habang wala pa akong masyadong ginagawa, magkwento muna ako... medyo nabadtrip nga ako kahapon, kasi ba naman, lahat ng empleyado dito, nagkaroon ng kanilang annual increase, ako, wala, sa october pa raw! inaasahan mong pera, naglaho pa! ayun, kaya medyo lumabas ako kagabi at naglabas ng sama ng loob, wala, gumimik lang naman kami, nagubos ng pera, hehehe.
just like to point out something here, lalo na sa mga kababayan nating OFW... mga kapatid, kung uuwi naman po kayo, alam nyo naman po kung hanggang ilang kilo lang yung pwedeng baggage nyo, di ba? huwag na po kayong magdala ng sobra, tapos makikiusap kayo sa makikita nyong konti lang ang dala na pakicheck-in na rin nung baggage nyo dahil over-baggage na kayo. hindi nyo lang po alam, tinulungan nga kayo pero kahit paano, may gumugulo sa isip nung tao, ewan ko sa iba pero sa akin, meron.
ako, kada uwi ko na lang kasi, may nakikicheck-in sa akin, hindi naman ako makatanggi, kasi, pang-isang linggong gamit lang naman ang dala ko, at kapag kababayan ko na ang nakiusap, wala, hindi talaga ako makatanggi. pero sa likod ng isip ko, may bumubulong... "paano kung illegal ang laman nyan??? paano kung may drugs yan sa loob, etc.. etc.. e di ako ang lagot?". yun lang naman ang kinatatakutan ko, syempre, ako ang nakapangalan dun sa gamit, e di ako ang makukulong, di ba? ewan ko, gusto kong tumanggi, pero di ko magawa. parang kung mangyayari yun, ikaw na ang tumulong, ikaw pa ang napahamak, isusumpa ko naman yung tao na yun kung mangyayari yun. hehehehe. so far naman, wala pang masamang nangyayari, pero maghihintay pa ba akong may masamang mangyari bago ako matuto?? hindi ko kasi ugali na magkait ng tulong kung may maitutulong naman ako eh. ewan ko, next time siguro, pilitin kong tumanggi, kung kaya ko. pero pinakamaganda nyan, wag na po tayong magdala ng sobrang bagahe, ok? am i being rude???
bad trip pa rin ako till now. doon sa mga taong pinadalhan ko ng email at nagbigay ng comments, thanks po! hirap kasi mag-isip kapag badtrip kaya kailangan ko ng inyong comments. masyado lang pong personal kaya hindi ko na dito sa blog ipinost.
yun lang.
No comments:
Post a Comment