byernes na naman, parang kailan lang ay lunes, byernes na ulit! hindi pa ako uuwi ng batangas. may outing nga kasi kami bukas. sa caliraya recreation center. sana, mag-enjoy ako dun, sana, kahit medyo sinisipon pa ako. medyo may kalayuan yung place, buti na lang at dalawang sasakyan na lang ang gagamitin, hindi na kasama ang kotse ko, hindi ako magdadrive, hehe. though, siguro, kung pagod na yung driver, pwede akong pumalit, walang problema. overnight kami, so, sunday na ang uwi namin, tapos nun, balik ako sa makati, tapos uwi na rin sa batangas. huh? parang magpapabalik-balik ako ah? ewan, bahala na. siguro, di na lang muna ako uuwi ng batangas, dalhin ko na lang sa laundry shop yung mga damit ko para may maisuot ako next week, hmm, bahala na.
ngayon pala ay last day na dito ng aming mahal na accountant. nagresign na sya, a career move for a brighter future. hehehe. mas maliwanag nga dun dahil disyerto, mas maliwanag ang sikat ng araw, mas bright ang future.. hehehe. talagang ganyan naman sa mundo, may dumarating, may umaalis.
now, let's talk about our accountant. gigisahin ko sya dito. hahahaha! itago na lang natin sya sa pangalang norin galang. kung maaalala nyo, sya yung unang nakatuklas ng blog na ito dito sa office, at mula noon, kumalat na sa lahat ng officemate ko. hehehe. she's one of the persons na madali kong nakaclose dito sa office, close nga ba? hehehe. di naman masyado, sa kanya lang ako nagtetext kapag absent ako, at isa rin sya sa mga nakasama ko sa aking munting negosyo. since sya ang accountant, except sa mga bossing, sya lang ang may alam kung magkano ang sweldo ko dito. hehehehe. ano pa ba? isa sya sa mga kasama ko nung valentine's day. sya yung nag-iisang nagcoconcert sa kanyang cubicle, kumakanta na akala nya ay hindi namin sya naririnig. sya yung every kinsenas at katapusan ay nagpapapirma ng payslip namin. sya yung ilang beses na rin naming nakasama sa gimikan, game sya, sa tatlong san mig light, lasing na sya. hahaha! ano pa ba? mahal na mahal sya ng mga empleyado dito, lalo na kapag umuuwi galing hong kong, espesyal yung mga chocolate para sa kanya. hehehe. ako lang yata ang hindi nagbigay ng espesyal na chocolate. malimit syang late sa pagpasok. hehehe. ano pa ba? wala na akong maisip.
well.. talagang aalis na sya, at kahit ilang months ko lang syang nakasama dito, naging bahagi na rin sya ng buhay ko kahit papaano. so ang masasabi ko lang... babay na! huwag mo kaming kalimutan kapag mayaman ka na!
yun lang!
6 comments:
ganyan tlga ang buhay.. may umaalis at meron dn naman papalit.. pro minsan ung umaalis bumabalik din.. may sense ba? haha..
enjoy the wkend..
sama ako sa caliraya... ;)
Pssst, kukote ...since aalis na si norin pede pa ba mag-appply jan sa inyo? Kahit part-time ba pede??Sana mag enjoy ka nga sa outing nyo minsan lang yan to unwind baga...ung mga pictures ha wag kalimutan ...hehehe!
Pssst, kukote ...since aalis na si norin pede pa ba mag-appply jan sa inyo? Kahit part-time ba pede??Sana mag enjoy ka nga sa outing nyo minsan lang yan to unwind baga...ung mga pictures ha wag kalimutan ...hehehe!
hello kukote!!! musta na? oo ng eh. ang bilis talaga ng panahn, ano? hhmm.. at sana nga magenjoy ka sa outing nyo. cge, have a nice day!
insaaaaaaaaaaaaaan!
don't forget to drink your meds sa sipon bago pa mauwi sa lagnat yan. Ingats, mwahz!
Post a Comment