una sa lahat, congratulations sa rivermaya. naging proud na naman ako. see full story here.
siguro, asar yung driver ng dyip kanina na nasakyan ko pagpasok dito sa office. pagsakay ko kasi, sa unahan ako naupo. tapos, pagdating sa dulo ng evangelista, nagbabaan na yung mga pasahero, ako na lang yung natira. at mula doon sa evangelista hanggang doon sa lrt-taft-buendia, ako na lang ang pasahero nya. wala syang nakuhang iba pang pasahero. kawawa naman. ang nangyari, parang inihatid nya lang ako. walang ibang sakay eh. paano ba naman sya makakakuha, e tatlo silang dyip na magkakasunod, e nasa huli sya, lahat ng pasahero, pinupulot nung dalawang nasa unahan. kulang pa sa diskarte si manong driver. hehehe.
panghuli, impressed ba kayo kay david blaine? yung magician na sumikat sa kanyang street magic. nakakatuwa at impressed ako nung una kong mapanood, pero nung magkaroon ng Naks! sa channel 7, naisip kong kaya rin pala ng mga filipino ang ginagawa nya. naging palaisipan pa rin sa akin kung paano nila ginagawa yung mga magic tricks, lalo na doon sa cards. pero ngayon, solve na ang lahat ng problema, kasi, may nadownload akong pdf file. david blaine's magic revealed! kung gusto nyo ng kopya, eto, idownload nyo dito. dyan ko rin kinuha. may konting problema lang, walang masyadong demo, puro paliwanag na english na minsan ay hindi ko maintindihan. Gusto ko pa namang matutunan yung "Pop-up Card" (nasa page 12 nung pdf), di ko talaga magets kung ano ang sinasabi nila. will somebody explain it to me? hehehe.
yun lang!
No comments:
Post a Comment