Marhgil Macuha



mga payo

Friday, July 29, 2005

by kukote

si pinsang sherwin ay tuloy na tuloy na ang pagpunta sa ibayong dagat, doon sa gitnang silangan, sa linggo na ang lipad nya! dalawang taon yata ang kontrata nya, autocad, designer daw sya dun... ang payo ko sa kanya... "ubusin mo na yung homesick mo dito para hindi ka na nahohomesick dun..." hehehe.

si leonkyo naman na kasama ko sa bahay ay nanalo ng ipod shuffle sa paraffle ng kickers. sabi nung kasama ko sa bahay... "habang maswerte ka pa ngayon, payo ko lang, manligaw ka na." hehehe.

mukhang mabenta yung dimples ko ah! for the first time on the history of my blogging... i hit 415 page views as of 7:30PM today! isang araw pa lang yan... araw-arawin ko kaya ang pagpopost ng aking mga picture? wag na... baka madiscover pa ako, ayaw na ayaw ko pa namang magshowbiz... hehehe. sabi kasi ng inay ko... "anak, kahit anong trabaho, pwede mong pasukin sa manila, pero wag na wag kang mag-aartista... magulo yun." hehehehe


yun lang!



posted by Marhgil, 7:31:00 PM

4 komento:

Hehehe...galing mo palang mag payo bro. galing mo rin makinig ng payo hahaha...hapi tlaga ako pag bumisita rito :) yepehhh bukas na trip ko sa Paris, regards ko nalng yang dimles mo doo'n lol's, ingatz nlang bro. magpatawa ka lagi ha! :)
ang sabi ni Anonymous Ethel, 29/7/05 9:30 PM  

415 views in one day? Um, pre, pwede ko ba post picture mo sa blog ko? :-D

checking my stats today, total page views yesterday reached 502. hehehe. grabe na ito!!!!
ang sabi ni Blogger kukote, 30/7/05 4:12 PM  

pansin ko nga mabenta ang dimple pic mo haha.. dumami bgla ang fans.. ang galeng hehe..
ang sabi ni Blogger yen, 2/8/05 12:33 AM  

isulat ang iyong gustong sabihin


Previous Posts

Marhgil » ang owen
Marhgil » isang oras na lang
Marhgil » ang horoscope
Marhgil » midnight sale
Marhgil » tiis muna
Marhgil » sama ng loob, pinsan at tatay
Marhgil » dimples
Marhgil » ang wrestling
Marhgil » meeting at business
Marhgil » sobrang mahal

Marhgil » Home