tuesday afternoon, nagmeeting kami kasama ang mga thai na magkakaroon na ng knowledge transfer ng system na ginawa nila. inischedule nila ito kinabukasan (wed) ng umaga. kinabukasan, nung umaga, naghintay kami. kinausap ng boss ko ang boss ng mga thai kung bakit di pa nag-uumpisa ang knowledge transfer. sabi nya, 2pm pa raw. dumating ang 2pm, walang nangyari. 2:15pm, nilapitan ako ng bossing na thai. sabi sa akin, wait for 15 minutes. dumating ang 2:30pm. wala pa rin. dumating ang alas tres. dumating uli si thai bossing. sabi sa akin, can we reschedule it tomorrow morning at 9:30am? busy lang daw sila. ok, ano pa bang magagawa ko? kinabukasan ulit. pagdating ng 9:30am, lumapit ulit si thai bossing. ang sabi, can we reschedule it this afternoon? kasi, may training pala sila. conflict nga naman. hehehe. after lunch, 2pm. naubusan na siguro sila ng dahilan, or nahiya na sa kanilang ginagawang pagpapahintay sa akin dahil gulong gulo na ang buhok ko, hehehe. sa wakas, nag-umpisa rin ang knowledge transfer. at doon nga, natuto ako ng mga bagong salita.
yun lang!
No comments:
Post a Comment