kagabi. ako ay natulog. at ako ay nagising. madaling araw. alas tres na. ako ay bumangon dahil parang may tumatawag sa akin mula sa hindi kalayuan. binuksan ko ang ilaw. nagliwanag. walang tao. dahan dahan akong lumabas at dahan dahan kong binuksan ang pinto. walang tao. bumalik ako sa kama ko. pinatay ko ang ilaw. ipinikit ang mga mata. natulog na muli.
sa aking pagtulog, ako ay nanaginip. lumilipad ako. mataas. natatanaw ko ang isang malaking isla na punong puno ng mga taong kumakaway sa akin. tapos, lumubog yung isla. nalunod silang lahat. wala akong nagawa kundi pagmasdan sila sa kanilang pagkalunod. bigla akong nagising. umaga na.
hindi ko maalala kung totoong nagising ako nung madaling araw or kung panaginip lang din yun. ewan ko. basta ang alam ko lang, buhay pa ako ngayon. nakaharap sa monitor ng computer ko. pumipindot-pindot sa keyboard. lumalabas ang mga letra sa bawat paglubog ng aking mga daliri sa keyboard. nakakabuo ng mga salita. nakakabuo ng pangungusap. nakakabuo ng mga talata. at nakakabuo ng pangpost sa blog.
nakausap ko si yen kanina. malabo na nga kaming magkita. ang layo kasi nya, ang layo ko rin, di pa nagtama ang mga skeds namin. after 6pm pa kasi ako pwedeng makagala dito. nasa kowloon island kasi sila, eh nasa hongkong island kami. para magkita kami, kailangan tumawid ng dagat. e uwi na nga daw sila ngayong gabi. kaya hayun, see you when i see u na lang. narinig ko lang naman ang boses nya. at least, nagkita na ang mga boses namin. hehehe.
nakuha ko sa isang text message: ano ang tawag sa paniking mababa ang lipad? low bat!
yun lang.
1 comment:
haha uu nga buti pa boses natin nagkita.. kc ang layo pla natin sa isat isa at dagat tlga ang pagitan ntin.. at wala pa sa mapa ang lugar nio ah hehe.. pro cge may next tym p naman.. at wrong timing din dhil may bagyo n nga.. buti n lng d nadelay flight namin.. nice talking 2 u..
Post a Comment