wala akong pasok ngayon, kaya hanggang alas dose yata ng tanghali ako doon sa kwarto na natulog. ako lang ang tao sa flat dahil pumasok sa opisina ang dalawa kong kasama. hindi na ako pinapasok dahil yung thai naman na kausap ko ay wala rin dahil umuwi sya sa thailand, sa lunes pa raw ang balik. gumising ako para magtanghalian na, and since hindi naman ako nagluluto, naligo ako at lumabas para kumain. bago ako lumabas, isinalang ko muna doon sa washing machine ang aking mga tubal. sa kfc ako kumain. two-piece chicken with mushroom rice. HK$29.00. ang mahal talaga.
after kong kumain, gumala gala, naglakad papunta sa isa pang malapit na mall. gumala gala sa mall hanggang sa makarating dito sa computer rentals. itinanong ko kung may internet, meron daw. HK$9.00 per hour. ok lang, kesa naman maburo ako sa bahay, internet na lang muna ako. pagharap ko sa computer, puro chinese characters. chinese version yung windows, pati browser. tapos, walang yahoo messenger. anyway, since kabisado ko naman ang internet browser na english, pareho lang naman yan. iniimagine ko na lang kung anong sinasabi ng mga command. hehehe. kita nyo, nakakapagblog pa rin ako. hindi naman chinese characters ang lumalabas kapag pinipindot itong keyboard eh. pero yung mga menu, chinese characters lahat. hehehe. ok lang. alam ko naman dito kung alin yung equivalent nung "Publish". hehehe.
wala na akong masabi. isang linggo na ako dito. isang linggo pa at makakauwi na. saan kaya makapunta pagkagaling ko dito? hhmmm. causeway bay? central? kahit saan wag lang sa flat.
kulimlim ngayon dito, hindi na naman sumikat ang araw. sige, uwi na ako. blog hop muna pala, tapos, gagala gala na muna ulit.
yun lang!
4 comments:
haha ang galing m naman kabisado m tlga ung mga command khit chinese.. haneeefff... nakapnta ka na ba ng harbour view mall??? ung pnakamalaking mall jan??? hanggang labas lng kmi nung anjan kami.. masyado nga ciang malaki at mukang mahal kaya d n dn kmi pumasok.. pang night market lang beauty namin haha.
seize the day tito aga... self exploration ang gawin mo jan sa hongkong halimbawa mag bus ka pa disneyland. dimo kelangan pumasok. mag pa picture ka lang sa gate ;p
talagang mahal daw sa HK. according to my classmate na nakapagbakasyon na diyan! hehehe. mag enjoy ka na lang diyan! hehehe.. eniweiz... hehehe..la lang..daan lang.. sowee nga pala kung di me nakadaan..naghiatus kasi ako..pero sandali lang.. at ngayon heto na naman.. back 2 business.. daan ka sa blog ko ha? hehehe... la lang...
@yen... kapag araw-araw, computer ang kaharap mo, makakabisado mo na talaga yun. hehe. about the harbour view mall, di ko pa sya narating. ewan ko kung mararating ko pa sya. hehe
@vemsan... hehe. ayos yan. kaso, ang layo ng disneyland dito. lugi sa pamasahe. hehehe. magedit na lang ako sa photoshop. hahaha!
@beybi19... yung pagkain, medyo mahal nga. pero yung ibang bilihin, mura naman. sige, daan ako sa blog mo. magpakape ka pagpunta ko dun ha. ;)
Post a Comment