Wednesday, July 27, 2005

changes and meeting

naisipan ko lang alisin yung blogger navbar dyan sa taas ng blog ko... wala lang, sakit sa mata eh. yung mga pics ko sa saudi, naisipan ko ding iupload doon sa photo album ko. ano pa ba? lagay ng konting countdown para sa araw ng aking kapanganakan, para naman hindi nyo makalimutang magbigay ng regalo... hehehe. sana, matuloy na yung pinapagawa kong logo kay benjo, para naman mapalitan ko na ng picture yang title ko sa taas.

ano pa ba? malamang, bukas, di ako makapagpost. may client meeting daw kami eh, isasama daw nila ako. sana, tuloy sa lunch, hehehe. para libre na naman. ewan ko kung kaya nila ako isasama ay para gawing support nila o gawing driver nila.... hehehe. kasi naman, isasama ako ng mga bossing ko sa meeting, para lang naman akong tanga doon na nakaupo, nakikinig, patango-tango, kunwari, naintindihan yung pinag-uusapan... hehehe. ooopps... baka mabasa nila ito, ang dami na kasing bumibisita dito... kung ikaw ang boss ko... joke joke joke! kung hindi naman ikaw yung boss ko.. totoo yan... hehehe. tama na, baka ma-dooced na ako. ang laki pa naman ng pangangailangan ko para sa asawa ko.

sige, uwi na ako. byez!

2 comments:

Naomi said...

ahahahahahahah!
ahaahhahahahah!
kaloka talaga style mo dito!
di nga, kamag-anak mo ba si Cristy Fermin???

mag-blog ka ulit tomorrow ok
walang excuse excuse
dapat pagtapos ng meeting nyo, blog ulit. At sabihin mo rin sa boss mo, kung like nya ring mag-blog [ili-link ko sya agad!] =)

kukote said...

si cristy fermin, estudyante ko lang yan... hehehehe