hindi naman, paminsan-minsan naman, nagrereply din ako. kahit paminsan-minsan lang. sing dalas ng patak ng ulan sa saudi. ewan ko ba, mas gusto ko pang magpost nang magpost ng bago kesa magreply sa comment box eh. pasensya na kayo. ok lang naman kahit hindi kayo magcomment, ok lang din kung magcomment kayo. bahala kayo. hehehe. ako naman, bahala rin. kapag sinipag, magrereply, kapag tinamad, hindi nagrereply. e mas malimit akong tamarin na magreply, kaya pasensya na po. pero sure po ako, binabasa ko yung comment nyo, nakaforward pa nga yan sa email address ko eh. kaso nga, hayun, ewan ko ba, tinatamad akong iclick yung comment para magreply sa comment nyo eh. ewan ko. kapag talagang tinatamad ako, hindi ko magawa. kayo ba? hehehe.
o, sinong gustong magcomment? promise ko, sisipagan kong sagutin ang mga comment nyo dito. o ha! wag lang akong tatamarin.
nga pala, kung may mga katanungan kayo tungkol sa akin, may mga kasagutan ako. hehehe. so, tanong lang kayo nang tanong at pipilitin kong sumagot nang sumagot.
akala ko ba, uuwi na ako? akala ko rin nga eh. kelan ba naman tumama ang akala? pahabol post lang ito. sige, uwi na talaga ako at hinihintay na ako ni jang geum. paalam!
create your anagram here.
yun lang!
6 comments:
hahaha! ginawan mo pa ng post talaga ha! Sige na nga tutal malapit na ang July andito na ako. Pag di ka sumagot sa comment ko malamang 2nd anniversary na balik ko.
Anonymous lang ako ha?
@anonymous... o hayan, sumagot na ako sa comment mo. hehehe.
Ang pag reply kasi sa mga comment ng iyong mga komenters n readers, ay bilang pasasalamat na anjan sila, they take time to read ur entry at may comment pa... dyahe nman kc kung dahil sa tamad mong mag reply sa comment tamarin narin kamign mag basa kc parang walang apreciation.. ganun!! iba ibang trip nman yan!!!
pero mas sisipagin kang mag sulat kung alam mong may nagbabasa at nag kokoment hindi ba?
@tutubi... o ha! hayan, nagrereply na ako ha. hehehe. tama ka dyan, mas sisipag nga silang magbasa kapag nagrereply ka. sana nga, sipagin ako lagi sa pagreply. o ha! ;)
may tanong lang po....
bakit yung pizza nakalagay sa square na kahon kahit bilog un shape pizza? - shakey's
@shakey's... bakit nga ba? kasi po, mas madaling imanufacture yung square box kesa sa round box, di ba? kung gagawa ka ng round box, gagamit ka ng karton, lapis, ruler, compass at pandikit. e yung square box? di mo na kailangan ng compass, mas matipid. hehehe. tsaka kapag sa square box nilagay, may space pa sya lalagyan ng ketchup at tissue, at saka kapag nagpatak sya, yung round box, baka gumulong pa. hehehe. may sense ba sinabi ko? hehehe
Post a Comment