inaantok ako. matatapos na naman ang isang araw na wala akong masyadong ginagawa. pabago-bago kasi ng plano, sabi sa akin, ngayon daw ako ihahalo sa team, pero hindi pa yata. busy pa rin sila. bigla kasing naging tight ang deadline, parang feeling ko, feeling nila, mas madedelay ang development kung ihahalo pa nila ako sa kanila at this point in time, syempre nga naman, hindi naman ako computer na pagkainstall ng software, alam na ang lahat, hehehe. i still need time para maintindihan ang pinaggagagawa nila and before i could start accepting development tasks. e kung ganun ang mangyayari, sila na lang ang gagagawa nang lahat to meet the deadline at saka na lang nila iturn-over sa akin ang lahat kapag maayos na. yun ang nakikita kong scenario, kaya kahit ilang beses akong nagpapacute doon sa magiging boss ko, hindi ako pinapansin. sabi nya lang sa akin kahapon, they still need to plan, they have deadlines to meet. parang ang dating sa akin, maghintay ka na lang muna dyan. sabagay, kahit ako yung nasa lagay nya, hindi ko muna hahaluan ng asungot ang aking mga developers kung may tight deadline, tingin ko naman ay kaya pa ng mga programmers ko. saka na lang sya kapag ok na ang lahat, tutal, mahaba pa naman ang panahon para magturn-over. kaya heto, idle na naman ang kukote ko, idle minds are dangerous, kasi, kung ano anong pumapasok. hehehe. anyway, magsulat muna ako ng kung ano ano para mawala ang antok ko.
ang peryahan doon sa amin ay nag-umpisa nang mag-operate noong nakaraang sabado. ang masasabi ko, hindi sya peryahan kundi casino ng mahihirap. sugalan. wala namang rides na itinayo eh. puro sugal. may color game, bito, bingo at roleta. marami din namang taong nagpupunta, mga sugarol sa barangay namin at mga kalapit barangay. ok lang sana yung peryahan doon, kaso, ang ingay, malaking abala sa mga kalapit-bahay, karamay na kami sa mga apektado. anyway, minsan lang naman daw yan in 10 years, so, pagtyagaan na. hayan, kung gusto nyong hanapin ang bahay namin sa batangas, ang dali ng palatandaan. nasa tapat ng peryahan. yun nga lang, wala ako dun.
medyo maayos na ang pagkain namin dito. madali na kaming nakakaorder sa mga chinese restaurant. andito kasi ang officemate namin na marunong bumasa at magsalita ng chinese, so, sya ang aming interpreter, taga-basa ng menu at taga order. itago na lang natin sya sa pangalang heycel. hindi na ngayon kami nag-aalinlangan na pumasok sa isang chinese restaurant kapag kasama sya. medyo gumaan ang buhay.
hindi na masyadong malamig dito sa hongkong. pero nagdadala pa rin ako ng jacket, unpredictable pa rin kasi ang panahon. minsan mainit, minsan naman, lumalamig.
nakaroaming SIM ako dito kaya yung mga regular na nagpapadala sa akin ng forwarded messages, narereceive ko pa rin. pasensya na kayo kung di ako makareply, mahal kasi ang text dito. saka na lang ako babawi pag-uwi ko.
ang gaganda ng pangalan ng mga tao dito na makakasama ko sa team. parang pangalan ng mga character sa anime movie. andyan sina suchart, tanin, sakulrat, poowatep at chakafong. yung mga apelyido nila, ang hirap bigkasin, parang tongue twister, kagaya ng apelyido ni suchart, charoensirisopak. yung iba, wag na lang dahil hanggang ngayon hindi ko pa matandaan. behind the names are faces of people with fair complexion at mga singkit na mata. in fairness, cute si sakulrat, laging may nakaipit sa mahaba nyang buhok, mukha tuloy syang bata, pero wag ka, sya yung SA dito. ano kayang mangyayari kapag humalo na ako sa kanila? abangan.
