Tuesday, June 10, 2014

Does Pogi Really Matters?

I came across this video while surfing on Youtube. It's actually an advertisement for Vaseline Men.


Credit: Youtube / VaselineMenPh



Friday, September 16, 2011

AIMGlobal's Complete Phyto-Energizer

Nahihilo ka na ba kung anong food supplement ang bibilhin mo sa dinami-rami ng ikinocomercial sa tv? May para sa liver, may para sa heart, may para sa arthritis, may para sa mata, may para sa lungs,at kung ano ano pa.

Simple lang yan, sa halip na bibilhin mo ang mga iyan at iinom ka ng kung ilang tableta at kapsula, Complete Phyto-Energizer na lang inumin mo. Dahil ang Complete, kumpleto na. Food supplement sya na nakakatulong para palakasin ang iyong immune system panlaban sa mga sakit tulad ng diabetes, hypertension at kanser.


Kumpleto sya ng vitamins and minerals. Meron syang 12 gulay, 12 prutas, 12 mushrooms at kung ano-ano pa. Ito ang listahan:

* 16,000 Phytonutrients and Anti-oxidants
* 29 Vitamins / Minerals / Trace Minerals
* 12 Whole Fruit Juice Blend
* 12 Whole Vegetable Juice Blend
* 18 Amino Acids
* 14 Super Green foods / Spirulina blend
* 12 Mushrooms
* 12 Digestive Enzymes
* 12 Herbs & Specialty Nutrients
* 10 Essential Fatty Acids

At ang kapsula ng Complete, gawa sa gulay. Madaling matunaw. 15 minutes pa lang, tunaw na sa tyan mo.

Kung ikaw ay constipated, try mo ang Complete, sigurado, kinabukasan, lalabas ang mga dapat lumabas sa tyan mo. :)

Kung ikaw ay sakitin, subukan mo ito inumin 3x a day. Giginhawa ang pakiramdam mo. Protektado ka na sa mga sakit.

Kung ikaw or may kilala kang may dengue, subukan mo ito. Marami nang sumubok. Tumaas ang blood platelet matapos uminom ng Complete.

Note lang po ha. Ang Complete ay hindi gamot kundi food supplement. Kung may gumagaling man sa sakit, ito ay epekto na lang dahil nakukumpleto ang sangkap ng iyong katawan upang labanan ang mga sakit.

Saan ba makakaorder nito? Kay Sir Angel Cuala po at kay Sir Alex Madlangbayan. Click nyo na lang po yung mga links nila. :)

Blogging Using The iPhone App

Subok lang ito kung makakapagpublish ba talaga ako sa blog ko using this iPhone app ng Blogger.

Mukhang ok naman sya. May inattach akong pic sa post na ito. Ano kaya itsura?

Sunday, August 29, 2010

Mara Clara Remake

Ibabalik daw ang Mara Clara sa telebisyon! Iyon ang sinabi ng ABS-CBN eh. Basahin nyo dine: Mara Clara Remake Coming Soon. Sino kaya ang gaganap na Mara at Clara? At humaba din kaya ito ng limang taon?

Limang taong umaatikabong iyakan, sampalan, sabunutan at dramahan na naman ba ito? Sino ang gusto nyong gumanap na Mara? Sino ang gusto nyong gumanap na Clara?

Basahin nyo rin: Mara Clara Remake Pareho lang naman nakasulat diyan. Hehe.

Tuesday, July 13, 2010

Smart Unlisurf

Alam nyo ga yung Smart Unlisurf? Simple lang naman yun. Ayon sa kanilang patalastas, makakapag-internet ka kahit saan, kahit kelan at sa kahit anong site kapag nag-avail ka ng kanilang serbisyo. Magbabayad ka lang ng flat fee, kagaya nang ginawa ko na nagbayad ako ng 300 pesos, unlimited na yun for 7 days.

Ang kaso! Niloloko tayo ng Smart na yan. Sabi, kahit anong site. Pero kapag nagvisit ka or kumonek yung cellphone mo sa http://messaging.nokia.com or http://email.nokia.com, aba at may additional ka pang charge na sampung piso kada tatlumpung minuto! Kahit wala kang account dun! Kahit curious ka lang at napadaan ka dun! Kahit tinopak lang yung cellphone mo at nagvisit sa site na yun! Automatic, sampung piso kaagad, kahit naka UNLISURF ka na!

Basahin ang buong detalye dine. Ingles nga laang yan!

Saturday, June 26, 2010

Lots For Sale In Bauan, Batangas

Ikaw ga ay marami nang ipon at naghahanap ng isang magandang investment? Aba, ay huwag palampasin ang pagbili ng lupa sa Boomtown Subdivision sa Bauan, Batangas!

Murang mura ang lote doon. P4000 per square meter ang pinakamura, at may 10% discount ka pa kapag nagbayad ka ng cash! Reservation fee ay P10,000 laang.

Alam mo kabayan, sa halip na kotse ang bilhin mo, ay lupa na! Bakit? Ang kotse, habang tumatagal, bumababa ang presyo. Ang lupa, lalo na kapag sa subdivision, habang tumatagal, tumataas ang presyo! Magandang investment talaga!

Kung interesado ka, punta na dito. Click click click!

Wednesday, May 26, 2010

Hello World!

Just updating this blog. Medyo may katagalan na ring walang update itong blog na ito. 2 years na. Kaya heto, nag-uupdate ng konti. wala naman ako sasabihin dahil hindi ko alam kung ano ang aking isusulat. basta hayan. post lang nang isa. sa mga naghahanap kung nasaan na ako, hanapin nyo na lang sa Google ang pangalan ko.

Yun lang!

Thursday, August 14, 2008

Ang Puwet Ni Sam Milby

May kumakalat ngayon sa Youtube na video na kuha daw sa taping ng Dyosa. Makikita daw doon na si Sam Milby ay hubo't hubad, kita ang puwet. Hehehe.

Well, ito yung Youtube video na kumakalat.






Ang tanong, puwet ba talaga ni Sam Milby yun, or kadouble lang?

Eh ano ngayon kung pwet nya yun? Wala akong paki. hahaha.

Friday, August 01, 2008

Recipe from Hell

Sya: Ano bang magandang niche blog?
Ako: Recipe from hell.
Sya: Ano yun?
Ako: Kopya ka ng recipe ng iba. Tapos, pagpalit-palitin mo ang ingredients. Yung instruction, paghaluhaluin mo rin. Palitan mo yung pakuluan ng palamigin. Palitan mo yung haluin ng kalugin. Basta, guluhin mo yung recipe. Yung minuto, gawin mong segundo. Yung segundo, gawin mong minuto. Ang saya siguro nyan. Sunog ang niluluto.
Sya: Ganun?
Ako: Oo, maganda yan. Unique content. Tataas ranking mo sa search engine. Dadami visitors mo. Tapos lagyan mo ng disclaimer. Demonyo lang ang maniniwala sa recipeng ito. Kaya nga recipe from hell.
Sya: Di ba, dapat, quality content?
Ako: Humor blog naman yun eh. That's quality content. ;)