Wednesday, May 31, 2006

wasari amusar

another batch of text messages in my cellphone's inbox.
1. Census taker(CT): occupation please? Guy: Callboy po sir! CT: hindi pwede yan, mag-isip ka ng iba! Guy: Condom salesman with free demonstration.

2. Life is unfair. RICH: allergy, POOR: galis; RICH: credit card, POOR: bumbay; RICH: liberated, POOR: pokpok; RICH: scars, POOR: bakokang; RICH: smart, POOR: globe! nyahaha!

3. Love is like a bowl of oatmeal; warm, mushy and good for you. Lust is like soup, it is only good when it is hot. =)

4. Masaya, di ba? Na tayo ay nagkakaisa sa iisang bisyo ng bayan? Ang magtext nang magtext?! Na kahit hindi magkakasama, isa pa rin ang layunin, ang mang-ISTORBO ng nananahimik. =)

5. A gun can kill someone, a fire can burn someone, wind can chill, anger can rage till it tears you apart, but the power of my smile... hanep! pati bacteria, tulala!

6. Hoy! buwisit ka! Kapal ng mukha mo! Plastic mo pala! Painosente ka pa! Huwag mo na akong kakausapin! Traydor! Sinungaling! Direk: "ok, cut!" Title: "KINABAHAN KA The movie"

7. Maid: Sir, sino mas masarap, ako o si Ma'am? Sir: (bola) syempre ikaw. Bakit mo naman naitanong? Maid: kasi, naguguluhan ako, sabi kasi ng driver natin, mas masarap daw si Ma'am kesa sa akin! =)

8. Malalaman mo ang sakit mo sa pamamagitan ng pagtikim sa kulangot. Kapag matamis, meron kang diabetes, kapag maalat, may sakit ka sa bato, kapag mapait, may sakit ka sa atay. kapag tinikman mo, may sakit ka sa utak!

9. Mrs1: kinakausap mo ba ang mister mo habang nakikipagsex ka? Mrs2: hindi ah. Pinapatay ko nga ang cellphone ko para hindi nya ako matawagan!

10. When your dreams seem so far away, when everything seems so distant, when the stars seem out of your reach... just reach... hard... gomez. =)

11. HOY! PENGENG FRENCH FRIES!!! Show this at any McDonalds and get free regular fries thrown to your face! Promo valid until the guard kicks you out!

12. wasari amusar bikulom de amunar talaspaku amunar hom ir de pekre al madukurar hom, hom puran! Binasa mo? Lagot! Orasyon yun para kumapal ang buhok mo... down there! =)

13. Mahirap kumatok sa pusong nasugatan na, minsan, katok ka ng katok, pero nakasara pa din, hanggang sa napagod ka na, ang hindi mo alam, may door bell pala! bad trip.

14. New appointed Muslims in government: FINANCE - Abu Nado; JUSTICE - Abu Gado; PNP - Abu Sado; AFP - Abu Ridu; DSWD - Abu Luy; AGRI - Abu Kado; DOH - Abu Lario; CUSTOMS - Abu Tan

15. If Jennifer Lopez is "J.Lo", Jaworski is "Jawo", our president is "GMA" and Tracy McGrady is "T-Mac", do you think it's alright to call Bishop Teodoro Bacani, "T-Bac?" tingin mo?

yun lang!

Yes to "not-to-text"

natuwa ako sa balitang ito. mabuti naman at naisip ng NTC na gumawa ng solusyon kontra sa text spam. at sa tingin ko, the best yung naisip nila, yung pagkakaroon ng "not to text" database. ireregister mo lang yung number mo thru texting at hayun, hindi ka na makakareceive ng mga istorbong text spam. sana, matuloy ito, kasi, proposal pa lang naman yan at ngayon pa lang ay kinokontra na ng mga content providers. see story here. i checked NTC's website and found a copy of their proposal, it is here. sana matuloy ito.

ngayon, what can we do para matuloy ito at hindi sila tuluyang maimpluwensyahan ng mga content providers? how can we show our support? i suggest, let's send NTC an e-mail to encourage them to continue the "not to text" database. siguro, kung libo-libo or milyon-milyong e-mail messages ang marereceive nila na sumusuporta sa "not to text" database, hindi na sila matitinag sa desisyon nila.

paano ba? ok, today, thru the virtue vested upon me on this blog, hehehe, i now launch the "Yes to "not to text" database campaign". Paano? Ganito lang, send kayo ng e-mail sa ntc, sa ospac@ntc.gov.ph (i got this email here)with the subject: I support the "not to text" database. Tapos, sa body, kayo na ang bahala. mas maganda, pare-pareho ang subject natin. para mapansin nila na we really hate text spams. hehehe. di ba? umpisahan na natin. ang simple lang. isang e-mail lang. umpisahan ko na, mag-eemail na ako! sa makakabasa nito, spread the word, mas maraming e-mail, mas maganda!

yun lang!

Tuesday, May 30, 2006

flabbergasted

parang ang dami ngayong tinatamad magblog. wala lang, napansin ko lang. ako nga, medyo tinatamad na rin, kita nyo, pangalawa ko pa lang post ito today. ewan ko ba. siguro, gutom lang ito. hehe.

alas sais na naman. daan muna ako sa robinson's at magtingin-tingin ng bagong aklat. mamaya, magbabasa ako ng psychology book, Blink yung title, The Power of Thinking without Thinking. tungkol saan? ewan ko, pinahiram lang sa akin ng officemate ko eh. hiniram kasi nya yung Da Vinci Code na book, tapos, nakita ko yang Blink sa tindahan ng aklat doon sa airport, sabi nya, meron sya. so hayun, hiniram ko, sa halip na bibili pa ako. sawa na ako kakapanood ng mga koreanovela eh, reading trip naman ako ngayon. at least, may natututunan akong bagong english words kakabasa. mga bagong salitang natutunan ko sa da vinci code... androgynous, sarcophagus, flabbergasted. saan ko kaya magamit yang mga salitang yan? hehehe.

hayaan nyo, sa mga susunod na post, subukan kong gamitin. hehehe. example.. i'm flabbergasted with your comment!!! o kaya naman, hey man, ang ganda ng picture mo, looks androgynous to me. hehehe. di ba, ok? thank you for your supporting!

yun lang.

da benchi code

sa wakas, napanood ko rin ang controversial movie na the da vinci code. balak ko kasi talaga syang panoorin pag-uwi ko, kaso, hindi pala palabas sa sm batangas. hayun, kagabi, pagpunta ko sa glorietta, palabas pa sya kaya nanood ako.

since nabasa ko na yung book, alam ko na yung mga mangyayari, at minsan, nakakagulat na iba yung nangyari sa nakasulat. may mga binago ng konti. nagulat na lang ako nung magpanggap si remy na sya ang the teacher habang kausap si silas sa kotse. sa book, hindi ganun. ang haba na nung movie, pero kung nabasa mo yung book, you'll say, shinortcut pa nila. yung cryptex inside a cryptex, wala na sa movie. isang cryptex lang ang dinecode nila. sa book, dalawa. well, mahirap talagang pagkasyahin sa dalawang oras ang nakasulat sa isang nobela.

overall, ok naman yung pelikula. as usual, scripted sya. kelan ba naman naging hindi scripted ang pelikula? hehehe. wala lang, naalala ko lang yung mga taong nagtataka kung bakit may mga nanonood ng wrestling e scripted naman yun, eh nanonood rin naman sila ng pelikulang scripted rin. hehehe. hayan, nalayo ako. ok, balik sa movie... ano pa bang masasabi ko, ako na lang yata ang hindi nakapanood. hehehe. anyway, watch it kung hindi nyo pa napanood, it's entertaining and thought provoking. though it's R-18, walang bed scene. hahahaha!

yun lang!

Monday, May 29, 2006

gifted child

text! text! text! na mula sa aking mga katextmate.
1. there's this girl in a disco who walks to a man. Girl: Marunong ka bang magSWING? Man: (maangas) Bakit? mukha ba akong dance instructor? Girl: Hindi. Mukha kang unggoy!

2. pare1: pare, parang malalim ang iniisip mo! pare2: nanaginip ako kagabi, kasama ko, 50 contestants ng ms. universe! pare1: swerte mo! anong problema mo? pare2: pare! ako nanalo!

3. sakaling dumating ang time na umiiyak ka, huwag kang magdalawang isip na tawagin ako, dahil bibigyan kita ng ice cream, tapos, huwag natin sila bate noh? hehehe.

4. mommy1: ano ang ipinaiinom mo sa baby mo? mommy2: promil, para sa matatag na pangarap. ikaw? mommy1: ako? emperador, para sa totoong tagumpay!

5. Pari: ang interesadong magbigay ng abuloy sa simbahan, tumayo pagtugtog ng organ. Sige brod, tugtog na. Organista: Ano tutugtugin ko Father? Pari: Pambansang awit.

6. I met a crazy guy and asked him, "What is greater, heart or brain?" He answered me laughing, "I lost my brain because of love, but I lost my love because I followed my brain, hirap no?"

7. 2 friends talking: Pedro: Wow pare, nanood ako ng sine kanina, naubos ang P1000 ko. Juan: Ha? Bakit? Pedro: Bili ako ng bili ng ticket, pinupunit ng babae sa pinto eh! Adik yata!

8. French 104: Turn (Le Cou) Liter (Le True) Behind (Le Could) Five (Le Ma) Fly (Le Pad) Skin Dirt (Le Bag) Confused (Le Tou) Cute (A Cou).

9. Survey lang po. Mabait ba talaga ako? If yes, press 1, if no, press 844646891236878925657452136045631054489645221. ano, yes na lang?

10. Ito na siguro yung huling text ko sa iyo. Thanks for the time and for always keeping in touch. Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Mamimiss kita, paalam na. Matutulog na ako. Bukas ulit!

11. Sometimes, when i reflect back on all the beer I've drunk, I feel ashamed. Then I look into the glass and think about the workers in the brewery and all of their hopes and dreams. If I don't drink this beer, they might be out of work and their dreams would be shattered. Then, I say to myself, "It is better that I drink this beer and let their dreams come true than to be selfish and worry about my liver."

12. Ang mga pangit, bihirang magparamdam, hindi nangungumusta, hindi nagmimiscol, at higit sa lahat, hindi nagtetext. Ikaw, pangit ka ba? Magkakaalaman na!

13. Gifted Child, 1 month can speak MAMA, 2 months speak PAPA, 3 months speak DEDE, 4 months speak YAYA. 5 months, kaya nang magsumbong, MAMA, PAPA DEDE YAYA!

14. God asked Erap, God: kung ikaw ay makadyos, ano pangalan ko? Erap: Harold po. God: Bakit? Erap: Di ba po, sabi sa prayer... Our father in heaven, Harold be your name!

15. Kung sa pagsapit ng umaga'y di na ako nagising mula sa aking pagkakatulog, huwag kang malulungkot, iiyak o magpalabas kahit isang luha dahil... sa hapon na ako babangon. lasing ako kagabi.
punta akong glorietta. palabas pa ba ang da vinci code? manonood ako kapag palabas pa, kung hindi na, kakain na lang ako doon sa kainan doon.

yun lang!

blog update

updated my playlist. andyan na ngayon ang first day high ng kamikazee, pwede ba ng soapdish at cd version ng kabataang pinoy. wala lang, mamaya, sidebar naman iuupdate ko, idadagdag ang mga bagong naglink sa akin, para tunay na yung exchange link. hehehe.

malapit na pala ang audition ng pbb dito sa manila. kailangan ko nang magdiet. hehehe. seryoso ba ako? ewan, kapag sinumpong, makikita nyo na lang akong nakapila dun. bakit ba gusto kong sumali? gusto ko ng premyo eh. yun lang, wala akong gustong patunayan, gusto ko lang nung premyo.

yun lang!

walang kinikilingan?

