andito na ako sa bahay, and guess what, nanonood ako ngayon ng jewel in the palace habang nagboblog. uy, may internet na dito sa aming boarding house. hehehe. temporary lang, courtesy of my housemate na si ron, naka PLDT WeRoam ako ngayon. may kabagalan din nga lang, parang dial-up, pero pwede na rin. sabi nga ni penoi, ikabit daw namin sa baron super antennae at baka bibilis. hehehe.
oi, patay na ata si lady choi. pagtingin ko sa tv, bumitaw na sa puno eh. hayan, commercial na ng magpakailanman at nagbago na ata sila ng theme, hindi na tungkol sa artista ang kwento nila.
grabe kaadik ako sa pagboblog, maghapon na nga sa office, nakiagaw pa dito. hehehe. nagdinner pala ako doon sa bagong bukas na kenny roger's roasters doon sa robinsons place manila. solo A, spicy. wala lang, nabusog lang ako.
anong nangyari na sa kukote in a book? wala, nasa kukote ko pa rin. hindi pa nagmamaterialize. naghahanap pa ng publisher na makakasakay sa mga kalokohan ko. kukote in a jaryo kaya? lalong wala. kukote in a jar na lang siguro ito forever. or siguro sa isang araw, magpalit na ulit ako ng title, may naiisip kasi akong maganda eh. tear here? ano yun, commercial ng chippy? basta, abangan nyo na lang. sa totoo lang, wala naman talaga akong maisip. gusto ko lang magtype. no, im not a writer. im a typist. coz i don't write, i type using the keyboard. kasi kung isusulat ko, baka ako lang ang makaintindi. ang ganda kaya ng penmanship ko. parang steno, minsan, kahit ako, hindi ko maintindihan. hehehe
hayan, tama na. napansin ko, malago na pala ulit ang buhok ko. kailangan ko nang magpagupit. gusto ko sanang magpasemi-kalbo. yung kalahating kalbo, kalahating long hair. hehehe. yung pagtingin mo sa sideview, long hair ka, sa kabila, kalbo ka. hhmm. another kabaliwang idea mula sa aking kukote. tsk tsk.
nabalitaan nyo na ba yung fat man walking? kung hindi pa, read this. ang masasabi ko, malayo ang mararating nya. lakad ng lakad eh. hehehe. pero hindi pa rin ako believe sa kanya. kung gumapang kaya sya sa kalye at gapangin nya ang buong US, dun ako hahanga. e walking lang eh, kahit ako, kaya kong gawin yun. maglalakad lang. anong nakakatuwa dun? mataba sya na naglalakad? e kayang kaya namin nina benjo yun. fat man crawling, yun ang challenge ko sa kanya.
yun lang!
4 comments:
Palagay konga malayo mararating nya kc lakat ng lakad. malamang kung hindi yan magpapahinga, puputok mga ugat nya... at sa hospital ang bagsak nya, at tagumpay ka na mag crawl nalang sya! heheh
@tk... oo, sure yun, malayo ang mararating nya. sana, sa pilipinas nya gawin nya, buong pilipinas, lakarin nya, may RORO naman eh. hehehe.
hehe.. adik ka pala eh! adik! semi kalbo? trip ko yan sa buhok, kung medyo lalaking lalaki lang ako ganyan ang gagawin ko sa buhok ko. masarap kasing hawakan. steno? dun sa dati kong skul may steno, excited nga ako eh, pero di ko inakalang lilipat pala ako ng ibang skul. damn! tapos wala pang steno dun. kainis. hehe.
@feebee.. adik adikan lang. pwede namang magpasemikalbo ang babae ah. sige, try mo, para maging totoong macho ka! hahaha!
Post a Comment