kakatapos ko lang maglunch. hindi sa jollibee... doon kami sa kinakainan naming madalas, yung baystreet sa tapat ng landbank na malapit sa ministop, basta, doon. habang nag-uusap-usap, napag-usapan ang da vinci code. sabi nung isa kong officemate, kung ibaban daw yung da vinci code dahil blasphemous, dapat daw, ipinagbawal din noon ang pagpapalabas ng flying house. tanda nyo ba yun? yung cartoon na tungkol din sa mga bible stories. kung hindi nyo alam, click here. palabas yan dati sa channel 7 ata nung kabataan pa kami, kaya lumaki kaming mga matitino, kasi, yan ang napapanood namin. hehehe. sabi nya, hindi ba blasphemous yun? biruin nyo, may lumilipad na bahay nung panahon ni cristo, at may robot pang de-susi! at ang matindi, si cristo, nag-eenglish! wala lang, ginagawa lang naming mukhang katawa-tawa yung mga gustong magban ng "fakes yun" na pelikulang yun. nasabi na ngang fiction yun eh, kathang isip lang, masyado nilang siniseryoso.
yun lang!
5 comments:
Uy ung fren mo nman OA, pambata nman ung palabas na un eh! khit nga ako watch ko un.... syempre to make it friendly movie sa mga chikitings kaya merong flying house... sino bayang fren mo nayan, baka gusto nyakong i date baka madami akong matutuhan sa kanya.. heheh!
@tk... hahaha. meron ka nang malapiolong asawa eh. di na pwede. hahaha!
aba kukote malay koba kung Mala-adonis nman si Myfren mo.. heheh
hahaha! mala brad pitt sya. hahaha!
flying house? bakit ako tito aga, nanonood din ako nyan pero lumaki akong hindi matino pero lumaki naman akong cute.
Post a Comment