"papunta pa lang kayo, pabalik na ako!" yan siguro ang gustong ipahayag ni Dale Abenojar kina Oracion, Emata at Garduce. hehehe. kagabi ko lang narinig sa balita that Abenojar claims that he is the first Filipino to summit Mt. Everest, not Oracion. Nakarating daw sya on May 15, samantalang si Oracion ay May 17, mas nauna nga naman sya. Totoo kaya ito? siguro. nakakalat sa internet ang balita eh.

I googled Abenojar and found these news... mga balita na nagsasabi na nakarating nga daw si Abenojar ng summit on May 15, though the reports said its unconfirmed, pero at least, ibinalita pala nung May 16 sa internet, hindi man lang nabanggit sa local news? Walang kinikilingang pagbabalita? Sampal sa dalawang media network, hehehe, e nakakalat lang pala dyan sa internet ang nangyari kay Abenojar eh, di man lang nabanggit, puro manok lang nila ang ibinabalita. o eto yung mga balita...
"According to MountEverest.net, Malaysian climber Ravichandran Tharumalingam and Filipino climber Dale Abenojar have both reportedly reached the summit." - Outdoor News Wire (May 16,2006)
"More and more climbers are summiting Everest from the north side, thanks to a remarkably long period of generally good weather – except for isolated snowfalls. Himex’s second team succeeded yesterday, including disabled Mark Inglis; there were also reports on Malaysian Ravi topping out, as well as unconfirmed news on Filipino Dale Abenojar reaching the summit, despite previous reports stating he had aborted his attempt." Mt. Everest.Net (May 16,2006)
“One guy who beat the odds was Dale Abenojar. You will have read about him on my blogs and many Philippine news agencies and followers have asked me about him, so here is the latest: On 12th May I saw him going up with a Sherpa. He was dress in full down suit (at 6500m!) and going very slowly. On May 18, I saw him, again on a yak, going down, just below middle camp. I was going up, but while passing he said: 'Harry, I summited May 15 and lost one toe�. So the good thing is that he is still alive and can return to his wife and children ( I had given him less than 50% survival chance, but Everest can be strange in her decisions...). Whether he actually summited he should prove himself, I have no further info about that...� - Mt.Everest.net (May 22, 2006)

Dale, or someone from his e-mail has submitted a photo and the following about Dale: "On May 15, 2006, Dale Abenojar, a Philippine-born mountaineer and amazingly the first high altitude climb of his life - finally becomes the first officially recorded Filipino Mt. Everest North Col summiter. The Chinese Mountaineering Association will present Mr. Abenojar on May 22 his certified "Mt. Everest North Col Summit Certificate". We asked for more... Stay Tuned... - EverestNews (May 25, 2006)

sige, yun lang!

Friday, May 26, 2006

the missing pen

mga piling text messages na nareceive ko while in hong kong. salamat sa mga nagpadala! saka na lang ako magreply kapag piso na lang ang reply. mahal dito eh.
1. May load ka? Please call me. Andito ako sa police station! Bwisit. Nakakahiya! Nakasuhan ako, illegal posession of cute face, hindi naman ako makaangal. Masyadong matibay ang ebidensya.

2. Kapag nakita mo yung EX mo na may kasama nang iba, huwag kang magalit o ipakita na affected ka. sabihin mo na lang, "tabeh! at dadaan ang nauna!!" =)

3. Kagabi, nanaginip ako, umiinom daw ako ng maraming maraming beer. as in, sobrang daming beer. paggising ko, wala na, wala nang laman ang arinola namin. waaahhh!

4. Makulit man ang tulad ko, mamimiss mo rin ako. Magulo man ako, masasanay ka rin. Pero, isa lang ang sisiguraduhin ko sa iyo, walang ganyan kundi ako!

5. Minsan, ang buhay, nakakawalang gana. Madalas, gusto kong tumalon na lang kung saan, tumakbo hanggang mapilayan at huwag nang huminga magpakailanman. pero sayang e... ang Cute ko pa naman.

6. Ikaw at ako, always tama ang timpla. beer ako, yelo ka. kumot ako, unan ka. saging ako, unggoy ka. hehehe. joke. bawi ka sa iba!

7. Prayer of the romantically disfranchised delusional or merely hopeful: "Lord, kung sya na, please, let everything fall into place, pero kung hindi sya... eh, Lord, pwede bang sya na lang?"

8. Kung galit ka sa akin, replyan mo ako, hindi yung pinagmumukha mo akong tanga. Sabihin mo sa akin, hindi yung nanghuhula ako, tapos, sa iba ko pa maririnig at malalaman na... cute ako! wag ganun!

9. Mrs. A: hihiwalayan ko talaga yang asawa ko. Gabi gabi na lang pumupunta sa Pegasus! Mrs. B: aba, babaero pala ha! Mrs. A: hindi! sinusundo ako palagi. Istorbo!

10.Army: May nakita ka bang pugad ng NPA dito sa bundok? Ita: Sa tagal ko dito sa bundok, wala pa akong nakita kahit isa. Ano po ba ang kulay ng itlog nila?

11. May apat na bear sa isang kotse: si papa bear, si mama bear, si baby bear. Sino yung isang bear? Eh di si Dray bear! Tawa tayo! hahaha!

12. Ano ang apelyido ni Isko? Ano pa? Eh di Beedoo! IskoBeedoo!

13. Erap writing on a slum book... FAVORITE CELEBRITY: Arnold Schwarze... (erase).. Shawar.. (erase).. Swarzen...(erase).. Washene... (erase).. Swachen...(erase)... Arnold Clavio!

14. Dalawang nurse on duty: Nurse1: Hoy Gaga, bakit may thermometer nakaipit sa tenga mo?! Nurse2: Ha? Susmaryosep! Kaninong pwet ko kaya naiwan ang ballpen ko?!

15. A biologist, physicist and chemist went to visit the beach for the first time. They were all amazed. Physicist: "I wonder how much force the waves of the ocean can produce." So he dived into the water to find out. But he never returned. Biologist: "Behold! The ocean must possess so many life forms below!" So he dived into the water but never returned too. The chemist took his pen and paper and wrote down: "The physicist and biologist are both soluble in water."
yun lang!

anghang

last day ko na dito sa hong kong. mamaya, uuwi na kami. hanggang alas tres na lang daw kami ngayon dito sa office, para makapagprepare pa ng maayos sa pag-uwi. daan lang siguro ako doon sa tindahan ng chocolate para naman may pasalubong ulit ako sa mga dapat pasalubungan.

kagabi, kumain kami kasama ang mga thai. sa swing restaurant kami kumain. ok naman yung pagkain. sobrang anghang. nung una, akala ko, kaya ko. syempre, kain din ako. well, after ilang subo, tumigil na ako. naubos ko na yung iced tea ko eh, hindi pa rin nawawala yung anghang sa dila ko. hehe. kaya hayun, sabi ko, busog na ako. e pinagpapawisan na ako doon eh. nakakakain naman ako ng maaanghang na pagkain, pero wag naman sobra. hehehe. pero ok pala yun kung gusto mong magdiet. for the record, half rice lang nakain ko kagabi. o di ba, kahit gusto ko pa, hindi ko na magawa, kasi, umuusok na ang dila ko. hahaha!

mairelate ko lang, ang alam ko kasi, aphrodisiac daw yang mga spicy foods eh. di ba, mahilig sa maanghang ang mga chinese and indians? kaya pala sila ang pinakapopulated na bansa. kasi, hot sila palagi. hehehe.

yun lang!

Thursday, May 25, 2006

coincidence

nagtext ako sa kapatid ko kanina... "bukas na ng gabi ang uwi ko. 11pm dating ko sa terminal 2, sunduin nyo ako."

nagreply sya... "bukas din uuwi ang tatay. 2:15pm daw ang dating. sige, sunduin namin kayo."

so, hayun, coincidence, nagkataon, nagkasabay pa kami ng father ko. hehehe. yun nga lang, medyo maiinip pa silang maghintay sa akin, kasi, makalabas man ako ng airport, mga 12am na siguro. sabagay, pwede muna silang gumala-gala doon sa manila bago na lang sila bumalik.

1 year mahigit din ang father ko sa bahrain. at uuwi na nga sya bukas. tapos na ang kontrata. pahinga na. mission accomplished na naman daw sya dahil napagtapos na nya kaming magkakapatid. talagang tinapos lang nya yung project doon kaya ngayon lang nakauwi.

ok. yun lang naman sasabihin ko. sige, log-off na ako. uwi na rin at mag-eempake pa ng gamit. paalam. babay!

yun lang!

sandamukal na error

medyo busy ngayong araw na ito. kaya heto, ngayon lang nakapagpost.

nagkaroon din ako ng gagawin sa wakas. naghanap lang naman ako ng mga mali sa ginawang application ng mga thai. at ilan kamo ang nakita ko. pagkarami-rami. sandamakmak. 40+ errors ang nailista ko. grabe na ito. ewan ko ba, hindi ata sila nagseself-test. basta, pagkatapos gawin, ipapass na agad sa client nila, kaya hayun, malas nila dahil sa akin napaassign yung testing, sandamukal na error ang nakita ko. meron naman kasing mga error na obvious, hindi pa nila nakita dati, or hindi talaga sila nagtest? halimbawa, yung delete button. syempre, natural, dapat, kapag pinindot ko yun, madedelete yung data na sinelect ko di ba? ayos na sana, may mga confirmation pa na "Do you want to delete the data?", kaso, pagclick ko ng Yes. Aba, at andun pa rin. Inulit ko, dahil baka hindi masyadong madiin ang pagkapindot, hehehe. e talagang ganun eh, delete na hindi nadedelete. hahaha! meron pa silang edit na kapag clinick mo yung save, hindi naman nagbabago, yun pa ring dating data ang lalabas. lintsak naman oo. kung ako ang boss ng mga ito at sila ang aking staff (pinahaba ko lang ah), e masasabon ko naman sila, babanlawan ko pa. imagine, UAT na raw, as in, user acceptance test na, ipinakita na sa client, tapos, puro palpak. unacceptable. hay naku. inemail ko na sa kanila yung listahan ko ng errors, isang araw ko ring ginawa yun. hihintayin ko na lang yung e-mail nilang "it's now work!" tapos, itetest ko ulit at kapag ok na, makapagreply ng "thank you for your supporting!". hahahaha!

siguro, sa pinas ko na magagawa yung testing. kasi po, uuwi na ako bukas ng gabi. oo, bukas na ng gabi, 9:00PM ang flight ko, 11:00PM ang dating ko sa pinas. sa terminal 2, sa eroplano ni lucio tan ako sasakay. o, huwag na kayong gagawa ng banner na welcome back! kukote! hahaha!

yun lang!

