Wednesday, July 13, 2005

kotse

sa wakas, nakuha ko na yung kotse. ipinakuha ko kay mang russel, gumawa na lang ako ng authorization letter, hindi kasi ako makaalis dito sa opisina, daming trabaho. ang sabi ko kay mang russ, "wag mong ibabangga ha." hehehe. well, andito na yung car, back to its original form... akala ko nga, pagbalik nya ay Innova na, hehehe, kasi, naman 2 weeks bago nagawa.

to all the reckless drivers out there, yan, pede nyo na ulit akong banggain. kung mambabangga kayo, tamaan nyo naman kahit isang ilaw, para medyo mas malaki yung babayaran nyo ha? at nang masubukan ko rin kung gumagana yung air bag... hehehe.

i'll post some pictures tomorrow, para naman makita nyo kung gaano kapulido magtrabaho yung taga toyota, siguro, binilang pa nila pati kung ilang beses pipihitin yung mga screw... etc... etc... kasi, bumper lang na papalitan, it took them 2 weeks (june 29 ko ipinasok sa casa after 2 weeks of getting the necessary papers), e wala namang inayos sa makina. e di lalo na kung kumatok yung makina.

ge, back to work na ulit ako!

3 comments:

Jena Sarang said...

hi, bro! kmusta po! tnx po sa advice... hope we could be good friends po. :-)

Mmy-Lei said...

wow! at last di ka na mahihirapan makipagtalo sa taxi driver!!!

congrats, ingat nalang.

kukote said...

hi jena! hi mommy lei! sa wakas nga po ay naayos din. tuwing tuesday na lang ako makikipagtalo sa taxi driver, kasi, coding ako nun. =)