nagpunta ako sa SM batangas dahil nababagot ako sa bahay. pagdating doon, gala-gala hanggang sa napadpad ako sa national bookstore. ewan ko, parang na Imperius Curse yata ako, wala naman akong balak bumili, pero nung nakita kong nakakalat doon yung latest Harry Potter book, at 10% discount sila, i grabbed one and napakaskas na naman yung credit card ko! ewan ko ba, sabi kong wala na akong hilig, pero eto, chapter 4 na. hehehe. pagkatapos kong basahin, yung gustong humiram, magsabi lang, ipapahiram ko, first come first served. ok? just send me an email, ok?
eto pa, nakakita ako ng album ng MYMP... binili ko rin. wala lang... yung 2 cd edition. after buying that fruitcake album ng eraserheads... ngayon lang ako nakabili ulit ng original CD a! well, kapag iba yung dating sa akin, i support them by buying their original cds. meaning, ngayon lang ulit ako tinamaan... sulit naman yung P400.
reading harry potter while listening MYMP music.. yan ang trip ko kanina! hehe
yan ang napala ko sa kabagutan ko sa bahay, almost 2K nawala sa bulsa ko! shet!
2 comments:
grabe naman ang kamahalan ng hp book sa pinas!!! saka ang liit ng discount, pero like what u said..shulit na shulit naman eh. sige magpakasaya tyo sa pagbabasa.
he he
may SM na rin pala sa Batangas.
Post a Comment