Tuesday, May 23, 2006

private math tutor, anyone?

ngayong malapit na ang pasukan, gusto kong buhayin ang sideline ko 3 years ago. ano yun? lingid sa inyong kaalaman, naging sideline ko ang maging private tutor ng mga high school students na nahihirapan sa math subjects. i conducted it every weekend, home service. pinupuntahan ko sa bahay nila, we had at least 1 to 2 hour session depende sa subjects na gusto nilang ituro ko sa kanila. during that time, i had 3 clients, magkakapitbahay doon sa san pascual, batangas. paano nila ako nakilala? yung una kong client, pamangkin ng friend ko. eh nahihirapan nga daw sa math subjects, naghahanap ng tutor, during that time, kakaresign ko lang sa AMA at wala akong trabaho. hayun, sabi ko, ako na lang, algebra and geometry lang naman. then, pagkatapos nun, yung kapitbahay pala nila, naghahanap rin ng tutor. same specs, hehehe. and they recommended me, kaya hayun, after ko ng session dun sa isa, lipat naman ako sa kabila. magkapatid naman yung tinuturuan ko sa kabila. dalawa, babae't lalaki. separate session pa sila kasi magkaiba silang subjects. 2nd year and 3rd year high school kasi sila. math din, algebra din.

so how was it? may improvement ba naman sa grades nila? oo naman. natuwa nga ako minsang kausapin ako ng parents nila, yun kasing isa, dati, lagi raw pasang-awa lang sa math, nung turuan ko, walang halong awa na yung pagkapasa nya. hehe. as in, piniperfect nya yung exam nila. paano ba naman, halos lahat ng exercise doon sa book nya, pinsagutan ko sa kanya. hehehe. at puro shortcut mga itinuturo ko. kaya hayun, satisfied customers naman sila. natigil lang yung tutorial nang magkaraoon na ako ng trabaho sa manila after 5 months of being unemployed.

so ngayon, i'm posting this because i simply need extra income. kung meron sa inyong gustong magpatutor, basta math subjects lang, preferably high school, pwede ako, basta sa weekend lang, nakatira sa batangas (san pascual, bauan, batangas city area) or sa makati. 2 hour session every weekend, enough na yun.

why will you trust me? ano ba credentials ko? modesty aside, uno lang naman po ang grades ko sa integral calculus and differential equation nung college ako. tsaka nasabi ko na ba na i graduated valedictorian out of 444 students nung high school ako? (yabang, shet!) if interested, just e-mail me or buzz me sa yahoo. andyan sa sidebar ko yung ym id ko.

note: ayaw ko magturo ng computer subjects, baka blogging lang matutunan nila sa akin. hahaha!

yun lang!

6 comments:

Yen Prieto said...

nag tutor dn ako noong unemployed ako.. nsa pinas p ko noon, 2 lang naman sila.. parehong pinsan ko pa at lahat ng subjects na nahi2rapan cla ay tinuturo ko. shmpre ksama na dn ang math dun (pro hndi ako valedictorian gaya mo hehe), at sa awa naman ng diyos tumaas naman ung grade nila kahit papano kaya natuwa dn ung tita ko skn hanggang sa umalis n nga ko.. mgandang sideline nga yan.

Unknown said...

grabe! ang tindi pala ng kukote..basic math and algebra medyo ok pa ako pero ang calculus, haaayyy...akala ko sasabog ang utak ko non...hehehe...buti naka graduate ako..

abet said...

Elow Kukote,hehehe galing mo talaga kapatid..sayang nung panahon ko wala ka pa sana e nakuha din kitang tutor hehehe..meron din akong ganung sideline dati noh ..english tutor naman ako at gumawa ng Income Tax reurn !!! YUn lang po!!! Dumaan lang

kukote said...

@yen... ang galing mo pala eh. hehehe. maganda nga syang sideline.

@idealpinkrose... di naman, basic lang din naman yung calculus, mukha lang mahirap kasi mukhang ahas yung symbol. hahaha!

@basey... sayo pala ako dapat magpatutor para naman matuto ako ng english. pati ba american accent, tinuturo mo? ala eh, how is my english ga? =)

Nicely said...

gus2 ko rin ngang magtutor, para extra income. pag di mo na kaya load mo sa tutorials mo, ipasa mo sakin ha?

wow valedictorian ka pala nung high school. blowout naman...

Aleisha said...

Having a personal tutor for our child will greatly help improve the learning of our children especially that math is a difficult subject. Experienced math tutor can greatly help learning of our children using the fundamental strategies they have learned and the experienced they have gained during their tutoting in several years.