medyo busy ngayong araw na ito. kaya heto, ngayon lang nakapagpost.
nagkaroon din ako ng gagawin sa wakas. naghanap lang naman ako ng mga mali sa ginawang application ng mga thai. at ilan kamo ang nakita ko. pagkarami-rami. sandamakmak. 40+ errors ang nailista ko. grabe na ito. ewan ko ba, hindi ata sila nagseself-test. basta, pagkatapos gawin, ipapass na agad sa client nila, kaya hayun, malas nila dahil sa akin napaassign yung testing, sandamukal na error ang nakita ko. meron naman kasing mga error na obvious, hindi pa nila nakita dati, or hindi talaga sila nagtest? halimbawa, yung delete button. syempre, natural, dapat, kapag pinindot ko yun, madedelete yung data na sinelect ko di ba? ayos na sana, may mga confirmation pa na "Do you want to delete the data?", kaso, pagclick ko ng Yes. Aba, at andun pa rin. Inulit ko, dahil baka hindi masyadong madiin ang pagkapindot, hehehe. e talagang ganun eh, delete na hindi nadedelete. hahaha! meron pa silang edit na kapag clinick mo yung save, hindi naman nagbabago, yun pa ring dating data ang lalabas. lintsak naman oo. kung ako ang boss ng mga ito at sila ang aking staff (pinahaba ko lang ah), e masasabon ko naman sila, babanlawan ko pa. imagine, UAT na raw, as in, user acceptance test na, ipinakita na sa client, tapos, puro palpak. unacceptable. hay naku. inemail ko na sa kanila yung listahan ko ng errors, isang araw ko ring ginawa yun. hihintayin ko na lang yung e-mail nilang "it's now work!" tapos, itetest ko ulit at kapag ok na, makapagreply ng "thank you for your supporting!". hahahaha!
siguro, sa pinas ko na magagawa yung testing. kasi po, uuwi na ako bukas ng gabi. oo, bukas na ng gabi, 9:00PM ang flight ko, 11:00PM ang dating ko sa pinas. sa terminal 2, sa eroplano ni lucio tan ako sasakay. o, huwag na kayong gagawa ng banner na welcome back! kukote! hahaha!
yun lang!
1 comment:
Hi Marghil bon voyage! Buti ka pa uuwi na. Have a safe landing sa atin! Hayaan mo na mga Thai na yan anyway, you're doing a great job and keep it up! O ayan kasama ka na sa mga links ko, salamat ng marami !
Post a Comment