naintriga ako sa AS/400 matapos makipag-usap sa magaling naming AS/400 developer na itago na lang natin sa pangalang raw-knee. ganun pala yun, parang COBOL yung codes. gusto ko tuloy pag-aralan, kaya hayun, nagsearch ako ng tutorial sa internet at hindi naman ako nabigo. yun nga lang, wala akong mapagpraktisan. naintindihan ko na ang mga simpleng commands sa AS/400. siguro, kung may mapapagpraktisan lang ako ay maiintindihan ko rin ito ng ayos. there's no human knowledge i can't understand, coz i'm a human too. kung naintindihan nila, kaya ko rin. yan ang paniniwala ko. kailangan lang ng sapat na oras para pag-aralan.
there's a newly launched site on the net that focuses on promoting english language among the filipinos. that's why i started speaking english on this paragraph. well, it's really a fact that english is already a part of our daily lives and for us to be globally competitive, we should learn the language. maybe, i should start blogging in english. hhmm.... no way! hehehe. mas trip ko pa ring magsulat sa tagalog. yang english, gagamitin ko lang kapag gusto kong gamitin. ang mahalaga, nakakaintindi, nakakapagsalita at nakakapagsulat ako ng english kung kinakailangan. still, filipinos are way ahead among other asians when it comes to english proficiency. nakarating na ako sa iba't ibang bansa at nakatalastasan ko na ang iba't ibang lahi gaya ng indiano, pakistani, thai, indonesian, saudi arabian, egyptian, lebanese, syrian, japanese, korean, chinese, kuwaiti at kung ano-ano pa. at ang masasabi ko, mas magaling pa ring mag-english ang mga filipino kesa sa kanila. considering na mga may pinag-aralang tao yung mga kausap ko, iba pa rin talagang mag-english ang mga filipino, sumusunod sa subject-verb agreement. am i rights? hehehe.
by the end of this year, if my budget and time permit, im going to publish a book. kukote in a book. samu't saring kaisipang naisulat ko. mga naisulat ko sa blog na ito na worth publishing. kahit ano, basta, bahala na. kung may bumili man o wala, wala akong pakialam, basta, at least in my lifetime, nakapagpublish ako ng aklat na mababasa ng sinoman pagdating ng panahon.
death wish, naisip ko lang, hindi ko lang alam kung masyado itong morbid, or kung tatanggapin kaya ng pamilya ko o ng mga tao ang idea ko. kapag namatay ako, gusto ko, ipacremate nyo ang katawan ko. tapos yung abo ko, ilagay nyo sa maliliit na plastic, yung plastic na lalagyan ng paminta kapag bumibili kayo sa palengke. tapos, lahat ng dadalaw, yun ang pinaka-souvenir nila, kasama ang baby picture ko. hehehe. at least, they have a part of me pag-uwi nila. weird.
yun lang!
3 comments:
uu nga tama ka jan, compared sa ibang asians maayos pa dn ang mga pinoy mag english.. ung iba lang kc hndi comfortable sa language although kaya naman nla.. kc sa pinas pg nagsalita ng english ang iisipin ng mga nakarinig maarte ka!
ok yan idea m na kukote book.. pg kalevel m n c rowling sna kilala m p ko hehe..
at ang morbid tlga ng topic m ah,, bt nman may death wish ka na.. pro nkakatawa pa dn kc sa plastic m gs2 ilagay ung abo mo... w/ matching baby pic pa haha..
singaporeans fluent mag ingles pero lamang tayo sa accent. kaso kung nag ta trabaho ka sa helpdesk tulad ko, masaklap marinig na pinagtatawanan ng mga dayuhan (puti, itim, batik batik.... hehe) ang accent natin specifically yung mga taga Palm One Tech Support. ka-accent daw ng mga taga Palm ang mga taga India. Hindi na lang ako kumikibo. Akala kasi nila Vietnamese-American ako... duh!
tito aga..iba nga naidudulot ng idle mind! kung ano ano naiisip mo! hahah
i love your death wish! haha!
Post a Comment