sa mga humihingi ng pasalubong, hanapin nyo na lang ako dito sa makati, meron pa yata ako ditong natitirang 2 toblerone, first come, first served na lang... hehehehe
alam nyo, akala nyo, ang saya ng trabaho ko? enjoy bumyahe, pero ang hirap din. biruin nyo, kakaadjust lang ng body clock ko sa jordan time, nag-aadjust na naman ako! mas madali pa nga yung adjustment sa jordan coz ahead ang pinas ng 5 hours. kumbaga, ang adjustment lang dun, feeling mo, magpupuyat ka ng additional 5 hours, tapos gigising ka ng additional 5 hours din. so, ok lang, kung sa pilipinas, parang nagpuyat lang ako ng hanggang 3Am, pero gumising naman ako ng 3PM. di ba, medyo, madaling makaadjust dito. nagpuyat ka pero gumising ka ng tanghali, so ok lang.
pero ngayon na nakaadjust na ako sa jordan time, ibabalik ko naman yung body clock ko sa philippine time. so, iaatras ko naman ng 5 hours yung body clock ko. yun ang mahirap. yun bang tipong feeling mo, matutulog ka nang maaga, 5 hours ahead, para magising ka nang maaga, 5 hours ahead din. hirap no? siguro naman, within one week, babalik na rin ito sa normal.
regarding my car, tinawagan ko yung toyota, pipilitin daw nila na till friday mairelease na yung car. tagal! nagkaproblema daw kasi, nung iopen nila yung rear bumper, nakita daw nila na yung quarter bumper ay medyo bumuka rin at kailangan ding ayusin, pero hindi naman daw nila basta maaayos without the approval of the insurance. lintek! nung friday lang daw lumabas yung approval! kaya hayun, ngayon lang daw ulit nila maitutuloy yung pagsasaayos nung kotse ko. sa july 13, bangaan monthsary na nung kotse, hanggang ngayon hindi pa ayos!!! kailangan ko talagang humingi ng danyos perwisyo!
lumuwas ako ng manila ng byahe kanina, sakay ng van, sa unahan pa ako nakapwesto. medyo iba rin ang feeling ng nasanay kang ikaw ang nagdadrive papunta sa manila, parang gusto kong agawin sa driver yung manibela eh... hehehe. isang linggo pa pala akong magcocommute.
pagdating sa office, gumawa ng report ng kung ano ang pinaggagawa ko doon sa jordan. ipinasa sa mga bossing ko, tapos, heto, nagblog. inaantok ako! grabe!!!
No comments:
Post a Comment