at Ilat Elementary School (a public school 10-minute walk away from our house)... 1986 to 1992
- Grade 1... Mrs. Magsino (kinatatakutan)
- Grade 2... Mrs. Marquez (i hated this one... pag nakikita ko, kumukulo pa rin ang dugo ko)
- Grade 3... Mrs. Mirano (nagtitinda ng itlog na nilabon sa klase)
- Grade 4... Miss Arguelles (strict sya, i still remember her "around the world" punishment... ano yun? yung hahawakan ka sa patilya... tapos paiikutin ka!)
- Grade 5... Mrs. Cantos, Miss Arguelles, Mrs. Ebora (wala akong maalala)
- Grade 6... Mrs. Manalo (buntis sya noon), Miss Arguelles, Mrs. Cantos, Mrs. Ebora, Mrs. Balmes (nakunan si Mrs. Balmes dahil sa galit sa isa kong kaklase)
during first day ng klase, kailangan, maaga ka para hindi ka maubusan ng aklat na ipahihiram. tuwing, papasko, magpapadala ng parol ang mga teacher. ano pa ba? usual punishment ay papadipahin ka ng ilang oras. usual project... walis tingting... hehehe. ilang beses ba ako nagsubmit nito? kapag maglilinis ng classroom, magpapadala ang teacher ng dahon ng saging. yun ang pinangpapakintab ng sahig! may cleaners for the day, grupo yun at rotation every week, merong assign sa garden, sa room at sa likod ng classroom. may flag ceremony araw-araw, may exercise muna, tapos lupang hinirang, tapos, panatang makabayan. sabay-sabay ang oras ng recess! anak ng teteng, kaya ang hirap bumili sa tindahan... ang pagkain ko noon, tinapay na may palamang pansit, binibili ko doon sa tindahan ni ka lydia at ni ka abling. ano pa ba? daisy yung halaman namin sa garden. at minsan, magpapadala ang teacher ng pampataba ng lupa daw, taeng baka! doon naman sa amin ay bukid, makakapulot ka ng taeng baka.. hehehe.
noong panahong yun, hindi pa uso ang cellphone, kahit nga telepono ay wala pa sa amin. (college na ako nung magkaroon ng linya ng telepono sa barangay namin.) ang tatay ko ay nag-aabroad na, at nagsusulatan sila ng inay ko. at minsan, kapag may umuuwi syang kasamahan, nagpapadala pa ng voice tape! kapag urgent, telegrama pa ang gamit na hindi mo naman maintindihan masyado, kasi, sobrang igsi. (per character yata ang bayad noon).
noong panahon din yun nauso ang satanista. grade 2 yata ako noon. na pinasusundo kami sa magulang namin tuwing uwian dahil nga daw ng mga satanista! tandang tanda ko pa rin yung july 16 earthquake. nasa school kami noon, ang teacher ko pa noon na nagtuturo ay si mrs. cantos. grade 5 yata ako noon.
ano pa ba? tanda ko rin ang una kong pakikipag-away sa kaklase ko. yun ay nung grade 1 ako, it was first day of the class pa! nakipagsaksakan ako ng lapis! ganito kasi yun... iniwan kami ng teacher namin dahil may meeting, ang ginawa, pinagsulat kami ng pangalan sa papel, pinapuno yung papel ng pangalan namin. so, ok lang, nagawa ko naman, ang problema, itong kaklase ko, lumapit, tapos, sabi sa akin, tapos ka na? checkan na natin, sabay check nung papel ko using his pencil... syempre, first day of class, hindi naman ako sanay na may nang-aapi sa akin, chinekan nya yung papel ko, sinaksak ko sya ng lapis sa likod! gumanti sya, nagsaksakan kami! hehehe. di naman bumaon, sugat lang, pero, pinatawag pa rin syempre ang mga magulang namin. hehehe
yun na lang muna... ang sarap balikan ng nakaraan no?
No comments:
Post a Comment