hindi pa raw tapos ang summer, may bagyo lang. yan ang narinig ko kanina sa isang taga PAGASA na ininterview ni Ted Failon habang sakay ako ng fx papunta dito sa office. bukas, aalis na ang bagyo, papunta nang south china sea. mabuti naman kung ganun. so, kapag umalis na ang bagyo, sisikat na ulit ang araw. sabi nga sa nakita kong commercial sa tv ng wazzup wazzup, "buti pa ang araw, siguradong sisikat." kaya ayaw kong mag-artista eh, walang kasiguraduhan na sisikat, buti pa nga naman yung araw.
naalala ko lang yung instructor ko ng advanced math nung college. sabi nya, "when line A is normal to line B, then, line A is perpendicular to line B." pareho lang daw yung normal at perpendicular. tama nga naman. sabi nya, para daw di namin malimutan yung perpendicular at normal, ganito lang daw ang isipin lalo na ng mga lalaki... "when you wake up in the morning and something is perpendicular, that's normal."
a typical question... "anong oras ka nakatulog kagabi?" my typical answer... "hindi ko alam, kapag nakatulog na kasi ako, hindi ko na natitingnan ang oras, ikaw ba?"
yun lang.
2 comments:
Ako 11:00pm ako natulog kagadabi eksakto.. kc tinitigan ko tlga pati ung pag galaw nung seconds at minutes... trip kolang habang intay ko text nga asawa ko.. pero sa gma ordinaryong gabi,, gaya mo ala akong keber kung anong oras na... pero every day 6:30am gising ko... oo lam ko dimo nman tinanong un!
@tk (sino pa ba? hehehe)... talagang sakto ha? walang labis, walang kulang? galing ah. hehehe.
Post a Comment