sabi ko nga kanina, may bagyo dito sa hong kong. at parating na. signal T1 na nga yung advisory nila nang dumating kami kahapon. medyo nagresearch-research ako ng konti at nalaman ko na ang ibig sabihin ng signalling nila. grabe, hanggang signal no. 10 pala ang bagyo dito. at ang sabi sa amin, mawawalan lang ng pasok kapag signal no. 8 na. ano ba ang kahulugan ng mga signal na yan, heto ang nakita ko. sa aking pagkakaintindi, parang yung signal no. 8, equivalent sya ng signal no. 2 sa pinas, tapos yung 9 and 10, equivalent ng signal no. 3. siguro nga.
checking over the internet, yung bagyong paparating ay si caloy nga! at nag-iba na sya ng pangalan pagdating dito sa hongkong. hindi na sya si caloy. sya na si chanchu! see details here. talaga nga naman, matapos manalasa sa pilipinas, sukat sumunod pa sa akin dine sa hong kong at dito naman magkakalat ng lagim. tsk tsk.
yun lang!
1 comment:
wow nasa hong kong..
Ü
Post a Comment