Saturday, July 30, 2005

sa national bookstore, jennifer aniston and friends

after watching d anothers... gumala muna ulit ako at napadpad muli sa national bookstore. wala akong balak bumili until i saw the guinness world records 2005 book. since 2001, bumibili na ako nyan eh, dagdag kaalaman ba... problema ko lang, kagaya nung harry potter books ko... nasa ex ko rin yung mga guinness books ko! talagang puno sya ng memorabilia ko aH! hehehe.

so ganito yung nangyari... i asked for a hard-bound copy, and since the price difference is just 200 pesos, yung hard bound na binili ko. pagdating sa cashier, sabi ko, i will use my banco de oro card. ang sagot agad nya, "sir, hindi po namin yan tinatanggap dito." sagot ko... "ha? bakit? e tuwing magsashopping ako sa SM, yan yung ginagamit ko, sigurado ka? ibinenta na ba ni henry sy yung banco de oro?" hehehe. tapos sabi ni cashier, "sandali po, di ako sure, itanong ko sa boss ko.." tapos kinuha yung card ko. after 5 minutes, bumalik sya, "sir dun tayo sa kabila, pede pala yan." so sunod naman ako... tapos nung binabasa nya yung card ko... bigla ba naman akong tinanong... "sir, Buendia Avenue ang pangalan nyo???"... talagang pinigilan ko na lang ang pagtawa!!! shet... napagkamalan ba namang Buendia Avenue yung pangalan kong nakasulat doon sa banco de oro card? yung card ko kasi, wala akong name na nakaprint... card number lang, then, BRANCH NAME. huwwwaaaww... !!! si mr buendia avenue na pala ako ngayon... hehehe

natapos din naman yung transaction at nabayaran ko yung book. bumili din nga pala ako nung "brain twister" na puzzle, yung may apat na shapes na kung ano-anong shape na mabubuo. paglabas ng national bookstore na lang ako tumawa nang tumawa.

ok... ito nabasa ko ngayon sa guinness... yun palang sina jeniffer aniston, courtney cox at yung iba pang babaeng cast ng friends... they are the highest earner pagdating sa tv sitcoms... earning $1 million per episode! shet... isang episode, $1M! ilang episode na ba yun??? e parang naglolokohan lang sila doon, at 30 minutes lang ang isang episode nila, di ba? ang swerte talaga ng mga artista. pero kahit ganun... ayaw ko pa ring mag-artista... masunurin akong anak.. hehehehe

yun lang

6 comments:

Anonymous said...

ahhah ako pinagkamalng guy, ms worse pla sau kse name mo Avenue blehehe natwa ko don!

anyways, true i read the guiness to and was shocked wen i red that! i've seen all 10 seasons in 2 weeks, heheh each season may 48 or so episodes! just imagine how reach they are now... buti pa si "phoebe" mura lng maningil..=)

but i Love frieNds pa din!

Anonymous said...

BUENDIAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!



wala lang. :p

Anonymous said...

Ung Complete Vampire Chronicles ko ng Anne Rice, nasa EX ko rin. tsk tsk

Anonymous said...

tae!!!!! natawa ako dun, hehehehe... timang yung sales lady!!!! hahahaha... di ko talaga mapigilan ang tawa, para akong baliw dito hehehehe....

Anonymous said...

Grabe blogger... medyo huling huli ka na yata sa balita(re: Jeniffer and friends)...

but your dimples are cute..he he

kukote said...

anonymous... di kasi ako nagbabasa ng dyaryo... hehehe.