Thursday, May 04, 2006

bisyo na to!

while on my way papasok dito sa office sakay ng fx byaheng divisoria, narinig ko na naman ang tambalang balasubas at balahura sa love radio 90.7. matagal ko na rin silang napapakinggan mula nang magtrabaho ako sa maynila. halos lahat ng taxi at fx na nasasakyan ko, yun ang pinapakinggan. kung hindi love radio ang maririnig mo, mostly, mga matatandang taxi driver na nakikinig ng AM station ang mapapakinggan mo. hehehe. meaning, ganoon talaga kasikat ang FM station na ito dito sa manila. puro kasi kabaliwan ng mga dj at kalokohang jokes ang maririnig mo, kung papasok kang masama ang gising, gaganda ang araw mo kapag narinig mo ang mga kalokohan nila. either masyado kang ipokrito or hindi ka nakakaintindi ng tagalog kung hindi ka makakarelate sa mga kalokohan nila. hehehe.

anyway, bakit ba ako nagpost ng tungkol sa love radio dito? kasi, kanina, ibrinodcast nila yung official website nilang dalawa. at for the first time, nakita ko ang mukha sa likod ng mga boses nilang nakakatulig sa umaga. hahaha! ito na po ang website nila. in fairness, maganda pala si nicole. hehehe.

kailangan pa bang imemorize yan? bisyo na to!!!


yun lang!

4 comments:

kneeko said...

dre maganda nga si nicole pati si terry hehehe... sign din ako sa guestbook nila... kukute kute...

hindi pala... kukuru kuru hehehehe

lil _kath said...

..parang makukulit nga sila ^_^ tulad ng isa jan nyeee!
..pati na yung unang nag-comment sa taas hehe!
..o sige isama na rin ako nyahaha!

cheers,
-kathy-

Rob a.k.a Bim said...

mas gusto ko kapag si nicolehiyala lang... ang corny naman kasi ni christsuper.

nao said...

insan, natawa ko don sa website. yung may caricature ang sabi "kadyot lang kafyot lang!" hahahaha!