mga kamay?). naglaro din kami ng walang kamatayang 123pass.

tapos, pagkatapos nun, nung ubos na ang beer at nagkasawaan na sa pagvivideoke at paglalaro ng baraha, lumabas kami ng bahay at gumala-gala. gabi na yun, mga nakainom na kaya ang kukulit na nila. ako lang yata ang hindi lasing, hehehehe. kahit naman hindi ako lasing, makulit ako eh. gala-gala sa labas, picture-picture. gusto pang magvolleyball pero hindi rin natuloy dahil madilim na nga. basta nagpaikot-ikot kami doon hanggang sa mapagod at maisipang maupo malapit doon sa isang kubo na malapit sa aming bahay.

tapos, kwentuhan ulit. ang usapan, paiiyakin daw namin ang aming paalis na accountant. at ang topic ng usapan... ano ang mamimiss mo kapag wala na sya? tsaka, ano naman ang mamimiss nya sa amin kapag umalis na sya? o di ba, topic pa lang, nakakaiyak na? hehehe. yung napag-usapan ay amin-amin na lang din. basta, tagumpay kami sa mission namin na paiyakin sya. hehehe.

after nun. balik na kami sa bahay, pero hindi pa rin kami natulog. may mga nagvideoke pa, may mga naglaro pa rin ng baraha. as usual, sa baraha pa rin ako. nang lumalalim na ang gabi, at nagsawa na kami sa paglalaro ng baraha, biglang naisip ng boss namin na manghula. hehehe. weird talaga, as in, i was amazed, lahat ng hula nya sa akin, totoo. tapos, itinuro nya sa amin kung paano yung method ng paghuhula at paano iniinterpret yung baraha. hayan, natuto rin akong manghula sa pamamagitan ng baraha. tapos, halos lahat nung mga officemate ko, hinulaan nya, syempre, nakikiinterpret na rin ako ng baraha. hehehe, kahit medyo magulo akong mag-interpret. pero totoo, as in, i was amazed talaga dahil tatlong beses akong nagpahula sa kanya at lahat nung sinabi nya, walang sumablay. coincidence? ewan ko.

matapos nung hulaan, saka pa lang nagkatulugan. around 3:00AM na yata yun.

alas sais ng umaga, ginigising na ako ng isa kong officemate, punta na kasi sila sa restaurant para magbreakfast. mas masarap matulog kesa kumain. so, sabi ko, sila na lang, di na ako magbebreakfast. at natulog nga ulit ako. nagising ako, 9:00AM na. nagswimming na daw ulit sila. ako, wala nang balak magswimming. nagshower na lang ako at inihanda ang aking gamit para sa pag-uwi. check-out time is 12:00PM kasi, so habang bakante pa yung cr at ang iba ay nagsiswimming pa, sinamantala ko na ang pagkakataon para ayusin ang aking sarili. by 10:00AM, ready na ako, nakaempake na lahat.

isa-isa na silang naligo at nag-aayos ng gamit. nagulat na lang kami, kasi, pagkatapos mga magbihis, apat kaming nakablue! as in, blue team kami. hehehe. tambay muna kami sa labas habang nagpeprepare na rin yung iba sa pag-alis. nagpusoy-dos kami habang nagpapalipas oras. tapos, syempre, picture-picture. nung ready na ang lahat, hindi kagad kami umalis. picture-picture pa ulit, kung ano anong pose, kung saan saan. medyo magagaling at high tech yung dalawang photographer na kasama namin. hehehe. basta, ang dami naming picture doon. hihingi na lang ako ng kopya sa kanila at maipost doon sa photoalbum ko.

nagcheck-out kami around 11:30 yata. tapos, diretso muna kami sa jolibee pagsanjan para magtanghalian. doon ko napansin na ang mayor pala ng pagsanjan ay si george estregan. ang laki kasi ng billboard doon sa harap ng jolibee. pagkatapos kumain, uwi na kami. same trip, sound trip using the ipod with itrip. mahaba-habang byahe pa rin. dumating kami sa manila around 3:30PM na yata, kung saan ako ay bumaba doon sa may magallanes, umuwi sa evangelista, inayos ang gamit, at nagdrive pauwi sa batangas. dumating ako sa batangas around 6:00PM at sinalubong ng aking mga pamangkin.

whew! ang haba! this post is especially dedicated sa mga officemate ko na hindi nakasama dito. hayan, para na rin kayong sumama. hehehe. yung mga picture, abangan nyo na lang kapag binigyan na nila ako ng kopya.

yun lang!

UPDATE: andito na ang mga pictures! click here. salamat kay milton and cyncha for the pictures. yun lang!

5 comments:

Anonymous said...

una sa lahat, pektyurs!!!! asan pektyurs!!!!

pangalawa, magaling pala manghula boss mo, papahula din sana ako. wakana! papahula ko name ng makakatuluyan ko, hindi ko kasi matiyak kung si George ba o si Greg.

abet said...

elow Marhgil,

Mukhang enjoy na enjoy ka nga lalo na dun sa hulaan-portion hehehehe...picturesssssss!!!

Anonymous said...

dumalaw ulet para pagpantasyahan ang mga pektyurs.

shaks kras ko na si jolibee he he he.

Anonymous said...

tito aga....ang haa nga nloka ako! di ko pa nababasa....nnndumaan lang ako..basahin ko pag me tym

REM said...

wow! sarap naman ng gimik nyo, pero bago ang lahat, sasbihin ko lang na ok na, naayos ko na ang link mo, sensya na po kc may hang over pa ng graduation kaya mukhang wala pa sa sarili ng mag meme.

di ko pa rin napuntahan ang caliraya at mukhang maganda nga. sana pag bumalik ako ng laguna, mapasyalan ko yan.

ganda ng mga pics, enjoy akong panoorin at tsaka pede magkita tau....papahula ako sau heheheeh.