Friday, May 05, 2006

kwentong elementary

ilat elementary school. dyan ako nag-elementary. isa syang public school. malapit lang ang paaralan na ito sa bahay namin. mga sampung minuto mo lang lalakarin, or limang minuto kung tatakbuhin mo. from grade 1 to grade 6, dyan ako nag-aral. dyan ako natutong bumasa, sumulat at magbilang. iba't ibang guro din ang mga nakasalamuha ko dyan. alalahanin ko nga sila.

yung teacher ko sa grade 1, si mrs. magsino, dakilang terror ng mga estudyante, nanlilisik ang mata kapag nagagalit, at ang galing magpadipa sa klase. namamalo din ito ng stick. malakas ang boses. as in, nakakatakot kapag nagsasalita na sya at galit. gusto ko nang umuwi. hehe. sya yung teacher ko nang makipagsaksakan ako ng lapis. hehe.

teacher ko sa grade 2, si mrs. marquez. may katandaan na sya nung maging teacher ko. isa sa pinakaayaw kong teacher. matanda na kasi. dahil sa kanya, natutunan ko na may mga taong unfair. at isa sya sa mga iyon. bakit ko nasabi? ginawa nya lang namang nag-iisang honor student yung pamangkin nya. na obvious naman na talagang kalokohan lang, imagine, from grade 1 to grade 6, sa kanya lang nakasama sa honor roll yung pamangkin nya. hehehe.

grade 3, guro ko naman si mrs. mirano. ang teacher ko namang ito, mabait. mahina ang boses. ang naaalala ko pa, meron silang poultry house sa bahay nila, kaya everyday, nagtitinda sya ng itlog na nilabon sa amin. hehehe.

grade 4, si miss arguelles ang guro namin. sya din ang guro ko nung kinder ako. isa rin sya sa mga terror na teacher nung mga panahong yun. magaling mamalo, magaling magpadipa. nanlilisik din ang mga mata kapag nagagalit. sya na ngayon ang principal sa ilat elementary school. minsan nga ay nakasuno ko pa sa dyip at natuwa ako dahil kilala nya pa ako. hehehe. hanggang ngayon, miss pa rin sya. bakit kaya? baka hinihintay ako. hehehe.

grade 5, marami nang teacher, pero ang adviser namin dito, si mrs. cantos. mabait din sya, malumanay magsalita. natatandaan ko, sya yung nagtuturo sa amin ng lumindol ng malakas, july 16 earthquake. oo, grade 5 ako noon. tanda ko, takot na takot sya. nung matapos ang lindol, sabi nya, magdasal daw kami.

grade 6, mrs. manalo ang adviser namin. mabait din sya at malumanay magsalita. buntis sya ng panahong nagtuturo sya sa amin. nanganak na kaya sya? hehehe.

notable teachers din nung grade 5 at grade 6 ako, si mrs. ebora. ang terror na music teacher. teacher din sya ng filipino subjects, kung saan galit na galit sya sa mga estudyanteng pangit ang handwriting. yung formal theme na isinasubmit sa kanya, kapag pangit ang sulat, talagang eekesan nya ng malaki, pulang pula pa. naninigaw ng estudyante.

hindi ko rin makakalimutang teacher si mrs. balmes. teacher ko naman sya sa math. mabait din sya. buntis din sya nung panahong nagtuturo sya sa amin, at nakunan sya during our class dahil sa sama ng loob sa isa kong kaklase. basta, may ipinagawa sya sa blackboard, pero kung ano-anong drawing lang yung ginawa ng kaklase ko, hayun, nainis, sumama ang loob, etc. basta, nalaman na lang namin, nakunan na sya.

yan ang mga guro na humubog sa aking paglaki. sa kanila ako natutong magbasa, sumulat, magkwenta at kung ano ano pa.

masaya din naman nung elementary. kailangan, maaga ka sa enrollment dahil pagkatapos nyong magpalista, mamimigay na ng mga aklat. syempre, public school, swerte mo kapag medyo bago pa yung makuha mong aklat. kung luma na, pasensya ka. lahat nung aklat na ginamit nyo, isinosoli after the end of the year, syempre, para sa mga darating pang henerasyon, sila naman ang gagamit.

