Tuesday, May 09, 2006

hop hop hop

nagbloghopping at nagbasa ng blog ng may blog. anong mga nabasa ko? hindi ko ilalagay ang link, kayo na lang nakakaalam kung kayo ang tinutukoy ko. hehehe.

may nagpost tungkol sa mother nya, meron namang tungkol sa pakikipag-usap sa isang ingleserong lalake. may nakipag-away sa bus, meron namang nawindang sa 4x4, merong nagbalita ala korina sanchez, merong nagkwento ng first summer outing nya, may nagpost ng kahulugan ng mga birthday, may nagkwento ng bakasyon nya sa ibang bansa, may nagkaututan, may binisita ng kanyang tita, may nagbirthday na inaanak, may nagpakita ng sarili sa picture, merong nagpost tungkol sa pagiging 33 years old, may nagsentimyento kung bakit wala pa rin syang gf, merong gustong sumapak kay willie, may nanood ng mission impossible 3, may nagpost ng mga picture nya, may nagpost ng sunset sa baywalk, may ipinasok ang ulo sa freezer, merong nagparty sa bahay at may sikat na blogger na nagreklamo sa paggamit ng pldt ng salitang "pwede" sa kanilang bagong produkto.

yun lang!

3 comments:

phoebe said...

wow! ako nga una. hehe...

bah... kasali ako ah. hehe. halatang nagbabasa ka nga talaga. na miss kita. malamang busy ka sa work. bihira ka kasing magbasa ng ibang entry, tulad nga ng nabasa ko kung anong klaseng blogger ka.. mahilig ka talagang magsulat at wala akong nabasa dun na mahilig kang magbasa pero sabi mo nga rin nagbabasa ka at nabili mo pa ung isang book sa national. ehehe...

mahilig din akong magbasa. may 3 libro pa akong di natatapos. ang animal farm ni George Owell, The Giver ni Lois Lowry, The Little Prince ni Antoine de Saint-Exupery at The Catcher in the Rye ni JD Salinger. teka.. apat pala. hehe.

melai said...

heheheh tinamaan ba ko dito?? pero wala akong makitang pinost ko sa entry mo e ....... wala kasi akong post lol!!! pero maraming salamat na rin sa nadadalas na bloghop ...nagbabasa ka pala :) .... at higit sa lahat nag aantay ng link lol!!!! di mo na kailangan ng sobrang daming link ...sobrang sikat ka na e :)

VemSan said...

im sure ako yung blogger na nag post ng pics nya.. syempre photo blogging naman talaga habol ko.. heheheh

i bet si mark yung naghahanap pa rin ng gf... sabi ng lalake na kasi ang hanapin nya for a change.. LOL