Sunday, July 24, 2005

ang sagot

ito ang aking sagot sa nagcomment sa aking walang kwentang tula.



ang sagot


tulang walang kwenta
napansin ng isa
nagcomment ng kakaiba
malayo daw sa isa't isa
ang aking mga paksa

ngayon sya ang paksa
ng aking bagong tula
ngayon ako ay may paksa
ang paksa ko ay sya

wala daw pinatunguhan
yung tula kong walang kwenta
kaya nga walang kwenta
di mo ba nabasa?

sana daw sa susunod
ay maayos na ang tula ko
ano sa tingin mo
pasado na ba ito?

wala akong problema
ako lang naman ay natutuwa
kahit ganung walang kwenta
tula ko ay iyong binasa

kung ikaw ay mamumuna
sa gawa ng iba
siguraduhin mong ikaw ay bihasa
baka ikaw ay mabara

ngayon ano sa tingin mo?
may iisa na akong paksa
at may pinatunguhan na itong tula
ang saya ng isang bata!


2 comments:

Anonymous said...

poetic license. that's what it's called. the freedom to deviate deliberately from normally applicable rules or practices, be it in action or speech. hence, whether a poem has "patutunguhan" or wala, it's the thought of the writer (the "poet") to put into writing what runs in his mind. o di ba? malalim ba, nde maarok? pero totoo. hahaha!

kukote said...

hi pao! nice one, well said. ;)