Monday, July 18, 2005

gma, buzz, wowowee, single

isa isa nang nauubos ang cabinet ni GMA, kelan kaya sya magreresign? kapag ang natira na lang siguro ay yung cabinet na nilalagyan nya ng damit... hehehe.

napanood ko yung the Buzz na si Kris Aquino ay umiiyak. masyado naman yata nilang sinensationalize yung issue... may paiyak-iyak pa si kristeta. e anong paki ko baga sa kanila.. hehehe. nagtapang-tapangan pa si boy abunda at si cristy fermin... hay cristy fermin, halata namang takot ka rin... bakit hindi mo agad nasabi yung "sir, you are the head of department of injustice?" quinote mo pa si saguisag... hehehe.

doon sa wowowee, natutuwa naman ako doon kay william lim na nagbigay ng tatlong jeep para gawing premyo sa pera o bayong. ayos yan, ipagpatuloy mo, hayaan nyo, kapag naging kasing yaman ko siya, sampung jeep ang ibibigay ko. promise.

ang hirap pala ng ikaw lang ang single sa pamilya. naeetsapwera ka na. kaya minsan, naiisip ko na mag-asawa na rin eh. akala yata, palibhasa wala akong pamilya ay payag na lang ako sa kanilang mga desisyon. hindi na ako tinatanong! hayaan ko na nga lang! bahala na si lord sa kanila.

2 comments:

lukin4gf said...

na-aartehan ako ke Kris yun lang.

kukote said...

ako rin =)