during that time, lagi akong nakapantalon kung pumasok. hindi ako nagsoshorts. habulin kasi ako ng lamok. hehehe. so, hindi talaga ako pinagsusuot ng shorts ng mother ko, dahil siguradong tadtad ng kagat ng lamok ang hita at binti ko kapag nagshorts ako.

noong mga panahon ding iyon, nagkaroon din ng minor accident sa school, aside from that saksakan ng lapis. nagasgasan din ang binti ko, isang mahabang gasgas ng barbed wire. basta, ganun, dinala pa ako sa hospital.

grade 5 ata ako noon nang minsang makipagsuntukan din ako sa kaklase kong pasaway. tanda ko pa yun, naggagardening kami. makulit eh, di ko matandaan kung anong kakulitan. basta, nairita ako, e di sinuntok ko sa mukha. nagkasuntukan na. hehehe. napatawag din ang inay dahil dun. hehe. minsan kasi, masarap din ang feeling na masuntok ang taong kinaiiritahan mo. mula noon, di na sya nangulit sa akin. hehehe.

tama na. medyo ang dami ko na namang naipost ngayon. byernes na, sa monday na ulit ang sunod na post.

happy weekend!

7 comments:

Anonymous said...

May Party Sa Mansion!!!

lheeanne said...

Ang sipag sipag tlga ng kukoteng ito. Natatambakan ako sa lesson plan mo. gusto kitang dalawin araw-araw, pero sana wag mo nman akong tambakan. hehehh!!

Buti kapa 10 mins lang lakad mo papuntang skul mo, ako 45 minutes kasi sa probinsya namin noon, ala pang dumaraan dun sa papuntang skul. kaya cguro puro mucsle binti ko. hmmppp..

pero totoo nmang masayang balikan ang ating mga kalokohan nung tayoy bata pa lamang

Anonymous said...

nag grade 5 at grade six ako sa pampublikong paaralan sa isang liblib na lugar sa baryo ng san luis, batangas.


miss ko na yung gardening. nagtatanim kami ng talong at pechay pero titser namin ang nakikinabang... tsk tsk tsk pag public talaga...

Anonymous said...

katuwa naman basahin ng elementary memories mo.

grabe talaga yung mga teacher na namamalo noh. swerte ko lang di ako napalo nun, pero yung isa kong klasmeyt nung gr 2, nung recently ko syang nakausap, sabi nya sakin kaya daw di nya makalimutan yung adviser namin nun kasi napalo raw sya. scarred for life 'baga.

g3m said...

hai...kakatuwa naman po 2ng elem memories niyo... i rem po tuloy my elem days... ganyan din kalapit ung school namin... public school din po ako eh... orion elementary school po..kaya kadalasan po eh naglalakad lang po ako pero mas madalas na nakasakay (ang bigat po kasi ng bag ko eh!) hehe...

nging teacher ko din po tito ko pero nde naman po gnun cxa... mas mhrap nga kc po kelangan halos ala ka dapat mali... wahaha... naalala ko nun habang gumagawa kami ng dustpan (e.p.p teacher po cxa...)eh pinagalitan ako kasi hindi tama ung paggamit ko nung gunting na pangyero... haha...kakahiya pero natatawa na lang po ako pag naalala ko iyon...

Unknown said...

hi kuya? marhgil. binabasa ko lagi ang blog mo. gaya ng iba, minsan tumatawa ring mag isa sa harap ng computer pag binabasa blog mo. ni link ko po kayo. hope you don't mind. bago lang me sa blogging world.

& said...

marghil. yun ba talaga ang pangalan mo? anyway.. haha elementary days. GRABE! astig... nakakatawa naman si mrs. ebora. =)) pero maganda ang sulat ko nung elementary. syempre! nyahaha.

totoo, at aminado ako - na napakabait ko nung bata ako. nagwawalis ng classroom kahit na wala namang okasyon. SERYOSO AKo! pero grade1 pa yun. nyahaha.

ayun. masaya rin ang elementray life, kung tutuusin. lalo na yung grade 5 at grade 6. ayos! nice post.. ang haba! nyahaha

geh kuya. nagpapapampam lang! \m/