now for my thoughts... kwento ko naman ang basahin nyo! pero hindi ito himutok na kagaya ng sinundan nito.
i went to KFC yesterday night, alone, para syempre maghapunan. ginutom kasi ako. unlike in kuwait na filipino ang mga crew, dito, talagang walang filipino. hindi ko alam kung anong lahi nung mga tao dun sa KFC. e pagdating ko doon, sign language lang, nagkaintindihan na kami nung nasa counter na hindi marunong mag-english. buti na lang at uso ang picture, ginawa kong turo-turo ang KFC, so, dumating din yung order ko na kapag kinonvert mo sa pesos ay aabot ng almost Php300. mahal no? mahal nga.
after eating, nagpunta ako sa supermarket na katabi lang nito. Safeway ang pangalan nung supermarket, wala lang, naglakad lakad lang doon, wala namang binili. naaasar lang kasi ako kapag icoconvert ko sa pesos ang presyo, ang mahal. sa pinas na lang ako bibili. hehehe.
ang working days dito ay sunday to thursday, so bukas, papasok pa ako. thursday night, yun ang gabing gumigimik ang mga tao dito, parang friday night dyan sa pinas. sabi sa akin nitong mga kasama ko, igagala daw nila ako dito sa thursday night. saan kaya ng mga ito ako balak dalhin??? gigimik kami sa huwebes!!! buti na lang at 5pm pa ng byernes ang flight ko, may oras pa para makapahinga.
on other matters, ano na bang nangyari sa kotse ko??? 5 days na ang nakalipas, wala pa rin. tumawag actually yung kasama ko sa bahay na pinagbilinan ko ng kotse ko at ang sabi daw sa toyota makati ay may inaayos pa. sana naman, pag-uwi ko ay ayos na. mag-iisang buwan nang masama ang loob ko dahil sa kotseng yan. pero kahit ganyan yan, hindi ko pa rin yan ipamimigay. hehehe.
ang tanghalian ko kanina, tinapay na may palamang kung anu-ano, maanghang na maasim na may chicken na maalat, ewan ko, basta kinain ko na lang, nalunok ko naman eh. hehehe.
No comments:
Post a Comment