kanina, isang oras na mahigit kong kausap ang mga thai, knowledge transfer nung system na ginagawa nila. anong nangyari? grabe, gamit na gamit at masyadong naexercise ang aking mga brain cells. hehehe. imagine, bago ko maisaksak sa kukote ko ang mga sinasabi nila, kailangan ko munang idecode ang english nila. as usual, narinig ko na naman ang ekemel (xml). at may nadagdag na naman sa aking dictionary ngayon. skin, silis, bugfik, fay at fode. hayan, ilang beses kong narinig na paulit-ulit na sinasabi bago ko nagets. hehehe. e ano nga ba yang mga yan? screen, series, bug fix, file at folder.
yan lang muna ang post ko. maigsi lang. kailangan ko munang reviewhin ang mga itinuro sa akin. ang saya ng trabaho ko, libre bakasyon na, libre language lessons pa. hehehe!
yun lang!
2 comments:
haa! talaga sinabi mo pa! kung nasa thailand ka..pahirapan sa sign language yan!!
hehehe ang cute nman nun, napa isip tuloy ako kung anong meaning ng mga yun.. hehe
Post a Comment