Friday, May 12, 2006

noli me tangere 2

meron palang ipinublish na aklat na noli me tangere 2. syempre, hindi si jose rizal ang author. nagtataka lang ako, pwede ba yun? gagawa ka ng sequel ng isang nobela na hindi naman ikaw ang nag-umpisa? e kung magsulat kaya ako ng harry potter book 7, hindi kaya ako idemanda ni j.k. rowling? o kaya, magsulat ako ng stainless longganisa 2, hindi kaya ako batuhin ng mga fans ni bob ong? patay na si rizal, kahit na. parang hindi na yata nya iginalang si jose rizal. ewan ko ha, opinyon ko lang naman yan. nakita ko kasi yung aklat doon sa national bookstore kagabi, worth 295 pesos, hindi ko binili, tiningnan ko lang yung website address nila, tapos, binisita ko ngayon. natural, puro positive reviews yung mababasa mo, nagbebenta sila ng aklat eh. so naisipan ko, magblogsearch ako kung sino na ang nakabasa nun, well, sa kabutihang palad, iisang review ang nakita ko. negative pa. ito yung review na nakita ko. ito naman yung website nila. babalik ba ako sa national bookstore para bilhin yun? hindi na muna. kapag siguro binaril na sa luneta yung author, bibili na ako. hahahaha!

yun lang.

4 comments:

Anonymous said...

haha.. talaga..pangit nmn, mi part2 pa. haha kala ko kadugtung ng noli ay el fili.. e bakit may noli 2? wahehe peke. haha

subukan mo kaya gumawa ng book 7 ng harry potter.Ü

senxia sa comment ko na walang kwenta

kukote said...

@peter.. ewan ko nga ba kung bakit naisipan nilang gumawa ng noli2.

about sa harry potter, si jk rowling na lang ang bahala dun. kapag ako ang nagtuloy nun, mangyayari, magkakaroon ng love triangle si harry potter, ron weasley at si malfoy. hahaha, harry potter ala brokeback mountain. hehehe. tapos, si voldemort at si hermione ang magkakatuluyan. pweh, ano na naman ba itong naiisip ko. yun lang!

Anonymous said...

Hekshuli nakita ko na din sa National Bookstore yan. Maling mali nga yun, dedo na yung tao eh tsaka kalokohan yung gawan ng part two.

Kung ako tatanungin, mas mabuti pang gawan nila ng book ang buhay ng isang talamak na blogger ng blogspot ha ha ha. Sigurado patok yan sa takilya este sa madla.

Danum said...

nabasa niyo na ba yung aklat na tinatawag ninyong maling mali, at pangit?
-lalawigan ng Pampanga