kagabi, kumain kami sa tei mou kitchen restaurant. malapit lang sya dito sa office namin. just a walk away. actually, wala naman kaming balak kumain doon, kaso, nagyaya yung mga thai na kasama namin, kaya hayun, doon kami napapunta. so, kasama naming kumain yung tatlong thai, si sakulrat, chakaphong at panit (di ako sure sa name nya, yun lang ang narinig ko). wanton noodles lang naman ang kinain ko.
pagkatapos nun, umuwi na kami. pagdating sa bahay, nanood ako ng tv. pearl channel, ang palabas, The Real Da Vinci Code. tungkol sya, obviously sa Da Vinci Code ni Dan Brown. Ayos yung palabas. They proved that the Priory of Sion is just a hoax. Pagdating ko dito, niresearch ko ang pinagsasasabi nila, at totoo nga.
Ok, heto yung pagkakaintindi ko sa palabas nila. di ako sure kung tama yung pagkakaintindi ko, english kasi eh. hehehe.
Sinasabi kasi ni Dan Brown sa umpisa ng novel nya na yung Priory of Sion is a true organization, na yung mga naging Grand Master nga raw includes Newton, Hugo and Da Vinci. Sabi nya, this is based on the parchments discovered. so, ang inimbestigahan doon sa palabas, authentic ba yung parchments? kasi nga naman, yun ang sinasabi nilang ebidensya na Priory of Sion is true, na naging grand master nya si Da Vinci na nag-encode ng messages sa mga painting nya. yung mga parchment din daw na ito ang pinagbatayan ng mga author ng Holy Blood, Holy Grail ng kanilang research.
the investigation lead to Pierre Plantard. sya kasi ang sinasabing nakadiscover ng parchments. ipinakita pa yung interview nya sa BBC nung 1982 kung saan pinaninindiganan nya na totoo yung mga parchment. but later, after syempre ng mga imbestigasyon, natuklasan na lahat ng ebidensya na natuklasan daw nya, lahat, gawa-gawa lang. umamin din naman sya sa huli that he fabricated everything. totoo ba ito? na umamin sya? check nyo sa wikipedia. click here.
so, totoo ba ang da vinci code? kung hindi totoo ang priory of sion, so, hindi rin totoo na naging grand master nito si da vinci. therefore, walang alam si da vinci sa secret na sinasabing pinoprotektahan ng priory of sion, dahil wala ngang priory of sion. so, wala syang inencode na message sa kanyang mga painting. so, how about the mona lisa, at ang babae sa last supper? kanya kanya kasi ng style ang mga painter. hindi daw babae yun, si john talaga yun. may ipinakita pa silang mga painting ni da vinci, like yung painting naman ni john the baptist, na mukha ring babae. kumbaga, talagang trip lang ni da vinci na magpaint ng mga tao na androgynous ang itsura. hehehe. pero sa totoo lang, wala syang ibig sabihin dun. i can as well look at amorsolo's paintings at gumawa rin ako ng kwento ng hidden messages na kunwari ay inencode nya sa mga painting nya, tapos, tatawagin kong, the amorsolo code. hehehe.
yung question kung naging apostol nga ni christ si mary magdalene, debatable pa rin daw coz of the gnostic gospels na nadiscover kung saan si mary magdalene played a major role in the propagation of the belief. pero kung naging mag-asawa sila ni cristo, there is no such evidence daw.
yung sinasabi daw sa book na "jesus often kiss her on the mouth," kalokohan din daw yun. kasi, yung natuklasang writings, putol naman daw yun. wala yung "mouth", so ang mababasa lang daw dun, "jesus often kiss her on the..." kung ano man daw yung kasunod nun, walang nakakaalam. pwedeng cheek, nose, mouth, kahit ano. and they cited bible verses na kissing is just a form of greeting. so, wala silang intimate relationship, unless "mouth" nga yung nakasulat doon, which is just an especulation.
bago natapos yung programa, ito pa ang nangyari. nung tanungin sa interview si baigent (co author ng holy blood, holy grail) na aside from the parchments, were there any evidence that jesus and mary magdalene married and had a daughter? ang sagot nya... none.
sabi na nga bang fakes yun eh.
yun lang!
4 comments:
hep hep hep, teka bakit di ka pa dumadaan sa bago kong bahay???? ano nasa pinas ka na ba ulit?
hep hep hep! teka, dumaan na ako doon, naghahanap nga ako ng kape. hehehe. sa saturday, nasa pinas na ulit ako.
kukots: anong klaseng kukotin ka, chicharon bulaklak? joke lang
yong mga haka haka sa da vinchi (hehe) code, fiction nga siya eh.
Nakupo, if totoo lahat ng sinasabi ni dan brown sa book and film niya na si mary magdalen and jesus christ, magsyota ? Daw?!
Nakupo, if totoo yan, hindi na ako mag JW, I will be the first one to THROW THE BIBLE AWAY!!! LOL
And naisip ko, makatawa nga ulit after a hard days work,eto, habang naka salang ang sinaing, visit ko kukote blog mo. Abah, na promote pa kita sa blog ko ha?
Oo nga pala: Teng,Pautang !
Post a Comment