Wednesday, May 24, 2006

english at work

thank you for your supporting. yan ang malimit na mabasa ko sa e-mail ko. nakaCC lang naman ako, e-mail ng system analyst na thai kapag natulungan syang masolve yung problema nya. minsan naman, may inireport na bug sa kanila, tapos, inayos syempre nila. nung mag-e-mail sila, ang nakasulat naman, it's now work! gumagana na raw. hehehe. minsan, naiisip ko, ano kaya kung magreply ako? sabihin ko dun sa unang e-mail, you're welcoming! syempre, dun sa pangalawa, thank you for your supporting ang irereply ko. hehehe.. who says filipinos are poor english speakers? if we are poor, then the thais are pooor. hehehe. how are you ga? ala'y fine eh!

yun lang!

amorsolo code

kagabi, kumain kami sa tei mou kitchen restaurant. malapit lang sya dito sa office namin. just a walk away. actually, wala naman kaming balak kumain doon, kaso, nagyaya yung mga thai na kasama namin, kaya hayun, doon kami napapunta. so, kasama naming kumain yung tatlong thai, si sakulrat, chakaphong at panit (di ako sure sa name nya, yun lang ang narinig ko). wanton noodles lang naman ang kinain ko.

pagkatapos nun, umuwi na kami. pagdating sa bahay, nanood ako ng tv. pearl channel, ang palabas, The Real Da Vinci Code. tungkol sya, obviously sa Da Vinci Code ni Dan Brown. Ayos yung palabas. They proved that the Priory of Sion is just a hoax. Pagdating ko dito, niresearch ko ang pinagsasasabi nila, at totoo nga.

Ok, heto yung pagkakaintindi ko sa palabas nila. di ako sure kung tama yung pagkakaintindi ko, english kasi eh. hehehe.

Sinasabi kasi ni Dan Brown sa umpisa ng novel nya na yung Priory of Sion is a true organization, na yung mga naging Grand Master nga raw includes Newton, Hugo and Da Vinci. Sabi nya, this is based on the parchments discovered. so, ang inimbestigahan doon sa palabas, authentic ba yung parchments? kasi nga naman, yun ang sinasabi nilang ebidensya na Priory of Sion is true, na naging grand master nya si Da Vinci na nag-encode ng messages sa mga painting nya. yung mga parchment din daw na ito ang pinagbatayan ng mga author ng Holy Blood, Holy Grail ng kanilang research.

the investigation lead to Pierre Plantard. sya kasi ang sinasabing nakadiscover ng parchments. ipinakita pa yung interview nya sa BBC nung 1982 kung saan pinaninindiganan nya na totoo yung mga parchment. but later, after syempre ng mga imbestigasyon, natuklasan na lahat ng ebidensya na natuklasan daw nya, lahat, gawa-gawa lang. umamin din naman sya sa huli that he fabricated everything. totoo ba ito? na umamin sya? check nyo sa wikipedia. click here.

so, totoo ba ang da vinci code? kung hindi totoo ang priory of sion, so, hindi rin totoo na naging grand master nito si da vinci. therefore, walang alam si da vinci sa secret na sinasabing pinoprotektahan ng priory of sion, dahil wala ngang priory of sion. so, wala syang inencode na message sa kanyang mga painting. so, how about the mona lisa, at ang babae sa last supper? kanya kanya kasi ng style ang mga painter. hindi daw babae yun, si john talaga yun. may ipinakita pa silang mga painting ni da vinci, like yung painting naman ni john the baptist, na mukha ring babae. kumbaga, talagang trip lang ni da vinci na magpaint ng mga tao na androgynous ang itsura. hehehe. pero sa totoo lang, wala syang ibig sabihin dun. i can as well look at amorsolo's paintings at gumawa rin ako ng kwento ng hidden messages na kunwari ay inencode nya sa mga painting nya, tapos, tatawagin kong, the amorsolo code. hehehe.

yung question kung naging apostol nga ni christ si mary magdalene, debatable pa rin daw coz of the gnostic gospels na nadiscover kung saan si mary magdalene played a major role in the propagation of the belief. pero kung naging mag-asawa sila ni cristo, there is no such evidence daw.

yung sinasabi daw sa book na "jesus often kiss her on the mouth," kalokohan din daw yun. kasi, yung natuklasang writings, putol naman daw yun. wala yung "mouth", so ang mababasa lang daw dun, "jesus often kiss her on the..." kung ano man daw yung kasunod nun, walang nakakaalam. pwedeng cheek, nose, mouth, kahit ano. and they cited bible verses na kissing is just a form of greeting. so, wala silang intimate relationship, unless "mouth" nga yung nakasulat doon, which is just an especulation.

bago natapos yung programa, ito pa ang nangyari. nung tanungin sa interview si baigent (co author ng holy blood, holy grail) na aside from the parchments, were there any evidence that jesus and mary magdalene married and had a daughter? ang sagot nya... none.

sabi na nga bang fakes yun eh.

yun lang!

Tuesday, May 23, 2006

private math tutor, anyone?

ngayong malapit na ang pasukan, gusto kong buhayin ang sideline ko 3 years ago. ano yun? lingid sa inyong kaalaman, naging sideline ko ang maging private tutor ng mga high school students na nahihirapan sa math subjects. i conducted it every weekend, home service. pinupuntahan ko sa bahay nila, we had at least 1 to 2 hour session depende sa subjects na gusto nilang ituro ko sa kanila. during that time, i had 3 clients, magkakapitbahay doon sa san pascual, batangas. paano nila ako nakilala? yung una kong client, pamangkin ng friend ko. eh nahihirapan nga daw sa math subjects, naghahanap ng tutor, during that time, kakaresign ko lang sa AMA at wala akong trabaho. hayun, sabi ko, ako na lang, algebra and geometry lang naman. then, pagkatapos nun, yung kapitbahay pala nila, naghahanap rin ng tutor. same specs, hehehe. and they recommended me, kaya hayun, after ko ng session dun sa isa, lipat naman ako sa kabila. magkapatid naman yung tinuturuan ko sa kabila. dalawa, babae't lalaki. separate session pa sila kasi magkaiba silang subjects. 2nd year and 3rd year high school kasi sila. math din, algebra din.

so how was it? may improvement ba naman sa grades nila? oo naman. natuwa nga ako minsang kausapin ako ng parents nila, yun kasing isa, dati, lagi raw pasang-awa lang sa math, nung turuan ko, walang halong awa na yung pagkapasa nya. hehe. as in, piniperfect nya yung exam nila. paano ba naman, halos lahat ng exercise doon sa book nya, pinsagutan ko sa kanya. hehehe. at puro shortcut mga itinuturo ko. kaya hayun, satisfied customers naman sila. natigil lang yung tutorial nang magkaraoon na ako ng trabaho sa manila after 5 months of being unemployed.

so ngayon, i'm posting this because i simply need extra income. kung meron sa inyong gustong magpatutor, basta math subjects lang, preferably high school, pwede ako, basta sa weekend lang, nakatira sa batangas (san pascual, bauan, batangas city area) or sa makati. 2 hour session every weekend, enough na yun.

why will you trust me? ano ba credentials ko? modesty aside, uno lang naman po ang grades ko sa integral calculus and differential equation nung college ako. tsaka nasabi ko na ba na i graduated valedictorian out of 444 students nung high school ako? (yabang, shet!) if interested, just e-mail me or buzz me sa yahoo. andyan sa sidebar ko yung ym id ko.

note: ayaw ko magturo ng computer subjects, baka blogging lang matutunan nila sa akin. hahaha!

yun lang!

kakaantok

inaantok ako. paano ba matulog ng nakamulat?

mag-isip nga kayo

bakit nyo ba gustong i-ban yung pelikula? it's blasphemous. bakit, napanood nyo na ba? hindi pa. ang hirap sa inyo, you are relying on hearsay, hindi nyo pa pala napapanood, may conclusion na agad kayo na blasphemous yung movie, mag-isip nga kayo!

bakit nyo ba gustong i-ban yung pelikula? it's blasphemous. bakit, napanood nyo na ba? oo, and it is really blasphemous. ang daya nyo naman, gusto nyo, kayo lang ang nakapanood! mag-isip nga kayo!

walang lusot. hahaha!

yun lang!

Monday, May 22, 2006

i'm a laugh charm

last saturday, after kong tumambay doon sa computer shop na chinese yung browser, naisipan kong magpunta sa causeway bay. wala lang, tamang gala lang. first time kong lumakad ng solo dito sa hongkong.

pagdating ko dun, naglakad lang ako nang naglakad at pinasok ko yung times square mall. may kalakihan sya, hanggang 10th floor. kaso, ang mamahal ng paninda nila. so, hanggang ikot-ikot lang ako. pasok sa tindahan ng electronics, ang daming cellphone, dvd players, etc. i was actually comparing prices sa pinas, halos pareho lang. so, nagtingin lang talaga ako.

pagdating ko sa 10th floor, nakakita ako ng bookstore. Page One bookstore. dun ako nagtagal. lam nyo naman, kahit sa pinas, kapag wala akong magawa at makarating ako sa mall, sa bookstore ako tumatambay. wala lang, trip ko lang maghanap ng mga interesting books. buklat dito, buklat doon. ganun lang, kapag may nakakuha ng attention ko at kaya ng bulsa ko, binibili ko. siguro, mga isang oras din ako dun. the usual stuffs, buklat ng buklat, pabasa-basa. until makita kong nakadisplay yung da vinci code. aba at nakasale, 20% discount. sa totoo lang, hindi ko pa naman sya talaga nababasa, puro summary and reviews lang sa internet ang nabasa ko, pero yung buong nobela, hindi pa talaga. though kilala ko yung mga characters at alam yung controversies behind it, syempre yung detalye ng kwento, hindi ko rin alam. so, binili ko yung book. ,tapos, i started reading it pag-uwi sa flat. ilang chapters lang bago ako natulog. natapos ko na syang basahin kahapon. so, sa totoo lang, nabasa ko na sya ngayon. hehehe.

ang masasabi ko, parang nagbabasa ako ng pinaghalong national treasure na movie at harry potter and the sorcerer's stone. hehehe. national treasure, kasi, puro puzzle na kailangang isolve. harry potter and the sorcerer's stone, kasi, yung kwento, parang ganun yung twist. sa last part mo lang malalaman na yung kontrabida pala ay yung kasa-kasama lagi nila. basta ganun. ok sya, nakakatuwang basahin. about the revelations sa book, like yung si cristo daw at si mary magdalene ay mag-asawa, na nagkaroon sila ng anak na ang pangalan ay sarah, etc, etc. ang masasabi ko dun, still, it's a fiction. therefore, fakes yun. hehehe.

about my title... wala lang. natuwa lang ako sa anagram, puro anagram kasi yung andun sa book. o draconian devil! yan yung anagram ng leonardo da vinci na ginamit doon sa book. yung title naman nito, anagram ng name ko. thanks to anagramgenius.

yun lang!

Saturday, May 20, 2006

my sabado

wala akong pasok ngayon, kaya hanggang alas dose yata ng tanghali ako doon sa kwarto na natulog. ako lang ang tao sa flat dahil pumasok sa opisina ang dalawa kong kasama. hindi na ako pinapasok dahil yung thai naman na kausap ko ay wala rin dahil umuwi sya sa thailand, sa lunes pa raw ang balik. gumising ako para magtanghalian na, and since hindi naman ako nagluluto, naligo ako at lumabas para kumain. bago ako lumabas, isinalang ko muna doon sa washing machine ang aking mga tubal. sa kfc ako kumain. two-piece chicken with mushroom rice. HK$29.00. ang mahal talaga.

after kong kumain, gumala gala, naglakad papunta sa isa pang malapit na mall. gumala gala sa mall hanggang sa makarating dito sa computer rentals. itinanong ko kung may internet, meron daw. HK$9.00 per hour. ok lang, kesa naman maburo ako sa bahay, internet na lang muna ako. pagharap ko sa computer, puro chinese characters. chinese version yung windows, pati browser. tapos, walang yahoo messenger. anyway, since kabisado ko naman ang internet browser na english, pareho lang naman yan. iniimagine ko na lang kung anong sinasabi ng mga command. hehehe. kita nyo, nakakapagblog pa rin ako. hindi naman chinese characters ang lumalabas kapag pinipindot itong keyboard eh. pero yung mga menu, chinese characters lahat. hehehe. ok lang. alam ko naman dito kung alin yung equivalent nung "Publish". hehehe.

wala na akong masabi. isang linggo na ako dito. isang linggo pa at makakauwi na. saan kaya makapunta pagkagaling ko dito? hhmmm. causeway bay? central? kahit saan wag lang sa flat.

kulimlim ngayon dito, hindi na naman sumikat ang araw. sige, uwi na ako. blog hop muna pala, tapos, gagala gala na muna ulit.

yun lang!

