lingid sa inyong kaalaman, na nalaman nyo na ngayon, ako ay may asawa na. totoo po. ikinasal kami last March 3, 2005. after 1 week na panliligaw sa kanyang mga magulang, sinagot nya ako at nagsama kami from then on. suportado nya ako sa lahat kong ginagawa, kasama ko sya saan man ako magpunta. mabait sya, sunod sa lahat ng gusto ko. ang problema ko lang, medyo maluho sya. sa pagkain na lang, gumagastos ako ng isang libo linggo-linggo! bukod pa yung kanyang daily gastos, pero ok lang. madalang syang maligo, once a week lang, pero lagi syang nasa parlor, ang limit, ang mahal pa naman ng paparlor ngayon! kapag umuulan, medyo nakakatipid ako, sa ulan kasi sya naliligo at hindi na sya pumupunta sa parlor para magpaayos. ito pa ang problema ko, kailangan ko pang sustentuhan yung pamilya nya for 4 years! every month, nagbibigay ako sa kanila ng pera at kung hindi ko raw sila mabibigyan, e kukunin na daw nila yung asawa ko. 2 months lang daw ako pedeng lumiban sa sustento. ito namang asawa ko ay walang imik na sumunod sa ganoong sitwasyon, ako naman ay pumayag din, ewan ko ba kung bakit. minsan nga ay nagkaproblema itong asawa ko, may nakabangga ba naman? ayun! laking abala ko, kailangan ko pang magpunta sa presinto ng pulis para maayos ang problema. kahit medyo nagkatama sya, ngayon, ok na sya, salamat at meron syang philhealth. pero kahit ganyan sya, mahal ko pa rin sya. at hindi ko sya ipagpapalit kahit kanino. hindi kasi sya tumatanggi sa akin. lagi syang nasa mood. anytime, pwede ko syang sakyan!!! hehehe
ang pangalan nya nga pala ay Toyota Corolla Altis.
1 comment:
Sabi na nga ba eh. Kotse sya. bwehehehe. Wow can afford ka ha! Second-hand lang kaya ko eh.
Post a Comment