may 3, palabas na ang mission impossible 3. ang pelikulang nakakaloko ang title, mission impossible daw, pero mission accomplished pa rin naman sya sa katapusan, so, mission possible pa rin. hehehe. dapat, mission difficult lang. di ba? di ga? hehehe. pero panonoorin ko pa rin yan, siguro, next week, pagdating ng sweldo.
kung nanonood kayo ng tv, mapapansin nyo na kapag commercial break, si manny pacquiao na ang bida. hehehe. di ba? halos pinakyaw na lahat ng commercial, all around, may binibili pa kaya sya? ang brief nya, no fear. ang medyas nya, darlington. t-shirt, no fear. meryenda nya, mcdo, or pwede ring nestle ice-cream. minsan, nag-uulam din sya ng dolly tuna. tapos, kapag sumakit ang katawan, iinom ng alaxan. kung gustong mag-inom, san miguel beer naman. minsan, nalilito na ako, si jang geum ba ang bida sa jewel in the palace, o si pacquiao? parang mas maraming beses ko pang makita ang mukha nya kesa kay jang geum eh.
natawa ako sa balitang ito. pinaalis lang yung sapatos sa airport, pati pantalon nya, inalis. hehehe. ano kaya at gawin ko rin yun one of these days kapag nagpunta ako sa hong kong? hahaha. erase, erase. bad idea. crazy idea. di pa naman ako ganun kabaliw.
yun lang!
5 comments:
Buti nalang alang commercial ung tfc bwahahha... sobra kasi kung maka idolo ang mga pilipino kaya pati sa commercial pati idol gusto nilang makita. Bkit por exampol kung hindi si Micheal Jordan ang bida sa commercial ng Hanes, ala bang bibili? pero panghatak tlga mga artist sa mga commercial.
Aminin mo kahit ikaw gustong gusto mong makita si Anjannette ABayari dati sa commercial nya dba?... heheh!
salamat sa pagbisita sana dalas dalasan mopa hehe. mabuhay ka!
kung ndi nyo po nabasa ung comment ko regarding the pbb song, dto ko na lng po sasabihin. i copied ur lyrics and posted it in my blog. un ay kung ok lng po sa u. kung nde po. i will remove it because u have the copyright for it. pero kung ok lng naman po,e thank u po uli...la kc talaga akong mahanap din na lyrics during that tym and i felt that i had to post the lyrics as soon as possible because i'm really into pbb. in short, salamat po!
kakatuwa yung pinoy na naghubad ng shorts. huwag mong gagayahin yon. haha. napansin ko sa Pinas lang yata pinahuhubad ang sapatos. sa ibang bansa di pa pinagawa sa akin yon.
haha... nakakatoxic talaga ang mga commercial... manonood na lang ako ng DVD ng Bleach at Full Metal Alchemist, haha.
i dont like him period. may hangin na sa ulo. ;)
Post a Comment