Friday, May 19, 2006

interview with kukote

wala lang. natripan ko lang interviewhin ang sarili ko. hehehe. nababaliw na ata ako eh. hindi naman, gusto ko lang gawing Q and A ang dating ng post ko ngayon. para maiba naman. ok? ok, so here it goes...
bakit kukote in a jar ang title ng blog na ito? bakit hindi? actually, hindi ko rin alam. dati, marhgil's kukote ang title nito at mukha ko ang nakalagay dyan. kaso, natripan kong baguhin. eh yan ang naisip kong magandang title eh.

saan mo nakuha yang background picture mo? nag-image search ako sa googel. eh nakita kong kalat yang image na yan kung saan-saan. ninenok ko. i assume it's not copyrighted dahil kung saan saang website nakalagay, wala namang nakasulat na copyright. anyway, kung kukote nyo yang nasa picture, pakisabi na lang and i will give you the credit. ok? ok. kung ayaw nyong mapalagay dyan, e di aalisin ko.

of all the title, or alias, bakit kukote? siguro, dahil naniniwala ako na wala pa ring tatalo sa kukote ng mga tao. it's the greatest part of our body that God created for us.

may girlfriend ka ba? kung meron, bakit hindi mo yata naiboblog ang tungkol sa girlfriend mo? kung wala, bakit wala? meron. syempre, i already promised myself not to blog anything about my love life. hehehe. well, siguro, mabubuksan din ang topic na yan kapag natripan ko. hehehe. sa ngayon, tahimik muna ako. baka kasi magkabistuhan. hahaha!

how old are you? i'm 26 years old, turning 27 this coming august.

how much is your net worth? huh? mahina ako sa math eh. basta, approximately 2 pesos per minute lang ang sweldo ko. do your own math! hahaha!

ano ang trabaho mo? ang designation ko sa company, IT programmer analyst. therefore, ako ay isang IT practitioner na nag-aanalyze ng mga programmer. hehehehe. actually, i'm a programmer/tech support of a prestigious credit card company in the whole wide world. hehehe. anong pangalan ng company? clue: hindi yun B, hindi yun C. e ano yun? basta, yun na yun.

bakit laging may "yun lang!" ang katapusan ng post mo? bakit nga ba? siguro, dahil nung bata ako, mahilig din akong manood ng bugs bunny cartoons. na sa katapusan, lagi nyang sinasabi, "that's all folks!" naimpluwensyahan lang ako. hehe.

anong maipapayo mo sa mga blogger? keep on blogging! it's the post that counts, kahit gaano kaganda ng template mo, kung wala ka namang update, lalangawin lang yang blog mo. hehehe.

final words. ehem. bakit? bibitayin na ba ako? hehe. simple lang. "don't judge a blogger by his blog." kumbaga, yang blog ko, isang bahagi lang ng pagkatao ko, but it is not the complete me. kahit mabasa mo yang lahat ng entry ko, still, hindi mo pa rin ako kilala ng buong buo. kukote ko pa lang yang nalaman mo, hindi mo pa rin alam ang laman ng aking puso, ng atay, ng tiyan, ng balunbalunan at ng kung ano ano pa.
happy weekend everyone!

yun lang!

delaying tactics?

tuesday afternoon, nagmeeting kami kasama ang mga thai na magkakaroon na ng knowledge transfer ng system na ginawa nila. inischedule nila ito kinabukasan (wed) ng umaga. kinabukasan, nung umaga, naghintay kami. kinausap ng boss ko ang boss ng mga thai kung bakit di pa nag-uumpisa ang knowledge transfer. sabi nya, 2pm pa raw. dumating ang 2pm, walang nangyari. 2:15pm, nilapitan ako ng bossing na thai. sabi sa akin, wait for 15 minutes. dumating ang 2:30pm. wala pa rin. dumating ang alas tres. dumating uli si thai bossing. sabi sa akin, can we reschedule it tomorrow morning at 9:30am? busy lang daw sila. ok, ano pa bang magagawa ko? kinabukasan ulit. pagdating ng 9:30am, lumapit ulit si thai bossing. ang sabi, can we reschedule it this afternoon? kasi, may training pala sila. conflict nga naman. hehehe. after lunch, 2pm. naubusan na siguro sila ng dahilan, or nahiya na sa kanilang ginagawang pagpapahintay sa akin dahil gulong gulo na ang buhok ko, hehehe. sa wakas, nag-umpisa rin ang knowledge transfer. at doon nga, natuto ako ng mga bagong salita.

yun lang!

mga natanggap kong e-mail

forwarded e-mails na worth posting dito sa blog ko. wala lang. enjoy!
Girl: When we get married, I want to share all your worries, troubles and lighten your burden.
Boy: It's very kind of you, darling, But I don't have any worries or troubles.
Girl: Well that's because we aren't married yet.

---

Man to wife on wedding night: "Are you sure I'm the first man you are sleeping with?"
Wife replied: "Of course honey, I stayed awake with all the others!"

---

A wife asked her husband: "What do you like most in me my pretty face or my sexy body?" He looked at her from head to toe and! replied: "I like your sense of humour."

---

Doctor to his lady patient: "You look terribly weak and exhausted! Are you having your meals three times a day as I have advised?" Lady replied: "Doctor, I thought you said three males a day."

---

A mother is driving a little girl to her friend's house for a play date.

"Mommy," the little girl asks, "how old are you?"

"Honey, you are not supposed to ask a lady her age," the mother replied. "It's not polite."

"O.K", the little girl says, "How much do you weigh?"

"Now really," the mother says, "those are personal questions and are really none of your business."

Undaunted, the little girl asks, "Why did you and Daddy get a divorce?"

"That is enough questions, young lady,honestly!" The exasperated mother walks away as the two friends begin to play.

"My Mom won't tell me anything about herself," the little girl says to her friend.

"Well," says the friend, "all you need to do is look at her drivers' license. It is like a report card, it has everything on it."

Later that night the little girl says to her mother, "I know how old you are, you are 32."

The mother is surprised and asks, "How did you find that out?"

I also know that you weigh 140 pounds." The mother is past surprised and shocked now. "How in heaven's name did you find that out?"

"And," the little girl says triumphantly, "I know why you and daddy got a divorce."

"Oh really?" the mother asks. "Why?"

"Because you got an F in sex."

----

sana, hindi ito mangyari sa laban ni pacquiao! nyahahaha!


yun lang!

banned

ipinagbawal na ang pagpapalabas ng da vinci code sa manila. see story here. hindi ko pala sya mapapanood sa robinsons pag-uwi ko next week. anyway, ok lang, hindi naman sakop ng manila ang batangas. huwag lang maiisipan ng mga pulitiko doon na gumawa din ng eksena para sila ay pag-usapan. hehehe. hindi naman siguro ibaban doon ang da vinci code. alam naman kasi naming mga batangueño kung ano ang fiction at non-fiction. di ba, tekla? clown? penoi? hehehe. sabi nga ni Councilor Cita Astals na isa sa mga kumontra sa pagbaban... “If your faith is strong, any movie that depicts Jesus as Satan will not affect you. But if your faith is weak, any movie will not save you,� (quoted from here) i second the motion! hehehe. pero hayun, nanalo pa rin ang mga gustong magban nung pelikula, maybe because they think people from city of manila have weak faith? ewan.

on other news, it's Microsoft vs Symantec naman ngayon sa korte! asan ang link? isearch nyo na lang sa google. hehe.

yun lang!

Thursday, May 18, 2006

silis

kanina, isang oras na mahigit kong kausap ang mga thai, knowledge transfer nung system na ginagawa nila. anong nangyari? grabe, gamit na gamit at masyadong naexercise ang aking mga brain cells. hehehe. imagine, bago ko maisaksak sa kukote ko ang mga sinasabi nila, kailangan ko munang idecode ang english nila. as usual, narinig ko na naman ang ekemel (xml). at may nadagdag na naman sa aking dictionary ngayon. skin, silis, bugfik, fay at fode. hayan, ilang beses kong narinig na paulit-ulit na sinasabi bago ko nagets. hehehe. e ano nga ba yang mga yan? screen, series, bug fix, file at folder.

yan lang muna ang post ko. maigsi lang. kailangan ko munang reviewhin ang mga itinuro sa akin. ang saya ng trabaho ko, libre bakasyon na, libre language lessons pa. hehehe!

yun lang!

mt everest

sa wakas, sumikat na ang araw dito sa hongkong. papalayo na si chanchu, papunta daw sa mainland china. hindi naman sya gaanong kalakasan dito, malakas lang yung hangin, pero mahina lang ang ulan. at hindi rin namin masyadong naramdaman dahil nasa opisina kami. wala namang nagliparang yero at wala akong nakitang wasak na billboard. malakas lang talaga ang hangin.

magcomment lang ako sa nangyari sa mt. everest. natutuwa naman ako at sa wakas ay may nakarating nang filipino doon sa summit. congratulations mr. leo oracion for winning the philippine version of amazing race. hehehe. amazing race to mt. everest summit.

though nakakatuwa that they made history by conquering the mt. everest, nakakalungkot isipin na naging isang competition pa ito. filipino laban sa kapwa filipino, unahang makarating sa mt. everest summit. sa halip na magkaisa, nagkampi-kampi pa rin. yung isang istasyon ng tv, puro si garduce ang ipinapalabas, yung isa naman, doon sa mt. everest team. tsk tsk.

ayon kasi sa aking sources, ang plano ng mt. everest team ay sa 2007 pa aakyat, kaso, biglang nagsolo flight si garduce. hayun, syempre, kailangan makipagsabayan ng mt. everest team. para saan pa yung pangalan ng team nila na first philippine mt. everest expedition kung hindi sila ang mauuna? di ba? hehe. though they are denying na umakyat sila because of garduce, obvious naman di ba? si garduce naman, well, may sarili syang pangarap, may sarili syang timetable, e sa gusto nyang umakyat ngayon, wala silang magagawa. hayun, kaya nga naging amazing race ang dating nila sa akin. tagumpay para sa mga filipino na may nakarating na sa summit, pero yung motivating factor to reach the summit, pasikatan, pasiklaban, pagalingan, unahan, wala akong masabi.

naisip ko tuloy, what if magkaroon naman ng project na magkaroon ng first filipino on outer space? or on the moon? siguro, dalawang space shuttle ang magkakarera, isa sa GMA 7 at isa sa ABS-CBN. kung iisipin nyo, ganyan yung nangyari sa mt. everest. nakakahiya, kapwa mga filipino, nagpapasikatan. sabi nga ng yano... natatawa ako, hihihihi!

yun lang!

ito ang mga nabasa ko:

Networks racing to be first on Mt. Everest
Race to Everest heats up
Solo climber nixed joining Everest team, says leader

Wednesday, May 17, 2006

new barney song

text messages collection extracted from my cellphone's inbox. sinipag mag-encode habang naghihintay ng pagdating ni chanchu. hehehe. salamat sa mga walang sawang nagtetext. nakaroaming ako kaya narereceive ko pa rin yung messages nyo.
1. I may never had the opportunity to do great things for you, but i will always find a chance to do small things in a great way... thru prayer. God bless.

