puro plano, ang daming plano. pero wala pa rin akong nauumpisahan, mayo na. next month, kalahating taon na naman ang nakalipas, ano nang nangyari sa buhay ko? wala pa rin. ganito pa rin ako. walang ipon, baon sa utang.
may malaking problemang parating. nakikinikinita ko na, pagdating ng july, august at sa mga susunod pang buwan, if i will not do something today, lalong gugulo ang buhok ko. kaya ngayon pa lang, nag-iisip na ako ng solusyon. actually, madali naman ang solusyon sa problema kung tutuusin, kaso, may pride pa rin ako kahit papaano. may hiya pa rin ako. ayokong pag-usapan. kaya kailangan kong panindigan ang desisyong ginawa ko one year ago. alam ko, hindi naman ako iiwan ng parents ko, pero ayoko nang umasa pa sa kanila. 26 na ako, hanggang ngayon ba naman, aasa pa ako? may iba pang paraan para lusutan ang problemang parating, pero bago ko subukan yung ibang paraan, yung sarili ko munang paraan ang gagamitin ko. kaya ko ito. sana lang, tama yung direksyon na tinatahak ko. mahirap kasi, there's no turning back.
magulo. oo, magulo ang mga ipinagsususulat ko dito ngayon, kasing gulo ng buhok ko sa kilikili. kahit ako, naguguluhan. tama ba ang mga naging desisyon ko noon? hindi ko alam. pero dapat, panindigan ko, no matter what, kahit anong kahinatnan, dapat panindigan ko, tutal, desisyon ko naman yun. kailangan ko nang gawin ang mga dapat gawin. isakatuparan ang mga planong nakatatak sa aking kukote. kailangang itigil ang pananaginip ng gising. kailangang kumilos, gawin ang nararapat. gawin ang mga bagay na gusto kong gawin, at huwag umasa na balang araw ay darating na lang ang swerte ko. kailangang hanapin ang swerte, hindi darating yan, kailangang hanapin. at kailangan ko nang mag-umpisa. kung hindi ngayon, kelan? baka bukas, huli na ang lahat. hhmmm, makapag-audition nga sa pbb.
yun lang!
1 comment:
tito aga, papa kasal na kayo?! heheh joke lang! 26 palang kayo eh.. batang bata pa *wink*
Post a Comment