may mga pagkakataon na kapag nag-aabang ako ng dyip, kahit nagmamadali ako at may dumaang dyip na hindi ko gusto, hindi ako sumasakay. hindi ko alam kung paanong hindi ko nagugustuhan ang isang dyip, basta, kapag parating na, naiisip ko na lang na huwag kong parahin, at pinalalampas ko nga. negative vibrations daw, hehehe.
well, kagabi, nangyari din yun sa akin nang pauwi na ako. kagabi lang naman ulit nangyari na tatlong dyip yung pinalampas ko bago ako sumakay. nung sakay na ako doon sa dyip, inisip ko, bakit kaya? bakit ko kaya pinalampas yung tatlong dyip? bakit nga ba? ewan ko, siguro, dahil may makikita akong maganda or kakaibang scenario na pwede kong iblog. hehehe. so, may nangyari nga ba? meron.
ganito lang naman, maluwag pa yung dyip, nang may sumakay na anim na kabataan. i think, they are around 13 to 15 years old. lahat lalaki, pormang mga pasaway ang dating. yung mga nakamaong na may sira, nakatshirt na black na malalaki sa kanila na kung ano anong tatak. parang hiphop na hindi naman. hehehe. e ano ngayon? nagkangitian na lang kaming mga pasahero, kasi naman, pagpasok nila ng dyip, kahit maluwag pa sya, nagkalungan sila. tatlo lang yung nakaupo at tigi-tigisa sila ng kalong. hehehe. so, tatlo lang yung ibinayad nila. magkano rin nga naman yung natipid nila, di ba? 3 x 7.50 = 22.50. natawa na lang yung driver, hehehe. akala nya, nakakuha sya ng anim na pasahero, tatlo lang pala yung bayad. hehehe. ang matindi nito, ang ingay pa nung anim sa dyip, nagkekwentuhan na puntong mga hiphop ang dating. Yo man, ok lang ba na kalungin mo ako? kapag nahihirapan ka, ako naman ang kakalong sayo! hehehe. nga naman, sa hirap ng buhay ngayon, kailangang magtipid. naisip ko tuloy, ano kaya kung may gf ako dito sa manila tapos ganyan ang drama namin? o kaya, kaming apat na magkakasama sa bahay, gawin namin yan kapag gigimik kami? hahaha!
yun lang!
2 comments:
hahaha sa comment ni tekla.
onsekantot, baka isang frank este prank yan.. baka na-feature ka na sa isang TV station shet!
tinambakan mo nman ako ng assignment???? ang sipag talagang mag sulat ng batang ito, o baka nman may hightech gadjet ka jan, na pag nag iisip ka, automatic ng natatype? peram ako nyan!!!
Post a Comment