2. Why am I texting you? Care? Missed? Love? Bored? Bakit nga ba? Well, well, well, unlimited kasi ako eh. no choice. hehehe.

3. I saw my friend at the 17th floor, magpapakamatay. I asked, "Why?" He says he gotta crush on you. So I decided to push him. Nakatulong ako! Nabawasan pa ng tanga sa mundo. =)

4. Pulis: sino nakasaksi sa aksidente? Tambay: ako sir! kulay itim na van ang nakabangga. Pulis: nakuha mo ba yung plate number? Tambay: hindi sir, nakaturnilyo kasi.

5. Life is a journey; a road to move on, a river to cross, a sky to fly. With God in our life, no worries could torment us for He will lift us along the way.

6. Sa mundo, may 2 klase lang ng tao. 1st, "panget". 2nd, "sobrang panget" ngayon, naiintindihan ko na yung sinasabi ng iba... "si kukote, may sariling mundo."

7. To talk to God, no breath is lost. To walk with God, no strength is lost. To wait for God, no time is lost. Always trust in God, you won't get lost.

8. Every morning, please leave your worries outside your gate's doorstep, because that is where they pick-up the garbage. May all your days be worry-free. God bless.

9. Life is a movie written, produced and directed by God and played by you. It's a 1-take movie so play it the best you can. It has no cuts, make it a blockbuster in God's eyes.

10. Sa bawat oo, may hindi. Sa bawat tama, may mali. Sa bawat tawa, may iyak. Kaya sana, malaman mo na sa bawat ikaw, may ako, na parating andito kung sakaling kakailanganin mo. =) naks! drama ba?

11. Barney song: (sing with me) I love you, you love me. Let's go out and kill Barney! with a shotgun, bang! bang! Barney's on the floor, no more stupid dinosaur. =)

12. Apo: lolo kumain na ho kayo kahit dalawang kutsara lang. Lolo: mga sira pala kayo! lugaw nga, hindi ko na malunok, kutsara pa kaya?

13. Pasahero: mama, hindi pa ba tayo aalis? Driver: Mamaya na ho, wala pa pong laman! Pasahero: Anong tingin mo sa akin? Sabaw?

14. Hating kapatid, Monkey1: hahatiin natin yung saging sa 3 ha! Monkey2: bakit 3? e dalawa lang tayo! Monkey1: madamot ka talaga, eh yang nagbabasa, hindi mo bibigyan?

15. Minsan, akala mo yata, hindi kita naalala. Minsan, akala mo yata, hindi kita namimiss. Minsan, akala mo, binalewala kita, pero akala mo lang yun! ikaw pa! sino ka nga ulet?

tres

signal no. 3 na dito ang bagyo, may pasok pa rin kami. kasi, hindi pa naman 8. paglabas namin kanina sa flat, sobrang lakas na ng hangin. walang ulan, puro hangin lang. sabi sa balita, ngayong tanghali daw ang pinakamalapit si caloy aka chanchu dito sa hongkong. ewan ko kung ireraise pa nila yung signal pagdating ng tanghali. bahala na. sabi kasi dito, kapag naging signal no. 8, papauwiin na daw kami sa aming mga flat. bahala na si batman. anyway, wala namang nagliliparang yero dito. kung meron man, magaling naman akong umilag.

yun lang!

Tuesday, May 16, 2006

chanchu

sabi ko nga kanina, may bagyo dito sa hong kong. at parating na. signal T1 na nga yung advisory nila nang dumating kami kahapon. medyo nagresearch-research ako ng konti at nalaman ko na ang ibig sabihin ng signalling nila. grabe, hanggang signal no. 10 pala ang bagyo dito. at ang sabi sa amin, mawawalan lang ng pasok kapag signal no. 8 na. ano ba ang kahulugan ng mga signal na yan, heto ang nakita ko. sa aking pagkakaintindi, parang yung signal no. 8, equivalent sya ng signal no. 2 sa pinas, tapos yung 9 and 10, equivalent ng signal no. 3. siguro nga.

checking over the internet, yung bagyong paparating ay si caloy nga! at nag-iba na sya ng pangalan pagdating dito sa hongkong. hindi na sya si caloy. sya na si chanchu! see details here. talaga nga naman, matapos manalasa sa pilipinas, sukat sumunod pa sa akin dine sa hong kong at dito naman magkakalat ng lagim. tsk tsk.

yun lang!

paniking mababa ang lipad

kagabi. ako ay natulog. at ako ay nagising. madaling araw. alas tres na. ako ay bumangon dahil parang may tumatawag sa akin mula sa hindi kalayuan. binuksan ko ang ilaw. nagliwanag. walang tao. dahan dahan akong lumabas at dahan dahan kong binuksan ang pinto. walang tao. bumalik ako sa kama ko. pinatay ko ang ilaw. ipinikit ang mga mata. natulog na muli.

sa aking pagtulog, ako ay nanaginip. lumilipad ako. mataas. natatanaw ko ang isang malaking isla na punong puno ng mga taong kumakaway sa akin. tapos, lumubog yung isla. nalunod silang lahat. wala akong nagawa kundi pagmasdan sila sa kanilang pagkalunod. bigla akong nagising. umaga na.

hindi ko maalala kung totoong nagising ako nung madaling araw or kung panaginip lang din yun. ewan ko. basta ang alam ko lang, buhay pa ako ngayon. nakaharap sa monitor ng computer ko. pumipindot-pindot sa keyboard. lumalabas ang mga letra sa bawat paglubog ng aking mga daliri sa keyboard. nakakabuo ng mga salita. nakakabuo ng pangungusap. nakakabuo ng mga talata. at nakakabuo ng pangpost sa blog.

nakausap ko si yen kanina. malabo na nga kaming magkita. ang layo kasi nya, ang layo ko rin, di pa nagtama ang mga skeds namin. after 6pm pa kasi ako pwedeng makagala dito. nasa kowloon island kasi sila, eh nasa hongkong island kami. para magkita kami, kailangan tumawid ng dagat. e uwi na nga daw sila ngayong gabi. kaya hayun, see you when i see u na lang. narinig ko lang naman ang boses nya. at least, nagkita na ang mga boses namin. hehehe.

nakuha ko sa isang text message: ano ang tawag sa paniking mababa ang lipad? low bat!

yun lang.

andito na ako

andito na ako sa hk. ok naman ang byahe sa eroplano, medyo nawindang lang ako sa byahe sa bus. ewan ko, ngayon lang ulit ako nahilo sa bus. pagdating ko sa flat, sakit talaga ng ulo ko na parang masusuka. uminom ako ng gamot, nagpahid ng vicks sa dapat pahiran at bumalik din sa normal ang lahat bago ako natulog around 1:00AM na.

while on the bus, nagtext ako kay yen at tinawagan nya ako. plano pa naman sana naming magkita, kaso nga, hilo na ako pagdating sa flat. nagtext na lang ako sa kanya na hindi ako makakarating sa gimik nila. unfortunately, mamayang gabi na daw ang uwi nila, ewan ko, baka hindi na kami magkita. =( bahala na.

medyo maraming dapat aralin ngayon dito. hindi na muna ako masyadong magboblog. hindi ko na rin masyado marereplyan yung mga comment nyo. basta, i'll keep on posting kapag may time. medyo limited rin ang internet connection. babawi na lang ako pag-uwi ko.

may bagyo pala dito. nakalagay, typhoon alert T1. kung anong ibig sabihin nun, hindi ko pa alam. kulimlim lang naman ang langit at hindi pa umuulan. siguro, si caloy din yung pupunta dito. ewan. bahala na. grabe, habulin talaga ako. pati bagyo, hinahabol ako. nyahahaha.

yun lang!

Monday, May 15, 2006

TextMail


(hk) 45 mins na lang at sasakay na ako ng eroplano papuntang hk. Happy trip sa akin!

-----
This message was sent using TextMail. To know more about TextMail, visit http://www.mysmart.com.ph/

Friday, May 12, 2006

adios

uwi na ako. pero sa makati lang, bukas na lang ng umaga ako uuwi ng batangas. parang delikadong magdrive ngayong gabi, may bagyo eh.

sa monday, tuloy na ang flight ko papuntang HK, 6PM ang flight ko. umpisa na yun ng maraming trabaho at konting pagboblog. kung papalarin, magkikita kami ng isa sa mga beauties doon sa mansion. sino? hanapin nyo na lang sa mga blog nila kung sino ang magbabakasyon sa HK. hehehe. clue: ang pangalan nya sa blog ay kapareho ng pera ng japan... hehehe. sige, uwi na ako at baka lumakas pa ang ulan.

yun lang!

calories expenditure

warning: R-18. blasphemous. if you are offended by green jokes, stop reading from here. if not, go on.

nabasa ko ang post ni jinkee at naisip kong may ganun ding calories expenditure akong natanggap kamakailan lang sa aking officemate na itago na lang natin sa pangalang ryan. hinalungkat ko ang inbox ko at may nakita nga ako. so, heto na...
It has been known for many years that Sex was good exercise, but until now no one had made a scientific study of the caloric content of different sexual activities. Now after "original and proprietary" research we are proud to present the results.

REMOVING HER CLOTHES:
With her consent........................ 12 Calories
Without her consent.................... 187 Calories

OPENING HER BRA:
With both hands.......................... 8 Calories
With one hand........................... 12 Calories
With your teeth..........................85 Calories

PUTTING ON A CONDOM:
With an erection......................... 6 Calories
Without an erection.................... 315 Calories

POSITIONS:
Missionary...............................12 Calories
69 lying down............................78 Calories
69 standing up..........................112 Calories (hirap nito)
Wheelbarrow............................ 216 Calories (mas mahirap ito)
In the bathtub .........................326 Calories
Italian chandelier......................912 Calories

ORGASMING:
Real....................................112 Calories
False...................................315 Calories

POST ORGASM:
Lying in bed hugging.................... 18 Calories
Getting up immediately.................. 36 Calories
Explaining why you got out of bed immediately.............................816 Calories

GETTING A SECOND ERECTION:
If you are: 20-29 years old..............36 Calories
30-39 years..............................80 Calories
40-49 years.............................124 Calories
50-59 years.............................972 Calories
60-69 years............................2916 Calories
70 and over........................... Results are still pending

DRESSING AFTERWARDS:
Calmly.................................. 32 Calories
In a hurry.............................. 98 Calories
With her father knocking at the door.. 1218 Calories
With her husband knocking at the door. 3521 Calories
yun lang!

noli me tangere 2

meron palang ipinublish na aklat na noli me tangere 2. syempre, hindi si jose rizal ang author. nagtataka lang ako, pwede ba yun? gagawa ka ng sequel ng isang nobela na hindi naman ikaw ang nag-umpisa? e kung magsulat kaya ako ng harry potter book 7, hindi kaya ako idemanda ni j.k. rowling? o kaya, magsulat ako ng stainless longganisa 2, hindi kaya ako batuhin ng mga fans ni bob ong? patay na si rizal, kahit na. parang hindi na yata nya iginalang si jose rizal. ewan ko ha, opinyon ko lang naman yan. nakita ko kasi yung aklat doon sa national bookstore kagabi, worth 295 pesos, hindi ko binili, tiningnan ko lang yung website address nila, tapos, binisita ko ngayon. natural, puro positive reviews yung mababasa mo, nagbebenta sila ng aklat eh. so naisipan ko, magblogsearch ako kung sino na ang nakabasa nun, well, sa kabutihang palad, iisang review ang nakita ko. negative pa. ito yung review na nakita ko. ito naman yung website nila. babalik ba ako sa national bookstore para bilhin yun? hindi na muna. kapag siguro binaril na sa luneta yung author, bibili na ako. hahahaha!

