wala kang kwenta! bakit? may ipinakwenta ka ba?
ang galing talaga ng mga driver ng dyip, parang bisikleta lang ang drive nila kung magsisingit sa daan. akala mo, sila ang hari ng kalsada.
magagaling din ang driver ng bus, lalo na doon sa edsa. kaya nga kung maaaring iwasan ang edsa, hindi talaga ako dumaraan doon. nagsasaligwayan sa kaliwa't kanan, minsan, nagkakarera pa, akala mo, walang sakay na mga pasahero. tsk tsk.
kanina, nang papasok ako, narinig ko sa fx, iniinterview ni ted failon si manny pacquiao over the phone. kaso, hindi ko naintindihan yung kanilang pinag-usapan, naglalakbay ang isip ko dahil late na ako eh. hehehe.
huli man daw at magaling, huli pa rin. ayaw ko talaga nang nalelate, sumasama ang araw ko at nababadtrip ako.
kagaya ngayon, ewan ko, parang may nakapatong na mabigat na bato sa ulo ko. ang bigat.
byernes na ulit. at malamang, mamayang gabi, or bukas ng umaga, uuwi na ulit ako sa batangas.
malapit na ulit akong bumalik sa hong kong. by that time, mag-uumpisa na ang aking trabaho. siguradong tambak na ito. sa wakas, ma-eexercise na rin kahit papaano ang aking mga brain cells. hehehe.
nagkaroon ng bagong tema ang magpakailanman sa channel 7. kung dati, in order for you to succeed, mag-artista ka, ngayon, may nadagdag. kung gusto mong maahon sa kahirapan, sumali ka sa laban o bawi! pweh!
yun lang!
No comments:
Post a Comment