mukhang things are going in my favor na ulit... hehehe, ok lang siguro kahit walang increase, basta matuloy yung next foreign assignment ko, 3 to 4 weeks sa saudi arabia. my boss just called me and told me that there is a big possibility na matuloy to, sana nga. anyway, sanay na naman ako sa arabic foods, hehehe, at least, sa saudi, hindi ako mababagot dahil ang daming filipino doon. hindi training yung gagawin ko dun, systems development daw, in other words, programming. well, marunong naman ako noon kahit papano.. hehehe.
kwentong jordan ulit... nung pauwi na ako, ang nakatabi ko sa eroplano ay isang DH sa riyadh. yan kasing dubai ay stop-over capital of the filipino people yata... kasi, doon sa gate kung saan kami naghintay, kaming mga filipino, kung saan-saan galing, merong galing kuwait, galing germany, galing ireland at galing saudi. syempre, meron din namang galing din mismo sa dubai. so to continue my story, syempre, sa haba ng byahe, kung hindi mo kakausapin yung katabi mo ay mababagot ka, so, nag-usap kami. eto kwento nya... 3 years daw sya sa riyadh, domestic helper nga, mabait naman daw ang amo nya, dalawa daw silang katulong, ang isa ay indonesian. umuwi sya dahil finish contract na, 8 daw yung anak ng amo nya, lahat naman daw mababait, mga tapos na daw, yung isa nga daw ay doktor, pero may inaalagaan pa rin daw syang bata. mahirap daw ang trabaho, wala daw silang day-off. all-around daw sya. tapos sabi nya, namimiss na daw nya yung mga anak nya. meron daw syang tatlong anak, yung isa daw ay malapit ng grumaduate sa university of mindanao sa tagum sa davao. computer programmer daw ang kinukuha. tanong ko, sa hirap po ng trabaho, magkano naman po ang bigay sa inyo? kung icoconvert daw sa pesos, around P10,000. may balak pa po ba kayong bumalik? sagot nya... depende, kung bibigyan nila ako ng increase.. kung hindi, hahanap na lang ako ng ibang amo. tapos, pagdating daw sa manila, punta daw sya sa agency, doon muna matutulog, bibigyan daw sya ng ticket doon papunta sa davao. she's around 40 years old na sa tingin ko.
wish ko lang, sana, matino yung anak nya. sana, yung perang pinapadala nya ay ginagamit nung anak nya sa tama at hindi ipinangbubulakbol. nakakaasar kasing makita na ang yayabang nung iba dyan dahil nag-aabroad yung parents nila, hindi lang nila alam kung anong hirap ang dinaranas ng magulang nila mabigyan lang sila ng magandang buhay. lalo na sa middle east, di nyo ba alam na ang tanghaling tapat dito sa pinas ay katumbas lang ng alas sais ng umaga sa saudi? just imagine kung gaano kainit ang tanghaling tapat doon. tapos, yung magulang nyo, nagtatrabaho sa construction site, gaanong hirap at init ang tinitiis nila magkaroon lang tayo ng magandang buhay.
to all OFW children, please love your parents, ipadama nyo habang kapiling nyo sila at buhay pa. hindi nyo lang alam kung gaano kahirap ang manilbihan sa ibang bansa para lang sa kapakanan nyo. let's make them happy naman pag-uwi nila... huwag puro pasalubong yung hanap. kung maaari nga, itreat nyo sila pag-uwi nila, ipasyal. sila naman pagsilbihan natin habang di pa sila bumabalik sa abroad. let's make them feel the love habang kapiling natin sila.
yun lang, tama na, naiiyak na ako. huhuhuhu!!
No comments:
Post a Comment