yun lang.

flying house

kakatapos ko lang maglunch. hindi sa jollibee... doon kami sa kinakainan naming madalas, yung baystreet sa tapat ng landbank na malapit sa ministop, basta, doon. habang nag-uusap-usap, napag-usapan ang da vinci code. sabi nung isa kong officemate, kung ibaban daw yung da vinci code dahil blasphemous, dapat daw, ipinagbawal din noon ang pagpapalabas ng flying house. tanda nyo ba yun? yung cartoon na tungkol din sa mga bible stories. kung hindi nyo alam, click here. palabas yan dati sa channel 7 ata nung kabataan pa kami, kaya lumaki kaming mga matitino, kasi, yan ang napapanood namin. hehehe. sabi nya, hindi ba blasphemous yun? biruin nyo, may lumilipad na bahay nung panahon ni cristo, at may robot pang de-susi! at ang matindi, si cristo, nag-eenglish! wala lang, ginagawa lang naming mukhang katawa-tawa yung mga gustong magban ng "fakes yun" na pelikulang yun. nasabi na ngang fiction yun eh, kathang isip lang, masyado nilang siniseryoso.

yun lang!

bida ang sarap

ito ay forwarded e-mail na natanggap ko kanina lang. hindi ko alam kung totoo or naninira lang. kayo na po ang humusga, basta ako, kakain pa rin ako sa jollibee, pero magiging mas conscious nang konti dahil sa nabasa kong ito. ang masasabi ko lang sa mga crew na gumagawa ng mga kalokohang binanggit sa baba, lahat ng masama, may karma. here it goes...
Dami ko na po kasing experience about working in fastfood and sa kasamaang palad puro jollibee....nway kitchen me dun...kaya bigyan ko kau ng tips......

1. wag kakain ng jollibee pagpaclose nah: 4 example 10pm close ng jollibee wag na kau kumain between 9:30-10pm....bkit?kc po di na kau cgurado kung malinis pa kinakain nyo..base on experience po...kami kcng mga kitchen eh nagpepreclose nah 1hr before the closing para hindi kami pumalo o gumulong what i min is mahirapan ng husto sa closing kc pagnatagalan kami sa pagkoclose ung oras na sobra sa sked nmin is (charity!) walang bayad!kaya 1hr before nagbabawas na kami ng product na lulutuin..kya lang pag may umorder na customer eh bad3p lhat ng kitchen ang gagawin gaganti..halimbawang nasa basurahan na ang spaghetty sauce..e may umorder ng sapag ciempre kung magluluto ulit..mata2galan na kmi dag2 hugasan pa..kaya 4 shortcut sa maniwala kau't sa hindi kukunin ulit nmin ung sauce na nsa basurahan nah...di lang sa spag ginagawa ng mga crew yun in any of the products na ubos nah tpos may oorder pa..dami ko na naexpirience na ganyan sa iba't-ibang store pa ng JB...alam ng mga kaespiya yan na nagwork narin sa jollibee.

2. Sa umaga kumain lang ng mga regular meal at hindi breakfast..or breakfast but rice is regular rice not Fried or cinangag rice im refering 2 jollibee: Kasi po ung kanin nun: Why? kc po ung ginagawang garlic rice is left over ng closing..(tira-tira po ng mga nakaduty nung gabi)...iniinit lang...hehehe

3. I suggest na lilo muna kau sa mga burgers: Why? kasi po ginagawa ang burger with crew's bare hands!Oo nagsasanitice kami ng kamay every 30mins...but can u imagine sa 30mins na un ilang pawis na ang lumabas sa kamay namin..ilang germs na ang kumalat..tapos hahawak sa burger para iwrap..ni wala manlang gloves..pansinin nyo sa kitchen un pagbumili kau..heheeh to c is 2 believe!

4. Pag-alam nyong maliit ang chicken isoli agad at papalitan: Why? Kasi reject na yun!walang bayad...libre!kaya pag un ang binigay sa inyo sayang lang bayad nyo...di lang po sa manok..sa shanghai din kelangan hindi dark brown..sa fries dpat hindi lapse o lantutay kelangan nakatayo parin..sa pies kelangan sobrang init dahil kung hindi reject din po un...at sa iba pa...

5. Sa softdrinks pagnakitang sobra ang ice lugi ka: Why? Kasi softdrink ang binayaran mo hindi YELO!

6. Ang mga crew pagayaw ka pansinin report mo agad: Why? Kasi sa JB always customer first!....

7. Pag nakita mo na parang alinlangan ang crew sa pagbigay ng product isoli agad: Why? Kc may kababalaghang ginwa dun!promise...

Hindi nman po sa sinisiraan ko ang jollibee...im just sharing my experience for you to be aware of what you are eating outside your house...subok na po ito!lhat ng crew ng JB alam to...may tinatawag kc kming standard...un ung tamang paggawa ng product..the problem is pag standard ka maiinis sau ang mga kacrewmate mo dahil doing standard processes makes your work so slow..angbagal as in!that'a a fact...kaya laht ng bangis(batikang crew) eh nagshoshortcut..un ung tinatawag na substandard...di masyadong tamang paggawa pero mabilis! Eto lang po share ko... thanx rOCK oN!


yun lang!

buti pa ang araw

hindi pa raw tapos ang summer, may bagyo lang. yan ang narinig ko kanina sa isang taga PAGASA na ininterview ni Ted Failon habang sakay ako ng fx papunta dito sa office. bukas, aalis na ang bagyo, papunta nang south china sea. mabuti naman kung ganun. so, kapag umalis na ang bagyo, sisikat na ulit ang araw. sabi nga sa nakita kong commercial sa tv ng wazzup wazzup, "buti pa ang araw, siguradong sisikat." kaya ayaw kong mag-artista eh, walang kasiguraduhan na sisikat, buti pa nga naman yung araw.

naalala ko lang yung instructor ko ng advanced math nung college. sabi nya, "when line A is normal to line B, then, line A is perpendicular to line B." pareho lang daw yung normal at perpendicular. tama nga naman. sabi nya, para daw di namin malimutan yung perpendicular at normal, ganito lang daw ang isipin lalo na ng mga lalaki... "when you wake up in the morning and something is perpendicular, that's normal."

a typical question... "anong oras ka nakatulog kagabi?" my typical answer... "hindi ko alam, kapag nakatulog na kasi ako, hindi ko na natitingnan ang oras, ikaw ba?"

yun lang.

Thursday, May 11, 2006

ang aking mga bisita

andyan sa baba ang statistics ng mga bisita ko from May 1 to May 10. top 10 lang yan. sino sino kaya sila? magpakilala naman kayo... hehehe. para naman mabati ko kaya ala korina sanchez ng rated k.

sa mga reader kong nasa germany, guten tag! sa mga nasa saudi arabia at UAE, asalamalaikum wa ramatolah wa barakatoh! sa mga nasa france... bonjour! sa mga nasa pinas! kumusta ga? sa mga nasa japan.. arigato! at sa inyong lahat ng nakikibasa sa blog ng may blog, welcome to my blog! pwede kayong magcomment dyan, magsama na rin kayo ng pagbati kung gusto nyo. hahaha! halimbawa... hi kukote! ang gwapo mo pala! binabati ko po ang aking mga kamag-anak doon sa cotobato! ingat sa abu sayyaf!


yung data ay galing sa performancing, ang bago kong statistician.

yun lang!

a plea

pang 900 na post ko na ito! grabe na ito! well, dapat, mamaya pa ako magpopost, kaso, time is of the essence sa lokong ito. kailangan, ipost ko na at kailangang kailangan nya ng tulong. ano bang sinasabi ko? basta, puntahan nyo na lang itong site na ito.

yun lang!

kakaibang trip

kahapon, nung dumaan kami sa ministop para bumili ng sundae yung kasama ko, bigla ba namang kumanta yung cashier ng "sundae, you'll know." napatawa na lang kami, sabi ko sa officemate ko, kuhanan nya ng picture at iboblog ko. hehehe, so heto na sya. camera shy. hehehe.


"the singing cashier of ministop"


ngayon, nakita ko naman ito sa youtube. kakaibang trip nila. pinagtripan ang 10,000th shoplifter. hehehe.


"10000th shoplifter"


yun lang!

amnesia

matagal na ang kantang ito. gusto ko lang ipost ang lyrics. para sa mga taong nakakalimot sa Kanya.

At Nakalimutan ang Diyos
Wuds

dito ba sa mundo anong tunay na kailangan
ang magpakasarap at magkamit ng kayamanan?
anumang kayamanan na akala mo'y walang hangganan
darating ang panahon yan ay iyong iiwan
dito ba sa mundo anong tunay na kailangan
ang magpakasarap at magkamit ng kayamanan?
anumang kayamanan na akala mo'y walang hangganan
darating ang panahon yan ay iyong iiwan

sobrang kapangyarihan,
sobrang kayamanan,
sobrang katakawan
ilan sa mamamayan ang nagsisigawan,
mga ganid, mga ganid!

maraming nagpapanggap na makabayan
gamit ang salitang kalayaan
ang demokrasya't kalayaan
ay nakasalalay sa ating kakayahan
na pigilin at kontrolin
ang pagnanasa't mga gawain
e ano pang gusto mo na magpapasaya sa 'yo
ito ba ang karangyaan sa pamumuhay?
malaking bahay, magarang kotse, maraming pera, magandang asawa,
may mga anak, magandang damit, masarap na pagkain,
sikat na sikat kasi may pangalan
pero nakalimutan ang Diyos!

sobrang kapangyarihan, sobrang kayamanan
sobrang katakawan
ilan sa mamamayan ang nagsisigawan,
mga ganid, mga ganid!

maraming nagpapanggap na makabayan
gamit ang salitang kalayaan
ang demokrasya't kalayaan
ay nakasalalay sa ating kakayahan
na pigilin at kontrolin
ang pagnanasa't mga gawain
e ano pang gusto mo na magpapasaya sa 'yo
ito ba ang karangyaan sa pamumuhay?
malaking bahay, magarang kotse, maraming pera, magandang asawa,
may mga anak, magandang damit, masarap na pagkain,
sikat na sikat kasi may pangalan
pero nakalimutan ang Diyos!

fakesyun

what's the big fuzz about the da vinci code? it's a fiction. ano ba ang ibig sabihin ng fiction? di ba, nagmula yun sa salitang "fake yun", kapag marami, "fakes yun", meaning fake lang ang lahat, hindi totoo. hehehe. so, anong problema? nag-imahinasyon lang si dan brown at yun ang kinalabasan. kung maniniwala kayo o hindi, nasa tao na yun. kung ibaban nyo yung pelikula, parang sinabi nyong napakainutil naman naming mga manonood para hindi malaman kung alin ang totoo at alin ang fake. hey, this is a democratic country, isn't it? kung mapanood ba namin yun, magiging mga atheist na kami or mga satanista? o come on, hindi pa naman ganun kakikitid ang mga kukote namin.

yun lang!

