Wednesday, July 13, 2005

rally at taxi driver

what a good day! late ako dahil sobrang traffic, halos hindi gumagalaw, naglakad na nga lang ako nung sa tingin ko ay kaya ko nang lakarin yung papunta dito sa office. isinara pala ang ayala para sa rally! hay naku, kung sa halip na nagrarally kayo ay naghahanap kayo ng trabaho, mas gaganda siguro ang inyong buhay! e kinarir nyo na yang pagrarally rally eh. kahit naman sino pang nakaupo dyan sa malakanyang, kung hindi ka magtatrabaho, hindi ka rin aasenso! kung araw-araw na lang ay puro kasiraan ng gobyerno ang aatupagin mo at magrarally ka na lang nang magrarally, hindi ka aasenso. maghanap kayo ng trabaho!

isa pa, sa mga taxi driver na ayaw magpasakay dahil matraffic, magpakamatay na kayo! hindi nyo ba alam na talagang bahagi ng buhay driver ang pagkakaroon ng traffic sa kalye??? kung ayaw nyo ng traffic, dapat, nagpiloto na lang kayo, o kaya ay nag-apply na driver ng MRT, di ba? well, pasensya kayo kung ako ang nakatapat nyo, kada tanggi nyo, ok lang sa akin na mawalan ako ng piso, maitext ko lang ang mga plate number nyo sa LTFRB. sa mga makakabasa nito, eto po ang number ng LTFRB, 09214487777. piso lang kada text, lahat nang mangongontrata at tatanggi sa inyo, piso lang, itext nyo ang plate number. nang mabigyan naman ng leksyon ang mga driver na yan. may ginagawa bang aksyon, siguro naman after 3 to 5 na reklamo sa taxi na yun e gagawan na yan ng aksyon.

yun lang!

5 comments:

may said...

hi bro!

yeah traffic talaga today baka lalo na mamaya paguwian na.

BTW, winner ka din pala kay Nao sa kin daw nyo kukunin ung prize sa ofc namin. u'll meet Ning also we're at d same ofc. see ya!

kukote said...

hi sis!

malamang ay traffic pa rin mamaya. ingat na lang! see you soon!

Anonymous said...

Does the hotline really work? I just texted the following complaint and wala pang reply.

Plate number is TWT 405 (TWT-405)

My ride was from UP Diliman to Katipunan and the driver demanded that I pay P250 per km kasi airport taxi daw pero when I got out of the taxi wala namang marka. May metro din sya. May metro ba ang mga airport taxi? I suspect he is a dupe.

I just reported a complaint on the taxi with plate number TWT-405. I did some search and it appears that this taxi should have already been impounded: http://www.gmanews.tv/story/77051/14-of-85-impounded-taxis-have-spurious-engine-number---LTO Why is it still plying the road?

Anonymous said...

IWASAN ninyo ang driver na ito. Just found it via LTFRB operator search:

Operator : CABIDO CARLOS JR C
Commercial Name :
Address : 11 GUMAMELA ST MARULAS VAL CITY
Tel. No. :
Mob. No. :
Case No. : 2004-01794
Region : NCR
Franchise Status :
Route : QUEZON CITY TO ANY POINT IN METRO MLA
Denomination : Taxi
Plate No. : TWT405
Make : TOYOTA
Year Model :
Remarks :

Anonymous said...

Nagrereply din pala ang LTFRB help desk. I just faxed a formal complaint to +63.2.921.2291. I wanna see the sonofabitch once again and take him down.