buti pa ang baboy sa canada, may table manners. kasi, sabi nung isang principal ng school doon, filipinos eat like a pig. see story here. ibig sabihin pala, yung mga baboy nila doon, gumagamit ng kutsara at tinidor kapag kumakain? buti pa yung baboy nila, may respeto sa pagkain.
this is how i see it. kasi naman, wala pa naman akong filipinong nakita kumain na parang baboy, yung isinusungalngal ang nguso nila doon sa pagkain. so, if they think filipinos eat like a pig, ibang klase yung baboy nila, of a higher quality, may table manners, at naka spoon and fork kapag kumakain. sana, matuto sila, lalo na yung principal na yun sa mga baboy nila, buti pa yung baboy nila, may manners. hahahaha!
they did not degrade us. they simply upgrade their pigs with a much higher quality than them. tama ga english ko?
yun lang!
9 comments:
i linked you sa site ko. ;)
nabasa ko ung link..kaloka! hahah! di kase sila kumakain ng kanin kaya di sila gumagamit ng spoon...hahahah! astig ang baboy nila kung ganun...
sosyal pala ang mga baboy nila, gumagamit ng spoon and fork...
pag nagpunta sila dito sa pinas makikilala nila ang isa pang breed ng baboy, this time mga gumagamit ng spoon and knife...
kung gusto pa nila ng ibang baboy, merong gumagamit ng bare hands and chopsticks.
hahaha!!
peace!
ang ganda! kukote in a jar!!! haha :-D
Hahahaha. Aliw to ah. The freshest insight I've ever read on this issue. Really funny!
kahit antagal ko nang nabasa to, sobrang naaliw ako sa hirit modito insan hahaha! hahahahaha! hahahaha! ay, shets laffin mode na naman ako hahahaha. yun lang.
Actually, may kilala akong mga Kanadyano. Ang galing din naman kumain gamit ang kutsara't tinidor, lalo na kung adobo handa. Dinig pa nga nguya e.
Ang galing ng design ng blog mo. Ginamitan mo talaga ng kukote!
kakatawa naman nung picture na yun.
i read the link you provided. naasar ako. para namang di nag-aral yung mga yun. di ba nila alam na iba-iba rin ang tao at di naman lahat ng tao kumakain with a fork & a knife. dito nga sa amerika eh, gumagamit rin ng kutsara mga tao. hmph! yabang naman ng mga taga-canada. nakalimutan ko na tuloy kung saang city yun. hmph!
Post a Comment