Wednesday, May 10, 2006

fat man crawling

andito na ako sa bahay, and guess what, nanonood ako ngayon ng jewel in the palace habang nagboblog. uy, may internet na dito sa aming boarding house. hehehe. temporary lang, courtesy of my housemate na si ron, naka PLDT WeRoam ako ngayon. may kabagalan din nga lang, parang dial-up, pero pwede na rin. sabi nga ni penoi, ikabit daw namin sa baron super antennae at baka bibilis. hehehe.

oi, patay na ata si lady choi. pagtingin ko sa tv, bumitaw na sa puno eh. hayan, commercial na ng magpakailanman at nagbago na ata sila ng theme, hindi na tungkol sa artista ang kwento nila.

grabe kaadik ako sa pagboblog, maghapon na nga sa office, nakiagaw pa dito. hehehe. nagdinner pala ako doon sa bagong bukas na kenny roger's roasters doon sa robinsons place manila. solo A, spicy. wala lang, nabusog lang ako.

anong nangyari na sa kukote in a book? wala, nasa kukote ko pa rin. hindi pa nagmamaterialize. naghahanap pa ng publisher na makakasakay sa mga kalokohan ko. kukote in a jaryo kaya? lalong wala. kukote in a jar na lang siguro ito forever. or siguro sa isang araw, magpalit na ulit ako ng title, may naiisip kasi akong maganda eh. tear here? ano yun, commercial ng chippy? basta, abangan nyo na lang. sa totoo lang, wala naman talaga akong maisip. gusto ko lang magtype. no, im not a writer. im a typist. coz i don't write, i type using the keyboard. kasi kung isusulat ko, baka ako lang ang makaintindi. ang ganda kaya ng penmanship ko. parang steno, minsan, kahit ako, hindi ko maintindihan. hehehe

hayan, tama na. napansin ko, malago na pala ulit ang buhok ko. kailangan ko nang magpagupit. gusto ko sanang magpasemi-kalbo. yung kalahating kalbo, kalahating long hair. hehehe. yung pagtingin mo sa sideview, long hair ka, sa kabila, kalbo ka. hhmm. another kabaliwang idea mula sa aking kukote. tsk tsk.

nabalitaan nyo na ba yung fat man walking? kung hindi pa, read this. ang masasabi ko, malayo ang mararating nya. lakad ng lakad eh. hehehe. pero hindi pa rin ako believe sa kanya. kung gumapang kaya sya sa kalye at gapangin nya ang buong US, dun ako hahanga. e walking lang eh, kahit ako, kaya kong gawin yun. maglalakad lang. anong nakakatuwa dun? mataba sya na naglalakad? e kayang kaya namin nina benjo yun. fat man crawling, yun ang challenge ko sa kanya.

yun lang!

komentaryo

bakit nga ba hindi ako nagrereply sa mga comment sa post ko? bakit nga ba? this thing was brought up to me by an avid reader... hehehe. i can say she's indeed an avid reader, kasi, kanina ko lang sya nakachat at halos lahat ng nakasulat sa blog ko, alam nya. kaya daw hindi sya nagcocomment, di naman daw ako nagrereply sa comment box.

hindi naman, paminsan-minsan naman, nagrereply din ako. kahit paminsan-minsan lang. sing dalas ng patak ng ulan sa saudi. ewan ko ba, mas gusto ko pang magpost nang magpost ng bago kesa magreply sa comment box eh. pasensya na kayo. ok lang naman kahit hindi kayo magcomment, ok lang din kung magcomment kayo. bahala kayo. hehehe. ako naman, bahala rin. kapag sinipag, magrereply, kapag tinamad, hindi nagrereply. e mas malimit akong tamarin na magreply, kaya pasensya na po. pero sure po ako, binabasa ko yung comment nyo, nakaforward pa nga yan sa email address ko eh. kaso nga, hayun, ewan ko ba, tinatamad akong iclick yung comment para magreply sa comment nyo eh. ewan ko. kapag talagang tinatamad ako, hindi ko magawa. kayo ba? hehehe.

o, sinong gustong magcomment? promise ko, sisipagan kong sagutin ang mga comment nyo dito. o ha! wag lang akong tatamarin.

nga pala, kung may mga katanungan kayo tungkol sa akin, may mga kasagutan ako. hehehe. so, tanong lang kayo nang tanong at pipilitin kong sumagot nang sumagot.

akala ko ba, uuwi na ako? akala ko rin nga eh. kelan ba naman tumama ang akala? pahabol post lang ito. sige, uwi na talaga ako at hinihintay na ako ni jang geum. paalam!




create your anagram here.

yun lang!

phising

uuwi na ako, pero bago ako umalis, ishare ko muna itong balitang ito, para huwag nang mabiktima pa ang iba. sa mga may online banking sa metrobank, ingat po kayo. read this. wag po tayong magpapaloko.

yun lang!

sa bahay ni ate

kung sakali na bigyan ako ng pagkakataon na mapasali sa pbb, ito ang mga balak kong gawin. pasaway ang magiging trip ko.
1. tatawagin ko si big brother na ate kapag kausap ko sya, at sasabihing tatawagin ko lang syang kuya kung mapapatunayan nya na lalaki sya. kung paano nya ito gagawin, problema na nya yun, basta ate sya sa akin.

2. gigising ako ng tanghali na. kapag pinatawag ni ate at binigyan ng task bilang parusa sa pagtulog ng matagal, pag labas ko ng confession room, diretso ako sa kwarto para matulog ulit, hindi ko gagawin ang mga ipinapagawa nya. kapag ginising nya ako at pinatawag sa confession room, buong galang akong makikipag-usap, pero paglabas ng kwarto, matutulog ulit ako.

3. liligawan ko ang lahat ng housemate kong babae, may asawa man o wala. at gagamitin ko ang parehong linya sa lahat ng nililigawan ko. kapag nakialam si ate at pagsabihan ako sa confession room, sasabihin kong nagseselos sya dahil type nya rin ako.

4. habang enjoy na naliligo sa swimming pool ang mga housemate, makikijoin ako sa kanila, tapos, aahon ako bigla at sasabihin kong ang sarap palang umihi sa swimming pool.

5. gagala ako sa bahay ng nakahubad at nakashorts lang. matutulog ako sa sala set kung gusto ko. sisirain ko ang remote control ng tv pati flush ng cr.

6.uutot ako sa kalagitnaan ng iyakan at kadramahan sa bahay. syempre, hindi ako aamin. hahaha!

7.natural, siguradong makakasama ako sa nomination night. makikiusap ako, paawa effect sa mga manonood para hindi nila ako palabasin sa bahay. sasabihin ko, magbabago na ako at hindi na magiging pasaway, just give me one more chance.

8.sa araw ng eviction, hindi ako mag-eempake ng gamit kahit pinag-eempake na ako. sasabihin ko, hindi ako lalabas kahit anong mangyari.

9.kapag ako na ang naevict, hindi ako lalabas. sasabihin kong baka nagkamali sila ng pagbibilang. ipagpipilitan kong nagkadayaan, imposibleng maevict ako. magwawala ako hanggang sa magpanic na ang mga staff at director ng pbb at tumawag na ng security mapalabas lamang ako. hahaha!

10. kung hindi ako ang naevict, aasarin ko yung evictee. bebelatan ko pa!
ano, pwede na ba akong maging housemate? hahaha! ang pasaway na barako ng batangas. wala lang, trip ko lang magsulat. hindi ko naman siguro gagawin yan kapag tunayan na. hahaha! sarap lang mag-imagine.

yun lang!

nagtipid sila

may mga pagkakataon na kapag nag-aabang ako ng dyip, kahit nagmamadali ako at may dumaang dyip na hindi ko gusto, hindi ako sumasakay. hindi ko alam kung paanong hindi ko nagugustuhan ang isang dyip, basta, kapag parating na, naiisip ko na lang na huwag kong parahin, at pinalalampas ko nga. negative vibrations daw, hehehe.

well, kagabi, nangyari din yun sa akin nang pauwi na ako. kagabi lang naman ulit nangyari na tatlong dyip yung pinalampas ko bago ako sumakay. nung sakay na ako doon sa dyip, inisip ko, bakit kaya? bakit ko kaya pinalampas yung tatlong dyip? bakit nga ba? ewan ko, siguro, dahil may makikita akong maganda or kakaibang scenario na pwede kong iblog. hehehe. so, may nangyari nga ba? meron.

ganito lang naman, maluwag pa yung dyip, nang may sumakay na anim na kabataan. i think, they are around 13 to 15 years old. lahat lalaki, pormang mga pasaway ang dating. yung mga nakamaong na may sira, nakatshirt na black na malalaki sa kanila na kung ano anong tatak. parang hiphop na hindi naman. hehehe. e ano ngayon? nagkangitian na lang kaming mga pasahero, kasi naman, pagpasok nila ng dyip, kahit maluwag pa sya, nagkalungan sila. tatlo lang yung nakaupo at tigi-tigisa sila ng kalong. hehehe. so, tatlo lang yung ibinayad nila. magkano rin nga naman yung natipid nila, di ba? 3 x 7.50 = 22.50. natawa na lang yung driver, hehehe. akala nya, nakakuha sya ng anim na pasahero, tatlo lang pala yung bayad. hehehe. ang matindi nito, ang ingay pa nung anim sa dyip, nagkekwentuhan na puntong mga hiphop ang dating. Yo man, ok lang ba na kalungin mo ako? kapag nahihirapan ka, ako naman ang kakalong sayo! hehehe. nga naman, sa hirap ng buhay ngayon, kailangang magtipid. naisip ko tuloy, ano kaya kung may gf ako dito sa manila tapos ganyan ang drama namin? o kaya, kaming apat na magkakasama sa bahay, gawin namin yan kapag gigimik kami? hahaha!

yun lang!

Tuesday, May 09, 2006

playing with names

ano ang apelyido ni sisa? mistrit.
ano ang apelyido ni denzel? wetah.
ano ang apelyido ni beast? kwit.
ano ang apelyido ni nina? kaw.
ano ang apelyido ni kyla? swa.
ano ang apelyido ni juris? diction.
ano ang apelyido ni bentong? bling.
ano ang apelyido ni jason? za.

wala lang, masyadong corny ang buhay. yung unang tatlo, galing sa text, yung natira, naisip ko lang.

naalala ko lang, sa isang palabas sa tv, co-host si tina revilla, biglang kinantahan sya nung kasama nyang host ng ganito. "O tina, o tina, o tinang kabayo." so what? kung berde ang utak nyo, iba yung maiisip nyo.

sya nga pala, it's official, ininform ako kani-kanina lang, babalik na ulit ako sa hong kong sa may 15. namiss daw ako ni sakulrat, joke! hehehe.

uwi na ako.

yun lang!

hahanapin ko ang swerte

puro plano, ang daming plano. pero wala pa rin akong nauumpisahan, mayo na. next month, kalahating taon na naman ang nakalipas, ano nang nangyari sa buhay ko? wala pa rin. ganito pa rin ako. walang ipon, baon sa utang.

may malaking problemang parating. nakikinikinita ko na, pagdating ng july, august at sa mga susunod pang buwan, if i will not do something today, lalong gugulo ang buhok ko. kaya ngayon pa lang, nag-iisip na ako ng solusyon. actually, madali naman ang solusyon sa problema kung tutuusin, kaso, may pride pa rin ako kahit papaano. may hiya pa rin ako. ayokong pag-usapan. kaya kailangan kong panindigan ang desisyong ginawa ko one year ago. alam ko, hindi naman ako iiwan ng parents ko, pero ayoko nang umasa pa sa kanila. 26 na ako, hanggang ngayon ba naman, aasa pa ako? may iba pang paraan para lusutan ang problemang parating, pero bago ko subukan yung ibang paraan, yung sarili ko munang paraan ang gagamitin ko. kaya ko ito. sana lang, tama yung direksyon na tinatahak ko. mahirap kasi, there's no turning back.

