Sunday, July 24, 2005

double names

may batas bang nagbabawal to use the word "Attorney", "Doctor", "Engineer" sa pangalan ng tao as part of his first name? dahil uso naman yung double name... like John Paul... Maria Procopia... Ron Allan... William Henry... i'm planning to name my children like that.. example... panganay ko si Doctor Marhgil. pangalawa si Attorney Marhgil, pangatlo si Engineer Marhgil. bata pa lang, titulado na... hehehe.


wala akong magawa, nagbasa ako ng mga sinauna kong post, doon sa www.my-diary.org, nung panahong nasa kuwait pa ako. natatawa pa rin ako tuwing mababasa ko ito.

yun lang

7 comments:

.:mauie:. said...

ang kulit ng pangalan! hahaha..

Lynn said...

ha ha ha, ma-attitude na pangalan pa lang. paano kung si Doctor Marghil gustong maging doctor paglaki, di Doctor Doctor Marghil sya, o si Attorney Marghil gustong maging abogado paglaki di Attorney Attorney Marghil din... pwede maging ninang? he he he.

Ka Uro said...

magandang idea mar, pero tulad ng sinabi ni lynn baka magkaproblema. paano nga naman kung si Doctor Marghil ay gustong maging abogado. e di attorney na doctor pa ang pangalan niya. mabuti pa siguro kung "don", "senor", "prince", "excellency", "highness" ang unang pangalan.

nga pala, nag-post din ako ng similar to your "banggaan lessons".

DarkBlak said...

may mga naisip din akong ibang name na gusto gamitin eh kaya lang puro pangbabae:

Fiona II
Fiona Junior

sa tingin mo?

isabela said...

hehehe magandang ideya. dagdagan mo na rin ng maraming letra sa buntot ng apelyido. Uso rin yan. Doctor Doctor Marghil M.D., E.E.C., T.S E. Bahala na silang manghula kung ano ang ibig sabihin nun.

yanyan said...

pwede! tama maganda yan! eh pwede rin diba kung double name nga. tapos yung isa maganda yung isa panget pakinggan. tulad ng ana tinidora.. bryan mangyan? diba? anu sa tingin mo kuya? hmmmm....

kukote said...

waaa! ang daming comment ah! =)

mauie... makulit nga! =)

lynn... kung magkadoble-doble ayos yun! kung hindi naman sya nakatapos at tambay lang... biruin mo, tambay na doktor, engineer at attorney? hehehe

ka uro... actually, gusto ko rin yan. pero naiisip ko, single name naman.. si "Boss" o kaya naman ay "Sir" ang pangalan nya. bata pa lang, boss na ang tawag ng mga kalaro nya sa kanya. =)

darkblak... fiona ii, fiona junior, ok yan, para magkaroon naman ng junior na babae ;)

isabela... good idea! =)

yanyan... pede na rin, kaso, kawawa naman yung magiging anak ko... bata pa lang, inaasar na.. hehehe