Monday, May 22, 2006

i'm a laugh charm

last saturday, after kong tumambay doon sa computer shop na chinese yung browser, naisipan kong magpunta sa causeway bay. wala lang, tamang gala lang. first time kong lumakad ng solo dito sa hongkong.

pagdating ko dun, naglakad lang ako nang naglakad at pinasok ko yung times square mall. may kalakihan sya, hanggang 10th floor. kaso, ang mamahal ng paninda nila. so, hanggang ikot-ikot lang ako. pasok sa tindahan ng electronics, ang daming cellphone, dvd players, etc. i was actually comparing prices sa pinas, halos pareho lang. so, nagtingin lang talaga ako.

pagdating ko sa 10th floor, nakakita ako ng bookstore. Page One bookstore. dun ako nagtagal. lam nyo naman, kahit sa pinas, kapag wala akong magawa at makarating ako sa mall, sa bookstore ako tumatambay. wala lang, trip ko lang maghanap ng mga interesting books. buklat dito, buklat doon. ganun lang, kapag may nakakuha ng attention ko at kaya ng bulsa ko, binibili ko. siguro, mga isang oras din ako dun. the usual stuffs, buklat ng buklat, pabasa-basa. until makita kong nakadisplay yung da vinci code. aba at nakasale, 20% discount. sa totoo lang, hindi ko pa naman sya talaga nababasa, puro summary and reviews lang sa internet ang nabasa ko, pero yung buong nobela, hindi pa talaga. though kilala ko yung mga characters at alam yung controversies behind it, syempre yung detalye ng kwento, hindi ko rin alam. so, binili ko yung book. ,tapos, i started reading it pag-uwi sa flat. ilang chapters lang bago ako natulog. natapos ko na syang basahin kahapon. so, sa totoo lang, nabasa ko na sya ngayon. hehehe.

ang masasabi ko, parang nagbabasa ako ng pinaghalong national treasure na movie at harry potter and the sorcerer's stone. hehehe. national treasure, kasi, puro puzzle na kailangang isolve. harry potter and the sorcerer's stone, kasi, yung kwento, parang ganun yung twist. sa last part mo lang malalaman na yung kontrabida pala ay yung kasa-kasama lagi nila. basta ganun. ok sya, nakakatuwang basahin. about the revelations sa book, like yung si cristo daw at si mary magdalene ay mag-asawa, na nagkaroon sila ng anak na ang pangalan ay sarah, etc, etc. ang masasabi ko dun, still, it's a fiction. therefore, fakes yun. hehehe.

about my title... wala lang. natuwa lang ako sa anagram, puro anagram kasi yung andun sa book. o draconian devil! yan yung anagram ng leonardo da vinci na ginamit doon sa book. yung title naman nito, anagram ng name ko. thanks to anagramgenius.

yun lang!

5 comments:

Anonymous said...

ako nga ba ang una? dahan dahan ko alng baka ka masaktan hehehe.

ok ng trip mo ah.. pareho din tayo, pag sa mall tambayan ko national bookstore sa arts section naman ako... inaabot ng 2-hours minsan hehehe...

sa da vinci code na yan.. tama ka fiction lang tlaga...

i thank you bow bowowow

& said...

ahh kaya pala laugh charm.

marghil machua? yan ba name mo? chamua? cuhama? macuha! marghil macuha ka no?

yun. nakakagago yung dalawang boxers na naghalikan. EWW.

tama ka. parang pinagsama na harry potter at national treasure. buti't nabasa mo yung libro. hehe, susyal ha. hanggang kelan ka ba dyan sa HK?

un lang! haha di ako tumatambay sa mga bookstores. WANTED ako!!

Yen Prieto said...

ang lalaki nga ata ng mga malls jan.. malaki pa kaya sa mall of asia ng pinas??? hehe.

last yr nung nabsa ko yang da vinci code, aaminin ko nadala ako ng husto sa kwnto.. dun ko narealize na kelangn ko palang strengthen ung faith ko kay lord. i know it's fiction pro nung binabasa ko cia nacacarried away ako at feeling ko totoo. kahiya tlga ako.

kukote said...

@kneeko... ikaw nga ang una! ;) ako, sa kahit anong section tumatambay, basta, malakas yung aircon. hahah!

@kevin.. marhgil macuha ako. at dinecode mo pa ha. hehehe. sa saturday, nasa pinas na ulit ako.

@yen... pati presyo ng paninda, ang lalaki. hehehe. ok lang macarried away dun sa aklat, kung hindi ko siguro alam yung background nung book, nacarried away din ako eh. kaso, i already know the facts, kaya wala nang epekto sa akin. hehehe

Anonymous said...

natawa nga ako dun sa book, first few chapters pa lng. I really wonder why everybody's considering it controversial eh fiction na fiction naman yung dating hehehe! Halos predictable na nga sakin yung plot sa umpisa pa lng.

Kamukha lng tlga nung mga napapanood nating crime/suspense films sa TV. Haha!