sa wakas, sumikat na ang araw dito sa hongkong. papalayo na si chanchu, papunta daw sa mainland china. hindi naman sya gaanong kalakasan dito, malakas lang yung hangin, pero mahina lang ang ulan. at hindi rin namin masyadong naramdaman dahil nasa opisina kami. wala namang nagliparang yero at wala akong nakitang wasak na billboard. malakas lang talaga ang hangin.
magcomment lang ako sa nangyari sa mt. everest. natutuwa naman ako at sa wakas ay may nakarating nang filipino doon sa summit. congratulations mr. leo oracion for winning the philippine version of amazing race. hehehe. amazing race to mt. everest summit.
though nakakatuwa that they made history by conquering the mt. everest, nakakalungkot isipin na naging isang competition pa ito. filipino laban sa kapwa filipino, unahang makarating sa mt. everest summit. sa halip na magkaisa, nagkampi-kampi pa rin. yung isang istasyon ng tv, puro si garduce ang ipinapalabas, yung isa naman, doon sa mt. everest team. tsk tsk.
ayon kasi sa aking sources, ang plano ng mt. everest team ay sa 2007 pa aakyat, kaso, biglang nagsolo flight si garduce. hayun, syempre, kailangan makipagsabayan ng mt. everest team. para saan pa yung pangalan ng team nila na first philippine mt. everest expedition kung hindi sila ang mauuna? di ba? hehe. though they are denying na umakyat sila because of garduce, obvious naman di ba? si garduce naman, well, may sarili syang pangarap, may sarili syang timetable, e sa gusto nyang umakyat ngayon, wala silang magagawa. hayun, kaya nga naging amazing race ang dating nila sa akin. tagumpay para sa mga filipino na may nakarating na sa summit, pero yung motivating factor to reach the summit, pasikatan, pasiklaban, pagalingan, unahan, wala akong masabi.
naisip ko tuloy, what if magkaroon naman ng project na magkaroon ng first filipino on outer space? or on the moon? siguro, dalawang space shuttle ang magkakarera, isa sa GMA 7 at isa sa ABS-CBN. kung iisipin nyo, ganyan yung nangyari sa mt. everest. nakakahiya, kapwa mga filipino, nagpapasikatan. sabi nga ng yano... natatawa ako, hihihihi!
yun lang!
ito ang mga nabasa ko:
Networks racing to be first on Mt. Everest
Race to Everest heats up
Solo climber nixed joining Everest team, says leader
6 comments:
talagang nakakatawa!
at natatawa ako
dito walang pasikatan kasi
dikta ng gobyerno
isa lang ang magme ari
ng mga istasyon
nakakatawa din kasi
lagi binabanggit kami ang number one
e isa lang kaya me ari pati radyo??
hehehehehehehe
natatawa ako :)
pero swerte dito kasi
walang bagyo pramis
:)
E ano ngayon kung nakapunta sila sa tuktok ng Mt everest? diba ako pwedeng pumunta dun ng naka chopper? ala lang natanong kolang. pero ayokong pumunta ng outer space... takot ako sa mga kapwa ko alien,,,tfidw
wala eh ganyan talaga pinoy - gusto makalamang/mautak sa kapwa pinoy...kaya pinas di na umunlad;)
honga kukote,,nde nakakatuwa kung iisipin mo kasi ganung sistema pa din parang mga gagamba na naghihilahan pababa..imbes magtulungan e pasikatan pa..kanya-kanyang claim na si ganun daw nauna..kesyo si ganito daw ang una ...haaayyy walang pinag-iba sa panguluhan yan ...palubog pa din ang pinas!!! tsk tsk tsk!!!
@melai buti pa dyan, walang bagyo. hehehe.
@tk di ata pwede magpunta ng nakachopper, masyado nang mataas. bakit ka pa magchochopper, di ba nakakalipad ka naman? hehehe
@salvemsan oo nga.
@basey aba at nagulat ako at nagcomment ka. hehehe. ewan ko ba sa kanila. kelan kaya magkakaroon ng pahulihan naman? hehe
hmmmnn, kung hindi pwede ang hcopper, lalo nmang di pwede ang pakpak ko.. nyebe ata ung andun e! cguro nman pwede na ang eroplano no? or ung jet nlang ni Lex Luthor!! waaaaa
Post a Comment