parang ang dami ngayong tinatamad magblog. wala lang, napansin ko lang. ako nga, medyo tinatamad na rin, kita nyo, pangalawa ko pa lang post ito today. ewan ko ba. siguro, gutom lang ito. hehe.
alas sais na naman. daan muna ako sa robinson's at magtingin-tingin ng bagong aklat. mamaya, magbabasa ako ng psychology book, Blink yung title, The Power of Thinking without Thinking. tungkol saan? ewan ko, pinahiram lang sa akin ng officemate ko eh. hiniram kasi nya yung Da Vinci Code na book, tapos, nakita ko yang Blink sa tindahan ng aklat doon sa airport, sabi nya, meron sya. so hayun, hiniram ko, sa halip na bibili pa ako. sawa na ako kakapanood ng mga koreanovela eh, reading trip naman ako ngayon. at least, may natututunan akong bagong english words kakabasa. mga bagong salitang natutunan ko sa da vinci code... androgynous, sarcophagus, flabbergasted. saan ko kaya magamit yang mga salitang yan? hehehe.
hayaan nyo, sa mga susunod na post, subukan kong gamitin. hehehe. example.. i'm flabbergasted with your comment!!! o kaya naman, hey man, ang ganda ng picture mo, looks androgynous to me. hehehe. di ba, ok? thank you for your supporting!
yun lang.
5 comments:
ako ang nauna!!!
tell me kung maganda yung blink ha!
waaaa.. medyo kinakabahan ako sa mga bagong word nayan!! heheh!
i bought that book - blink as a vday gift for my bf, hehe hanggang ngayon di pa din nya nababasa sa sobrang busy nya. inis d ko pa 2loy mahiram.
@iambrew... so far, intro and chapter 1 pa lang natatapos ko. interesting syang basahin ;)
@tk... nabuhay kang muli! hahaha! welcome back!
@egoddess... hehehe. ikwento ko na lang sayo kung anong sinasabi kapag nabasa ko na yung book ;)
ang "sarcophagus" ba kapatid ng "esophagus"?hehehehe
Post a Comment