Thursday, May 04, 2006

living with a vilmanian

naisipan kong isulat ang paksang ito dahil sa nalaman ko na kaya raw d lucky ones ang title nung movie nina sandara, dahil vilmanian's yung parents nila sa movie at lucky yung ipinangalan sa kanila.

my mother is a vilmanian. oo, isa syang dakilang tagahanga ni vilma santos. and how is it living with a vilmanian mother? simple lang. ganito lang yun. hindi ako makapanood ng x-men at ng kung ano pang magandang palabas sa channel 2 kapag friday night dahil automatic na yun, from 7:00PM to 9:00PM, ang inay ang may-ari ng tv dahil kailangan nyang manood ng vilma sa channel 7. every friday night, nangangapit bahay pa kami para makapanood ng cartoons, hehehe. hindi lang kapag friday, kapag may tv guesting si vilma, kanya pa rin yung tv, walang makakaagaw ng remote control. hehehe.

hindi naman sya ganun kabaliw kay vilma, everytime lang na may makikita syang magazine na si vilma ang cover, binibili nya gaano man ang presyo. syempre, nanonood rin sya ng movie ni vilma. halos lahat ng pelikula ni vilma, hindi nya pinalampas. si val, si val na walang malay, lagi na lang si val! i remember, ang una kong pasok sa sinehan ay nung maliit pa ako, isinama nila ako at vilma movie rin yung pinanood nila, kung hindi ako nagkakamali, sinasamba kita yung pinanood nila.

nung ikasal si vilma kay ralph recto sa lipa, wag ka, at present ang inay kasama ang kanyang mga kapwa vilmanian doon sa barangay namin. as in, ang aga nilang umalis ng bahay papunta doon sa lipa makita lang nila ang kasal ng kanilang idol. balita ko nga, nakadiaper pa yung iba sa kasama nya, kasi nga daw, siksikan, mahirap magpunta sa cr kapag naiihi kaya nagdiaper na lang yung iba. ewan ko kung nagdiaper din ang mother ko. hehehe.

at nung kumandidato si vilma as mayor ng lipa, kahit hindi kami taga lipa, may nakadisplay na election paraphernalia ni vilma doon sa aming bahay. hehehe. binigyan kasi sya ng tiya kong nakatira sa lipa na vilmanian rin.

nagmeet na ba sila ng personal? oo naman, at may picture pa sya. kelan nangyari yun? nung election, nagpunta si vilma sa office ng INC doon sa batangas city para humingi ng tulong sa kanyang candidacy. hayun, nung malaman ng inay na pupunta doon sa vilma (may nagbulong sa kanya), nagpunta sya at hindi nga sya nabigo. nakausap nya, nakamayan at nakasama sa picture ang kanyang idol.

ewan ko ba kung anong nakita nya kay vilma at talagang idol na idol nya ito.sabagay, if i have to choose nung mga panahong iyon between vilma and nora, si vilma rin pipiliin ko, hehehe. buti na nga lang at hindi lucky ang pangalan ko ngayon.

yun lang!

4 comments:

lheeanne said...

AT least diba Amang kukote, maging lucky man ang pangalan mo at least feeling edu manzano ang tatay mo.

at pede kang mag benta ng pirated cd at dvd dahil dka nman cguro isusuplong ng ama mo.

magulo tlga ang utak ko ngayon. dahil bukas, tatanggalin na wisdom tooth ko, super ang kaba ko. dahil papatulugin pa nila ako.

kung mamarapatin.. xlink tayo ha. para di nako maghanap pa ng ibang kapitbahay na kapitbahay ka pala. wag kalimutan. tenku

Anonymous said...

insaaaaan! hahaha oks lang yan. Kung ako nga until now crush na crush ko pa rin si Romnick Sarmenta eh! (Ano kaya pwede itawag saken?)

Romnickian? Romnicksism?
(tamang kulto bwa-HAHAHA!)

pakiss na lang ke inay!!!
hello sa lahat dyan

Anonymous said...

ang inay solid vilmanian!!!

SarubeSan said...

nanay ko rin, vilamian; pakasal kaya ako luis "lucky" manzano...hahahaha