magulo. oo, magulo ang mga ipinagsususulat ko dito ngayon, kasing gulo ng buhok ko sa kilikili. kahit ako, naguguluhan. tama ba ang mga naging desisyon ko noon? hindi ko alam. pero dapat, panindigan ko, no matter what, kahit anong kahinatnan, dapat panindigan ko, tutal, desisyon ko naman yun. kailangan ko nang gawin ang mga dapat gawin. isakatuparan ang mga planong nakatatak sa aking kukote. kailangang itigil ang pananaginip ng gising. kailangang kumilos, gawin ang nararapat. gawin ang mga bagay na gusto kong gawin, at huwag umasa na balang araw ay darating na lang ang swerte ko. kailangang hanapin ang swerte, hindi darating yan, kailangang hanapin. at kailangan ko nang mag-umpisa. kung hindi ngayon, kelan? baka bukas, huli na ang lahat. hhmmm, makapag-audition nga sa pbb.

yun lang!

hop hop hop

nagbloghopping at nagbasa ng blog ng may blog. anong mga nabasa ko? hindi ko ilalagay ang link, kayo na lang nakakaalam kung kayo ang tinutukoy ko. hehehe.

may nagpost tungkol sa mother nya, meron namang tungkol sa pakikipag-usap sa isang ingleserong lalake. may nakipag-away sa bus, meron namang nawindang sa 4x4, merong nagbalita ala korina sanchez, merong nagkwento ng first summer outing nya, may nagpost ng kahulugan ng mga birthday, may nagkwento ng bakasyon nya sa ibang bansa, may nagkaututan, may binisita ng kanyang tita, may nagbirthday na inaanak, may nagpakita ng sarili sa picture, merong nagpost tungkol sa pagiging 33 years old, may nagsentimyento kung bakit wala pa rin syang gf, merong gustong sumapak kay willie, may nanood ng mission impossible 3, may nagpost ng mga picture nya, may nagpost ng sunset sa baywalk, may ipinasok ang ulo sa freezer, merong nagparty sa bahay at may sikat na blogger na nagreklamo sa paggamit ng pldt ng salitang "pwede" sa kanilang bagong produkto.

yun lang!

sayang

sayang na talent, kung ginamit lang sana sa mabuti, kaso, sa kalokohan na naman inaksaya ang talent na ipinagkaloob sa kanya. see story here. 57 months sa bilangguan. hayan ang kabayaran.

sa mga hacker dyan, hacking is a serious crime. sayang ang talent nyo kung dyan nyo gugugulin.

yun lang!

asar ang driver ng rivermaya kay david blaine

una sa lahat, congratulations sa rivermaya. naging proud na naman ako. see full story here.

siguro, asar yung driver ng dyip kanina na nasakyan ko pagpasok dito sa office. pagsakay ko kasi, sa unahan ako naupo. tapos, pagdating sa dulo ng evangelista, nagbabaan na yung mga pasahero, ako na lang yung natira. at mula doon sa evangelista hanggang doon sa lrt-taft-buendia, ako na lang ang pasahero nya. wala syang nakuhang iba pang pasahero. kawawa naman. ang nangyari, parang inihatid nya lang ako. walang ibang sakay eh. paano ba naman sya makakakuha, e tatlo silang dyip na magkakasunod, e nasa huli sya, lahat ng pasahero, pinupulot nung dalawang nasa unahan. kulang pa sa diskarte si manong driver. hehehe.

panghuli, impressed ba kayo kay david blaine? yung magician na sumikat sa kanyang street magic. nakakatuwa at impressed ako nung una kong mapanood, pero nung magkaroon ng Naks! sa channel 7, naisip kong kaya rin pala ng mga filipino ang ginagawa nya. naging palaisipan pa rin sa akin kung paano nila ginagawa yung mga magic tricks, lalo na doon sa cards. pero ngayon, solve na ang lahat ng problema, kasi, may nadownload akong pdf file. david blaine's magic revealed! kung gusto nyo ng kopya, eto, idownload nyo dito. dyan ko rin kinuha. may konting problema lang, walang masyadong demo, puro paliwanag na english na minsan ay hindi ko maintindihan. Gusto ko pa namang matutunan yung "Pop-up Card" (nasa page 12 nung pdf), di ko talaga magets kung ano ang sinasabi nila. will somebody explain it to me? hehehe.

yun lang!

Monday, May 08, 2006

Sinaksak ko si Aga Muhlach kasi luma na sapatos ko

nakuha ko ito kay saint erica, kaya gumaya na rin ako. no, hindi ako galit kay aga. nagkataon lang na si aga ang naging subject ko, hahaha! ganito kasi yun...
Piliin ang buwan ng iyong kapanganakan...

January- Nakipagsex ako kay
February- Sinampal ko si
March- Pinatay ko si
April- Tiningnan ko si
May- Nagmasturbate ako kasama si
June- Natulog ako katabi si
July- Tinawanan ko si
August- Sinaksak ko si
September- Dinuraan ko si
October- Mahal ko si
November- Sasapakin ko si
December- Kakagatin ko si

Tapos, piliin ang araw ng iyong kapanganakan...

1. Gloria
2. Erap
3. Fidel Ramos
4. Kuya Germs
5. Mahal
6. Nora Aunor
7. Pong Pagong
8. Blak Dyak
9. Nur Misuari
10. Miriam Santiago
11. Aga Muhlach
12. Mike Enriquez
13. Rustom Padilla
14. Aiza Seguerra
15. Winnie Monsod
16. Kiko Matsing
17. Ruffa Guttierez
18. Franklin Drilon
19. Willie Revillame
20. Mark Herras
21. Susan Roces
22. Ping Lacson
23. Ely Buendia
24. Ruby Rodriguez
25. Asi Taulava
26. Willie Garte
27. Rosanna Roces
28. Albert Einstein
29. Angel Locsin
30. Dora the Explorer
31. Cookie Monster

Ngayon, kunin ang ikatlong letra ng iyong apelyido...

A- kasi gutom ako
B- kasi wala akong magawa
C- Kasi luma na sapatos ko
D- kasi ang pangit nung nakasakay ko sa dyip
E- kasi summer na
F- kasi meron akong kulangot
G- kasi di ako nakapagbasa ng dyaryo
H- kasi idineklara yung state of emergency
I- kasi buntis yung kapitbahay ko
J- kasi talo sa sugal tatay ko
K- kasi wala akong pera
L- kasi andami kong labahin
M- kasi lilindol sa isang taon
N- kasi ang pangit ng palabas sa tv
O- kasi siksikan sa lrt eh
P- kasi dumaan yung crush ko
Q- kasi pinalitan yung tanod ng barangay sa lugar namin
R- kasi mahilig ako sa sex
S- kasi sawa na ako sa buhay ko
T- kasi di ako marunong magbike
U- kasi lasing ako
V- kasi puyat yung aso ko
W- kasi naglinis ako ng bahay kanina
X- kasi hindi malamig yung tubig sa ref
Y- kasi andaming tao sa SM
Z- kasi mahaba na buhok ko sa kili-kili

...tapos, gawing subject ang mga nakuhang sagot!
hayan! kung wala kayong ma-ipost sa blog nyo... papampadagdag post. hehehe! lahat ng nakabasa nito, tinatag ko!

yun lang!

imponderables

umiihi ba ang isda?
bakit $ ang symbol ng dollar?
bakit 6-foot deep ang libingan? sinong nagdecide na ganun dapat kalalim?
bakit wala atang nakangiti sa mga lumang litrato?
anong pagkain ang sinisumbulo ni grimace sa mc donalds?
bakit hindi kulay green ang green cards?

lahat ng katanungang yan at marami pa ay sinagot ng aklat na nabili ko sa national bookstore noong nakaraang byernes. anong aklat yun? pinamagatan syang "How does aspirin find a headache?", hayang picture sa kaliwa, yan ang cover. at nalaman ko kanina sa internet, 7th book na sya on a 11-book collection. ang dami! hehehe. well, hindi ko pa sya tapos basahin, siguro, kapag natapos na ako ay ibebenta ko na rin. hindi sya kalokohang aklat, the book contains scientific/historical explanations sa mga katanungang iyan. hmm, kapag nakaipon ulit ako ng pera, siguro bibilihin ko naman yung "Do elephants jump?" may kamahalan din kasi yung aklat. if you want to know more about the book, visit their site here.

99 club

lunes na naman. ok naman ang umpisa ng linggo ko dahil hindi ako nalate kahit sa batangas pa ako nagmula. sana, tuloy tuloy na ito.

now, to start my week, let me share with you a forwarded e-mail from a pakistani friend. oo, may friend akong pakistani. nakasama ko sya sa kuwait, and up to now, nagpapadala pa rin sya ng forwarded mails. yun yung maganda kapag ibang lahi yung nagfoforward sa yo ng message, hindi recycled. hehehe. kasi, usually, kapag galing sa mga friends ko, malimit nareceive ko na rin sa iba, e kapag ganito na galing sa kanya, usually, first time ko lang mabasa. and as usual, graduate na ako sa pagforward ng mga email, kapag nagustuhan ko, dito ko na lang sa blog ko ipinopost.

haba ng intro ko... so heto na, actually, tinamaan ako sa post na ito, mukhang member din ako ng 99 club. read on...
The 99 Club

Once upon a time, there lived a King who, despite his luxurious lifestyle, was neither happy nor content. One day, the King came upon a servant who was singing happily while he worked. This fascinated the King; why was he, the Supreme Ruler of the Land, unhappy and gloomy, while a lowly servant had so much?

The King asked the servant, "Why are you so happy?" The man replied, "Your Majesty, I am nothing but a servant, but my family and I don't need too much - just a roof over our heads and warm food to fill our tummies."

The king was not satisfied with that reply. Later in the day, he sought the advice of his most trusted advisor. After hearing the King's woes and the servant's story, the advisor said, "Your Majesty, I believe that the servant has not been made part of The 99 Club."

"The 99 Club"? And what exactly is that?" the King inquired. The advisor replied, "Your Majesty, to truly know what The 99 Club is, place 99 gold coins in a bag and leave it at this servant's doorstep."

When the servant saw the bag, he took it into his house. When he opened the bag, he let out a great shout of joy... so many gold coins! He began to count them. After several counts, he was at last convinced that there were 99 coins. He wondered, "What could've happened to that last gold coin? Surely, no one would leave 99 coins!" He looked everywhere he could, but that final coin was elusive. Finally, exhausted, he decided that he was going to have to work harder than ever to earn that gold coin and complete his collection.

From that day, the servant's life was changed. He was overworked, horribly grumpy, and castigated his family for not helping him make that 100th gold coin. He stopped singing while he worked. Witnessing this drastic transformation, the King was puzzled. When he sought his advisor's help, the advisor said, "Your Majesty, the servant has now officially joined The 99 Club."

He continued, "The 99 Club is a name given to those people who have enough to be happy but are never contented, because they're always yearning and striving for that extra 1 telling to themselves: "Let me get that one final thing and then I will be happy for life."

We can be happy, even with very little in our lives, but the minute we're given something bigger and better, we want even more! We lose our sleep, our happiness, we hurt the people around us; all these as a price for our growing needs and desires. That's what joining The 99 Club is all about.
yun lang!