Friday, May 19, 2006

interview with kukote

wala lang. natripan ko lang interviewhin ang sarili ko. hehehe. nababaliw na ata ako eh. hindi naman, gusto ko lang gawing Q and A ang dating ng post ko ngayon. para maiba naman. ok? ok, so here it goes...
bakit kukote in a jar ang title ng blog na ito? bakit hindi? actually, hindi ko rin alam. dati, marhgil's kukote ang title nito at mukha ko ang nakalagay dyan. kaso, natripan kong baguhin. eh yan ang naisip kong magandang title eh.

saan mo nakuha yang background picture mo? nag-image search ako sa googel. eh nakita kong kalat yang image na yan kung saan-saan. ninenok ko. i assume it's not copyrighted dahil kung saan saang website nakalagay, wala namang nakasulat na copyright. anyway, kung kukote nyo yang nasa picture, pakisabi na lang and i will give you the credit. ok? ok. kung ayaw nyong mapalagay dyan, e di aalisin ko.

of all the title, or alias, bakit kukote? siguro, dahil naniniwala ako na wala pa ring tatalo sa kukote ng mga tao. it's the greatest part of our body that God created for us.

may girlfriend ka ba? kung meron, bakit hindi mo yata naiboblog ang tungkol sa girlfriend mo? kung wala, bakit wala? meron. syempre, i already promised myself not to blog anything about my love life. hehehe. well, siguro, mabubuksan din ang topic na yan kapag natripan ko. hehehe. sa ngayon, tahimik muna ako. baka kasi magkabistuhan. hahaha!

how old are you? i'm 26 years old, turning 27 this coming august.

how much is your net worth? huh? mahina ako sa math eh. basta, approximately 2 pesos per minute lang ang sweldo ko. do your own math! hahaha!

ano ang trabaho mo? ang designation ko sa company, IT programmer analyst. therefore, ako ay isang IT practitioner na nag-aanalyze ng mga programmer. hehehehe. actually, i'm a programmer/tech support of a prestigious credit card company in the whole wide world. hehehe. anong pangalan ng company? clue: hindi yun B, hindi yun C. e ano yun? basta, yun na yun.

bakit laging may "yun lang!" ang katapusan ng post mo? bakit nga ba? siguro, dahil nung bata ako, mahilig din akong manood ng bugs bunny cartoons. na sa katapusan, lagi nyang sinasabi, "that's all folks!" naimpluwensyahan lang ako. hehe.

anong maipapayo mo sa mga blogger? keep on blogging! it's the post that counts, kahit gaano kaganda ng template mo, kung wala ka namang update, lalangawin lang yang blog mo. hehehe.

final words. ehem. bakit? bibitayin na ba ako? hehe. simple lang. "don't judge a blogger by his blog." kumbaga, yang blog ko, isang bahagi lang ng pagkatao ko, but it is not the complete me. kahit mabasa mo yang lahat ng entry ko, still, hindi mo pa rin ako kilala ng buong buo. kukote ko pa lang yang nalaman mo, hindi mo pa rin alam ang laman ng aking puso, ng atay, ng tiyan, ng balunbalunan at ng kung ano ano pa.
happy weekend everyone!

yun lang!

8 comments:

Momel said...

cool brain in a jar pic ha

yeah, there are things you don't need to blog about. nice point, pero I liked most yung part na "Don't judge a blogger by his blog." This is so right up alley.

we can exchange links if you want.

Cheers!

paninigirl said...

hey there! funny funny writing. exactly what we need the most after a looonngg day at work! i'll link you!

Empress Kaiserin said...

yun brain sa jar, nakita ko na yan, di ko lang maalala where... hmmm....

Yen Prieto said...

sayang tlga d us nag meet edi sana nakilala ko n ng personal ang tao sa likod ng blog na ito hihihi..

abet said...

Hey agree ako dun sa keep on blogging. Kahit gaanu kaganda ang template pero wala blog lalangawin din ..hehehe e panu kung nde na maganda template tapos wala pa update ( like myself!!!) panu kaya un?

ghee said...

ah oo nga,may sense yung mga sagot mo.
salamat sa dalaw sa blog ko. :D

kukote said...

andito ako ngayon sa isang computer shop na chinese ang version ng browser, anyway, sasagutin ko muna mga comments nyo hehehe.

@momel... salamat sa pagdalaw! sige po, exchange link tayo. remind me next week pag-uwi ko sa pinas, hirap kasi magkalikot ng template sa computer shop, sayang ang oras. hehe.

@swann.. hey there too! =) thanks, sige po, link lang ng link!

@erica... hmmm, saan mo nga kaya nakita? kalat lang yan sa internet :D

@yen... sayang nga at di tayo nagmeet. hayaan mo, pag-uwi mo sa pinas, magkikita rin tayo ;)

@basey... kaw naman, basta keep on posting lang. ang pinupuntahan naman ng readers, yung mga bagong post.

@ghee... salamat sa pagdalaw. salamat sa comment. may sense pala yung mga sagot ko. hehehe. ang gwapo kasi ng nag-interview. hahaha!

kukote said...

@may... nilalangaw na ba ang blog mo? hehehe. dumadaan pa naman ako at sumisilip dun paminsan-minsan, binubugaw ko yung langaw. hahaha!