Tuesday, May 30, 2006

da benchi code

sa wakas, napanood ko rin ang controversial movie na the da vinci code. balak ko kasi talaga syang panoorin pag-uwi ko, kaso, hindi pala palabas sa sm batangas. hayun, kagabi, pagpunta ko sa glorietta, palabas pa sya kaya nanood ako.

since nabasa ko na yung book, alam ko na yung mga mangyayari, at minsan, nakakagulat na iba yung nangyari sa nakasulat. may mga binago ng konti. nagulat na lang ako nung magpanggap si remy na sya ang the teacher habang kausap si silas sa kotse. sa book, hindi ganun. ang haba na nung movie, pero kung nabasa mo yung book, you'll say, shinortcut pa nila. yung cryptex inside a cryptex, wala na sa movie. isang cryptex lang ang dinecode nila. sa book, dalawa. well, mahirap talagang pagkasyahin sa dalawang oras ang nakasulat sa isang nobela.

overall, ok naman yung pelikula. as usual, scripted sya. kelan ba naman naging hindi scripted ang pelikula? hehehe. wala lang, naalala ko lang yung mga taong nagtataka kung bakit may mga nanonood ng wrestling e scripted naman yun, eh nanonood rin naman sila ng pelikulang scripted rin. hehehe. hayan, nalayo ako. ok, balik sa movie... ano pa bang masasabi ko, ako na lang yata ang hindi nakapanood. hehehe. anyway, watch it kung hindi nyo pa napanood, it's entertaining and thought provoking. though it's R-18, walang bed scene. hahahaha!

yun lang!

2 comments:

jho said...

hindi ako masyadong na-amaze sa movie. yung pagkaka-palabas sa movie parang na-imagine ko na habang binabasa ang book. hehe!

Anonymous said...

hehe honga may mga alterations nga dude.