siya: huwag tayong magtaxi dyan. tatagain tayo ng driver.yun lang!
ako: naku, ayaw ko pa ngang mamatay.
siya: bakit naman ganito dito. iisa ang pool? (swimming pool tinutukoy nya)
ako: meron pang dalawa doon sa taas. pool table.
siya: huwag tayong oorder sa kenny rogers. ako kasi dati, ala una nang pumila, alas dos na nakakain.
ako: hayan, tamang tama, mag-aalas dos na, pwede na tayong umorder.
siya: (nakita kaming nagpupusoy-dos) anong nilalaro nyo?
ako: baraha
siya: akala ko kasi nagmamahjong kayo, labo na kasi ng mata ko.
siya: marunong kang tumingin ng isda? (ang tinutukoy nya, kung marunong akong tumingin kung sariwa yung isda)
ako: oo naman. kapag nakita ko ang isda, alam kong isda yun. hehehe.
siya: huwag po kayong lalapit sa kabayo at naninipa yan.
ako: (sa isip lang) puro paa lang naman talaga yung kabayo, alangan namang manuntok yan. syempre, puro sipa lang yan.
siya: dito daw sa caliraya, sa alas dose ng gabi, namamatay na lang lahat ng ilaw.
ako: talaga? lahat ng ilaw? mamatay kaya ang ilaw sa cellphone ko?
siya: paalis lang ako. may pupuntahan lang.
ako: lahat naman ng tao, may pupuntahan kapag umaalis.
siya: natutulog ba ang isda?
ako: hindi yata. wala pa kasi akong nakitang bedroom ng isda.
siya: ano ang nauna, itlog o manok?
ako: hindi ko alam. sa buong buhay ko kasi, wala pa akong nakitang itlog at manok na nagkarera.
This is Marhgil Macuha's blog before he got his own self-hosted blog. He occassionally posts here, kapag natitripan. :)
Wednesday, May 03, 2006
siya at ako na naman
nakaipon na naman ako ng kakaibang usapan nitong mga nagdaang araw. as usual, yung ako ay ako, yung siya, iba't ibang taong nakausap ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment