Friday, July 29, 2005

sama ng loob, pinsan at tatay

ang saya dito sa office, may open forum daw kami, magpapainom si boss. ngayon pa lang ay nagpaorder na kung anong gustong pulutan... hehehe. maglabasan na daw ng sama ng loob. para daw maging maayos ang takbo ng buhay dito sa opisina. ayos din naman ang naisip na ito no? labasan ng sama ng loob... ano kayang mailabas?? hehehe. wala naman akong sama ng loob sa kanila kahit hindi nila ako inincreasan... wala naman akong sama ng loob sa kanila kahit isang tambak yung trabahong ibinibigay nila sa akin, nakakapagblog pa rin ako... hehehe, wala akong sama ng loob sa kanila dahil kahit lagi akong late at absent pag lunes, hindi nila ako binibigyan ng memo... wala akong sama ng loob. siguro, sila ang may sama ng loob sa akin... waaaa!!!

kanina pala, tumawag ang aking "pinsan" sa canada... ehehe. nagkaroon tuloy ako ng pinsan sa canada dahil sa pagbblog... hehehe. may tatay ako sa new zealand, may pinsan ako sa canada... hehehe. may US line kasi kami dito sa office, local call lang sa kanya yun. yung linya namin sa US... itinap namin diretso dito sa manila... kaya nyo yun??? hehehehe.

1 comment:

Naomi said...

yipeeeeeeeeeeee!!!!!!!!
sobrang advantage nga sakin nun insan eh, yeheeeeeey!!!!!!!!!!